MITCH POV
I forced myself to smile and with all my heart, I blurted the biggest lie of my life.
"Masaya po mag Med tech kasi pangarap ko pong sumunod sa yapak ng mama ko," nakangiting sabi ko kay Professor Ivan. Nilagay ko pa nga ang kamay ko sa bulsa ko, kinurot ang daliri ko dahil kinikilig talaga ako sa kulay asul na mga mata.
Bakit sinadya kasi talaga ng tadhana na maging gwapo ang professor ko? At ang mas nakaka loka pa, nasa harapan ko siya ngayon kaya kailangan kong itago ang kilig ko sa kanya.
"That's good to know, bihira na akong makakita ng mga students na sumusunod sa yapak ng kanilang parents. Anyway thank you Michelle."
Hanggang sa matapos ang klase namin, wala akong ibang nagawa kung di ang tumitig sa mukha ni Sir Ivan. Habang tinititigan ko siya, mas lalo siyang gumu gwapo sa aking paningin.
Uwian na, palabas na kaming dalawa ni Chelsey at naglalakad papunta sa parking lot kung saan kami may kanya kanyang sundo.
"Uy grabe ang galing mong mag panggap kanina ha?"
"Panggap saan?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"Sus kunwari ka pa, halata namang nagsinungaling ka lang kay Sir Ivan kanina," humarap siya sa akin at biglang ginaya ang kilos ko, "Ganito pa nga ang pagkakasabi mo eh, 'Masaya po mag Med tech kasi pangarap ko pong sumunod sa yapak ng mama ko,' di ba?"
Tawang tawa ako kasi gayang gaya ni Chelsey ang bawat galaw ko, ang paltik ng mga kamay, tono ng boses, at pag galaw ko ng mga mata ko. Lahat ito ay nagaya niya! And now I have proven myself na siya nga talaga ang bestfriend ko dahil kuhang kuha niya ang kilos ko.
"Naks! Oo na, gayang gaya mo talaga ako with the way you speak at the way kang gumalaw. And I have to admit, peke rin naman talaga ang sinabi ko kanina. Alangan namang ilaglag ko ang sarili ko di ba? Eh lalo akong nalintikan kay dad?"
Naging seryoso ang mukha niya nang akbayan niya ako, "Pero Mitch, ipangako mo sa akin na hindi kita magiging kahati kay sir Ivan ha? First day of school pa lang pero na love at first sight na ako kaagad sa kanya."
I furrowed my eyebrows at her, "Ha? Okay ka lang ba Chelsey? Professor natin siya, malabong malabo na pumatol siya sa estudyante kasi bawal yan sa school natin."
"Eh basta, malay mo pagka graduate natin kaming dalawa ni Sir Ivan ang magkatuluyan?"
"Ilusyunada ka talaga at malayo talaga ang nararating ng utak mo eh. Pero sige fine, kung isa na yan sa mga pangarap mo, sige hindi naman ako hahadlang. While I admit na gwapo nga si Sir Ivan, professor siya pero mauumay rin tayo sa pag mumukha niya."
Deep inside my mind, alam ko na buong puso akong nagsisinungaling ulit. And now, my heart is racing fast dahil nangako ako kay Chelsey na hindi ako magkaka gusto sa gwapo naming professor. Nang makarating na kaming dalawa ni Chelsey sa parking lot, nakita namin ang red Ferrari na sundo niya subalit wala pa ang sundo ko.
Humarap ulit sa akin si Chelsey bitbit ang pink handbag niya, "So paano Mitch mauna na ako ha?"
"Wag bata ka pa," pag bibiro ko.
"Ewan ko sayo," nakipag beso siya sa akin and waved me goodbye bago siya sumakay sa kanilang kotse.
Pag alis niya, naupo ako sa puno ng mangga. Mabuti na lang at may silong ako dahil hapon pa rin at tirik na tirik ang araw sa kalangitan.
Meanwhile, nakita kong bigla si Sir Ivan na papasok sa isang magarang Ford. s**t! Ang gwapo gwapo niya talaga at ang kisig ng kanyang katawan. Para ngang gustong kumawala ng kanyang biceps sa kanyang polo shirt. Mabilis na umalis ang Ford niyang sasakyan. Mabuti na nga lang at hindi ako nito nakita kasi feeling ko ay namumutla ang mga pisngi ko sa kanya.
30 minutes ang naka lipas, dumating na rin ang sundo kong Van. Medyo na inis ako ng sumakay ako sa back seat. Tumingin ako kaagad sa driver's seat subalit imbis na Mang Isko, si Dad ang nasa driver's seat. Naka suot siya ng corporate attire at parang kagagaling lang niya sa hospital.
Lumingon siya sa akin at nagsalita, "Anak kamusta ang first day of class?"
Lalo akong nainis kasi hanggang ngayon, nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil pala desisyon siya sa buhay ko. At bilang sa tingin ko ako ang tama, hindi ko siya nginitian.
"May pasok kayo di ba? Marami pa namang may sakit ngayon tapos iiwan ninyo ang hospital ninyo," nag tatampong sabi ko sa kanya sabay lingon sa labas ng side mirror. The more na nakatingin ako sa kanya, the more akong naiinis.
"Syempre nag half day muna ako sa work para masundo kita at maka kain tayong dalawa sa labas. Marami namang doctors na pwedeng um-assist sa mga patients. I just want to have a bonding with my daughter. After all, ikaw ang nag iisang tagapag mana ng hospital natin kaya kailangan kitang alagaan ng mabuti kagaya ng bilin ng nanay mo sa akin."
"Dad, eto na naman ba tayo? Why do you keep on repeating those words to me? I already sacrificed my own happiness just to fulfill my mom's last wish."
"Michelle, your mother and I know what is the best path for you. We both know na ikaw ay isang magiging tanyag na doktora balang araw. And I am telling you again, magiging worth it ang sakripisyo mo dahil sinunod mo ang gusto namin. After mong maka graduate, pwedeng pwede ka na magkaroon ng posisyon kaagad sa hospital natin and I will be the proudest dad in the world."
I still turned a deaf ear on what he just said, "Wala akong ganang kumain sa labas. Gusto ko nang umuwi, pagod ako sa klase."
"Are you sure? Kasi anak, wala na akong ibang free time tomorrow or these coming days."
Hindi na ako sumagot kay Dad kaya minaneho na niya ang sasakyan niya. Nang makarating kami sa apartment namin, dederetso sana ako sa kwarto ko ng bigla niyang hawiin ang kamay ko.