bc

BRIDE FOR CONTRACT

book_age16+
565
FOLLOW
2.0K
READ
mystery
city
like
intro-logo
Blurb

Nang malaman ni Bella na ipagkakasundo siyang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi niya kilala, sobra siyang nagalit at nilabas niya ang kanyang sama ng loob kay Karen, ang matalik niyang kaibigan na naging daan upang makilala niya si Xander, ang lalaking naka one night stand niya.

Pero paano kung nagbunga ang kanilang p********k ngayong si James pala na kapatid ni Xander ang dapat ay nakatakdang pakasalan ni Bella? Dahil sa buntis siya, nagpasya ang kanilang mga magulang na si Xander na lamang ang dapat niyang pakasalan.

Subalit hindi sila masaya sa isa't isa at madalas silang magtalo. Sapat ba ang pekeng marriage contract at ang kanilang baby upang mahalin nila ang isa't isa? Paano kung mahulog ang loob ni Bella kay James? Mapipigilan niya ba ang tukso?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Ano?" sigaw ko, halos matapon nga ang pagkain sa bunganga ko dahil sa pagkagulat ng marinig ko ang masamang balita galing sa aking mga magulang. Tumataas ang dugo ko dahil sa bilis ng mga pangyayari. Sino bang matutuwa sa pwersahang kasal? Talagang hindi nila pwedeng gawin sa akin ito, ayoko pa ngang mag-asawa! okay na ako sa pagiging single dahil masaya naman ako at wala akong dapat alalahanin kundi ang sarili ko. “Oo,” wika ng aking ama, “may napili na kaming lalaki para sa iyo,” dagdag niya at tinignan ko siya ng masama, marami akong gustong sabihin sa kanya pero may katiting na pasensya pa akong natitira. Matigas ang ulo ng mga magulang ko subalit kailangan kong ipakita na na mas matigas ang ulo ko sa kanila. "Paano niyo ineexpect na ikakasal ako sa hindi ko pa kilala, sa taong hindi ko pa nakikita. I am very sure na hindi ako magiging masaya sa kanya pero pareho po kayong walang paki?" Wala talaga silang pakialam kung matutuwa ba ako o hindi sa kasal o payag ako, ang inaalala lang nila ay ang kanilang pansariling interes. "Sigurado ako sayo na magiging magkasundo kayo ng mapapangasawa mo anak," nakangiting sabi ni mama. "Bata ka pa lang ay napagplanuhan na namin ito ng mama mo?" dagdag pa ng aking ama na wagas kung ngumiti. "Ikakasal ka na, sana nakahanda ka na!" Patuloy ang pagpapaalala ng tatay ko na mas ikinagalit ko. Kahit na gaano pa kagaling mambola ang aking mga magulang, hindi na nila ako kayang daanin sa kanilang mga mabulaklak na mga salita. Sa loob ko, paano kaya nila nasisikmurang gawin ito sa kanilang sariling anak? Masakit ang mga nangyayari ngunit hindi wala na akong magagawa pa, hindi ko sila kayang suwayin at hindi ko rin magawang makipagtalo sa kanila. Kadalasan ay ginagawa nila ang mga gusto nila para sa akin na para bang wala na akong freedom. Binigyan ko sila ng huling sulyap habang pinupunasan ko ang aking bibig. Maya maya, lumayas ako ng walang pasabi sa kanilang dalawa. Dinedma ko na ang mga sinasabi nila sa akin kapag talikod ko. Parang sirang radyo na paulit ulit sa kanilang pagtatalak. Pagpasok ko sa kwarto, inihagis ang mga unan sa aking kama sa dingding at binasag ang flower vase na nasa tabi ng mesa ko. Hindi ko pa rin magawang magalit sa mga magulang ko. Ang sabi ng ibang tao, masama ang magalit sa mga magulang. Habang naiisip ko na ako ay ikakasal sa isang lalaking hindi ko kilala ay parang kasuklam-suklam. Narinig ko ang katok sa pintuan ko at alam kong nanay ko iyon, baka akalain niya na kaya niya akong hikayatin na tanggapin ang masamang kapalaran ko. "Mom, please gusto