MITCH POV
"Anak saglit lang, mag usap muna tayo. Alam kong mabigat pa rin ang loob mo sa akin pero hindi ako mapapanatag kung patuloy kang iiwas sa akin."
"Iiwas? Dad," nauna nang pumatak ang luha sa mga mata ko, "Kinuha mo ang kinabukasan ko ng sinimulan mo akong i enroll sa isang kursong hindi ko gusto. May karapatan akong mag tampo sayo at hindi ka kausap ng ilang araw... ilang linggo. Pero may pagkakataon ka pa para ayusin ito dad, please let me take Education."
"No!" biglang sigaw niya na nagtanggal sa mga tutuli ko, "Hindi ako makakapayag na si Ashley ang papalit sa pwesto ng mama mo! Not in a million years."
Nabagabag akong sa narinig ko sa kanya, "Anong ibig mong sabihin Dad? Bakit nasali si Ashley sa usapan natin?"
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata, "Kanina sa meeting, nag usap na kaming mga board of directors at sinabi ko na ikaw ang susunod sa yapak ng Mama mo! Na balang araw, ikaw ang mag mamay ari ng hospital natin. Pero dahil nakarating sa parents ni Ashley ang tungkol sa pag ayaw mo sa Med Tech, napipisil na siya ang sasalo sa posisyon just in case na hindi ka matapos sa kursong ito."
"Dad paano 'yon mangyayari kung ikaw ang may-ari ng hospital? Ikaw at si Mom?"
Napa buntong hininga ng malalim si Dad at tila ay mayroon itong tinatago sa akin.
"May problema po ba Dad?"
"Basta anak, kailangan na ikaw ang magmana ng corporation natin. Ikaw ang susunod sa yapak ng mama mo at gagawin ko ang lahat para gabayan ka at wag bumagsak sa klase."
-----------------------------
-----------------------------
IVAN POV
Kakatapos ko lang mag shower at balak ko sanang magkape. Pero hindi muna ako lumalabas dahil may nag aaway sa labas, pamilyar ang boses ng babae. At kung tama ang hinala ko, isa siya sa mga students ko. Nakakahiya naman kung lalabas ako ng nag aaway pa sila.
Kailangan ko lang na pahupain ang sitwasyon tsaka ako mag papakita. Sa ngayon, natutuwa ako dahil nasa apartment na ako ni Romualdo na malapit sa school, bukod rito, madali ko na lang makukuha ang pakay ko sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas, humupa na ang awayan sa labas at naging tahimik.
Chance ko na ito para lumabas at mag timpla ng kape. Nag tungo ako sa kusina ng naka shorts lang at sando. May black coffee naman sa kusina, naupo ako sa stool at habang nagkakape ako, tamang check lang ng emails sa phone ko.
Nag bukas bigla ang isang pinto kaya napalingon ako. Nagulat ako ng makita ko si Mitch at nanlaki rin ang mga mata niya sa gulat.
"Sir Ivan? A-ano pong ginagawa niyo rito?" tanong niya.
I smiled at her, "Dito ako nangungupahan, puno na kasi ang ibang mga apartment pero mabuti na lamang at pinayagan ako ng Dad mong mag rent dito."
"Close po kayo ni Dad?" napakalas ang tanong niya.
Lumabas din bigla ang tatay niya sa kabilang kwarto, "Actually hindi kami magkakilala pero narinig ko kasi na professor siya sa school mo kaya pinayagan ko na siyang makitira rito. Sayang din kasi ang extra income natin anak."
Bakas pa rin ang gulat sa mukha ni Mitch at napa lunok na lang ako dahil iniiwasan kong tumingin sa kanyang maiksing skirt lalo na't nakabantay pa si Romualdo.
"Dad professor ko po siya."
"Really? That is so great! At least mas maganda dahil ma momonitor kita. And besides, pwede palang kahit hindi na ako madalas umuwi dito sa bahay kasi tiwala naman ako na mapapa buti ka sa professor mo."
"Aalis ka dad?"
"Oo sana, one month ako sa Bicol for our rescue program that is what I am telling you na magiging busy na ako this following days."
Kung sinu swerte nga naman, I can use that opportunity para paglaruan muna ang anak ni Romualdo habang wala siya. In that way, magiging doble ang pag hihiganti ko sa pag patay niya sa aking girlfriend after he failed with her kidney transplant at pinalabas na nasunog ang hospital para pagtakpan ang malaki niyang kasalanan.
"Don't worry Sir Romualdo, maaasahan mo naman ako sa ganyang bagay. At wag kang mag alala, sisiguraduhin ko na magiging pangalawa akong magulang kay Michelle."
"Siya nga pala Ivan, baka pwede tayong mag inom ngayon? Bukas kasi baka nasa biyahe na ako. Eh mahirap naman kung hindi tayo mag bo bonding kahit isang beses lang."
"Dad, ano bang sinasabi mo? Nakakahiya ka kay Prof! Parehas pa naman kayong may pasok bukas."
"No that is just okay for me, isa lang naman ang klase ko bukas Michelle. And besides, hindi naman ako basta basta nalalasing dahil malakas ang tolerance ko sa alak."
"Sige na anak, pumasok ka muna sa kwarto mo. Mag iinuman lang kaming dalawa ni Ivan, magpapa order na ang ako ng pagkain natin mamaya."
Mukhang tapos na nga ang alitan nilang dalawa kanina. Pumasok na si Michelle sa loob ng kwarto niya at sakto namang nag inuman kaming dalawa ni Romualdo sa labas ng balcony kung saan tanaw namin ang buong city sa labas.
"Pare pasensya ka na ha? Sure ako na narinig mo ang pag aaway naming dalawa ng anak ko kanina."
"Okay lang, nangyayari naman yan sa bawat pamilya."
"Simula ng mamatay ang mama ni Michelle niya, naging ganyan na ang ugali niya sa akin. Paano, gusto namin siyang maging isang doktora pag dating ng araw pero pinipilit niyang kuhain ang course na Education. Nag iisa namin siyang anak, kung hindi siya magiging isang doktora, walang mag mamana ng company namin."
At the back of my mind, naalala kong bigla na taliwas ang sinabi ni Michelle kanina when she introduced herself in my class. And I feel so bad for her, ginagawa niya ang bagay na labag sa kalooban niya. On this story, I am on her side.
"Ganun ba? Sobrang laki na siguro ng hospital ninyo kaya pinipilit mo siyang mag pursue ng ibang course."
"Pinag hirapan namin ng asawa ko na buuin ang hospital namin at hindi ako makakapayag na iba ang umangkin nito."