1
Tumungtong na ako sa College at kahit na labag sa loob ko ang kursong Med tech, kailangan ko raw sundin ang yapak ng yumao kong nanay dahil ako lang ang kaisa isang anak nila na mag mamana ng aming hospital kahit na labag pa ito sa kalooban ko.
Gusto ko sanang maging isang guro dahil malapit sa puso ko ang mga bata. And I wanted to give them the best education. Pero sa buhay ko, tatay Romualdo ko lamang ang masusunod. Pati nga pananamit ko, literal pa nga niyang pinakikialaman.
Ngayon, kasama ko ang kaibagan kong si Chelsey. 12 noon na, nagla lunch lang kami pero papasok kami mamaya para sa huling klase namin ngayong first day of school. Sa kabilang table, nakita ko ang mga education students na masayang nag ku kwentuhan.
"Mitch okay ka lang? Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Masarap naman yung sinigang ha?"
Nanatili akong nakatingin sa mga educational students, ini imagine kong isa ako sa kanila. Sa kalagitnaan ng imahinasyon ko, nararmdaman ko na lang na biglang may humawak sa akin. Napatingin akong bigla kay Chelsey.
"Hello! Nandito ako sa harapan mo, baka naman pwede mo akong pansinin bes?"
"Ay sorry Chelsey. Nanjan ka pala, may sinasabi ka ba sa akin?"
"Hays," lumingon si Chelsey sa mga education students at mabilis na lumingon sa akin.
"Nakaka inggit no? Mabuti pa sila, may freedom silang mamili ng gusto nilang course. Samantalang ako, 17 years old na pero wala akong kalayaan. Nakakainis si Dad, gustong gusto niya akong sumunod sa yapak ni Mom. Porket nag iisa nila akong anak."
"Well, sorry for that. Malay mo magustuhan mo rin ang Med tech."
"Anong magustuhan? Eh ayaw ko nga sa science and I really hate those terms na ginagamit sa science. Puro memorization, sure akong babagsak ako sa mga subjects natin."
"Ang nega mo noh? Sayang, balita ko pa naman gwapo yung Professor natin sa Reproductive science and medicine. Kahit nasa fourties na raw 'yun, ang hot pa ring tingnan. Crush nga daw yun sa campus eh."
Halos mamutla ang pisngi ni Chelsey sa kilig. Pero ako, wala akong kahilig hilig sa mga ganito. Sabay kaming nag high school ni Chelsey at close ang mga parents namin. Actually, yung nanay niya ay nagta trabaho sa hospital ng Dad ko.
Unlike m, pangarap ni Chelsey na kumuha ng Med Tech dahil plano niyang sundan ang yapak ng parents niya. And unlike me, mayroon siyang sariling freedom.
"Hindi ako nega, sadyang wala lang talaga akong interes na mag aral ng hindi ko gusto. Feeling ko para na rin akong sinasakal ni Dad sa leeg dahil halos lahat ng desisyon ko sa buhay, pinapakialaman niya."
"Eh tatay mo 'yun eh. And still minor pa tayong dalawa, anyway tapusin na nating kumain kasi 12:30 ang klase natin. Baka ma late pa tayong dalawa."
"Sus, excited ka lang na makita yung poging Professor eh."
"Oh eh ano naman, at least mas lalo akong gaganahang mag aral kasi may bago na akong inspirasyon."
Pagkatapos naming kumain ni Chelsey, pumasok na kaming dalawa sa klase. Five minutes before 12:30 pero puno kaagad ang klase namin. Halos dalawang upuan na lang ang available at sa unahan pa ito. Tumakbo papunta si Chelsey at naupo siya sa pangalawang seat sa unahan.
Wala naman akong nagawa, ako ang naupo sa unahan, yung literal na katabi ng table ng professor namin.
"Sorry bes, ako ang nauna. Kapag may nakalimutan si Prof, ikaw ang uutusan niya."
Naupo ako, "Sure ka bang hindi ka mag seselos jan ha?"
"Hindi naman... sayo na yang pwesto na 'yan pramis."
Narinig namin na nag bukas ang pinto at dumating ang isang lalaking naka salamin, may dala itong backpack at dalawang libro sa kamay. At tama nga ang sinabi ni Chelsey, kahit na parang nasa forties na ito ay gwapo pa rin siyang tingnan. Malakas ang kanyang dating at nakaka akit ang kanyang mga mata. At halos pumuputok na ang uniform niya dahil sa kanyang nag lalakihang mga muscles.
Tumayo kaming lahat dahil siya ang hinihintay naming professor sa Reproductive science and medicine.
"Good morning prof," in fairness, kahit na first day namin sa school, sabay sabay kaming nagsalitang iba kong mga kaklase.
"Oh my gosh bes, ang gwapo nga niya. Grabe, paano kaya ako matututo nito kung siya mismo ang magiging professor natin? Sigurado ako nakatunganga lang ako sa kanya," bulong ni Chelsey sa akin na halatang kinikilig sa tono ng kanyang boses.
Inilipag niya ang kanyang libro at bag sa lamesa at iniikot niya ang mga mata niya sa amin.
"Good afternoon guys, my name is Joe Ivan Dela Cruz and I will be your professor in Reproductive science and medicine subject, but you can call me sir Ivan. And I hope na maging mabuting mga mag aaral kayong lahat. Sit down!"
Ang lamig at swabe ng boses niya, malalim ito at sobrang sarap pakinggan sa tenga. Bakit naman lahat ng weakness ko sa isang lalaki ay nasa kanya na? Sinadya ba talaga ito ng school para magustuhan ko ang su
Naupo na kaming lahat at muling nag salita ang bago naming professor.
"Kalma self! Professor mo siya, kailangan mag focus ka lang sa sinasabi niya at hindi sa mukha niya!" sabi ko sa isip ko.
Nang tumingin siya sa akin, napangiti siya at lumabas ang dalawa niyang dimples sa magkabilang pisngi.
"Iha, pwede ba na ikaw ang maunang mag introduce ng sarili mo, your age and your reason kung bakit mo pinili ang course na med tech?"
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"Go besh kaya mo 'yan," pag cheer sa akin ni Chelsey.
Napatayo akong bigla habang nakatingin ako kay Sir Ivan.
"Hello, my name is Michelle Dela Fuente but I prefer to be called Mitch and I am 17 years old... and the reason kung bakit ko kinuha ang med tech ay dahil..." napahawak sa akin si Chelsey dahil nanginginig talaga ang mga kamay ko sa kaba.
"At bakit mo naman pinili ang Med tech as your course?" tanong ni Sir.