ko po munang mapag isa," daing ko. Narinig ko naman ang mga yapak ng nanay ko na paalis kaya nakahinga ako ng maluwag. Sa kaligtnaan ng kalungkutan ko, nakatanggap ako ng messege sa cousin kong si Karen. Isang walwalerang babae na bukod tanging nakikinig sa akin kapag may problema ako. Hindi ko namalayan na napangiti ako habang binabasa ang mensahe niya. Tinatanong ako ng gaga kung kumusta raw ba ako kaya tinawagan ko na lang siya. "Oh anong problema mo sis?" bungad na tanong niya. “Nababaliw na ako, wala akong ideya sa nangyayari. Parang wala akong control sa buhay ko at ngayon lang sinabi sa akin ng parents ko na malapit na ang kasal ko. Sobrang galit na nararamdaman ko sa puso ko!" "Hoy! Alam ko naman ang nararamdaman mo ngayon at siguro ay magtatampo rin ako kapag ako ang nasa sitwasyon mo." "I have no idea what to do, I have a wedding coming up soon at hindi ko pa siya nakikilala!" Sigaw ko habang nagsasalita at naramdaman ko agad na tinanggal ng best friend ko ang phone sa tenga niya gaya ng ginagawa niya sa tuwing sinisigawan siya. "Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang sasabihin," sa wakas ay nagsalita siya pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, "ngunit dapat kong sabihin ito, komplikado talaga ang sitwasyon." Dagdag niya sabay tawa ng malakas. Medyo may sira talaga ang ulo nitong pinsan ko but I admit na ito ang gusto ko sa kanya- kalog at totoong tao kahit na malakas siyang mang-asar. "May suggestion ako, alam mo kung paano makaalis sa sitwasyong mong yan!" excited niyang sabi. "Anong mga mungkahi ang mayroon ka and make sure na hindi yan papalpak, ha!" "Gusto mo bang pumunta tayong dalawa sa club? Trust me you'll feel better. Matuto ka namang mag walwal at umimon habang iginigiling ang katawan mo. Malay mo mayroong lalaking makapansin sayo, deal o no deal?" "Okay," mabilis na sagot ko. Ibinaba ko na ang tawag at naghanda para sa walwalan todo max namin ng tropa ko, napagpasyahan kong magsusuot ako ng revealing clothes na literal na kita ang kaluluwa ko para makaakit naman ako ng lalaki. Sleeveless shirt at maikling shorts lang sapat na para sa walwal ko! Nakarating na ako sa club at nagkita kaming dalawa ulit ni Karen. "Hoy Bella, mukha ka nang p****k, I am so proud of you!" pang aasar niya sa akin. Naupo ako sa tabi niya habang nag-order ako ng sarili kong shot sa waiter na binigay kaagad ang drinks ko. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, Karen. Hanggang ngayon, di ko lubos maisip na ikakasal ako sa lalaking wala akong ka ide ideya!" "You know what? Wag na natin pag-usapan, nandito tayong dalawa para mag release ng stress." May punto naman ang sinabi sa akin ni Karen. Kahit ngayong gabi lang, gusto kong iwaksi ang isipan ko sa mga negatibong nangyayari sa aking buhay ngayon. Dahil madalang akong uminom, ilang shot lang ng alak ay nahihilo na ako. Tumugtog ang sayaw at naenganyong pumunta si Karen sa dance floor. Sadyang nakakatuwa lamang siyang pagmasdan habang sumasayaw. "Samahan mo ako, sayang naman yang maiksi mong short kung wala kang balak na sumayaw sa tugtog." Dahil sa tugtog at ngiti ng pinsan ko, naenganyo na rin akong sumayaw kasama niya. Tanging disko light lang ang nagsisilbing ilaw namin sa loob at naisip ko na walang masama kung magtotodo ako sa pagsasayaw. "Ang galing mo talagang sumayaw." Narinig kong sabi ng isang hindi pamilyar na boses sa likod ko, ang kanyang hiningang amoy ng beer.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook