bc

DESPERATELY INLOVE WITH DJ

book_age18+
60
FOLLOW
1K
READ
mystery
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Aira, who was born in generation X has a hatred towards millennials because, for her, they are disobedient and disrespectful, unlike the generation prior to them. One night, she had a caller who hides his name under the alias of Mr. Stranger and he wants to date her to prove that millennials are the opposite of what she always says on the radio. Their childish squabble accidentally trends on social media and they become a phenomenal loveteam.

Aira was forced by Larry, her boss, to date him even though it was against her will as investments keep on coming into their business. While Mr. Stranger was serious about loving her. However, due to Mr. Stranger's childish behavior, Aira decided to break up with him. Because of this, he became addicted to alcohol, cigarettes, and gambling. When Aira heard about this news, she confronted him but failed to stop him and realize she already love him. Then, obsessed fans meddle with their quarrel and they would do everything to help them fix their relationship.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Ipinatawag ni Chief Execute Officer Larry Dela Cuesta ang kanyang apat na natitirang mga DJs sa maliit na conference room na nagsisilbi rin niyang office upang ibalita ang malungkot na kahihinatnan ng kanilang network. Unti unti na kasing nawawala ang kanilang mga tagapakinig na kung kanilang tawagin ay "Allstar listeners." Nakaupo ang apat na mga DJs na sila DJ Bell, DJ Aira, Midnight DJ at si DJ Lagim. Lahat sila ay nakasuot ng kanilang uniform at ramdam nila ang kalungkutan sa tinig ng kanilang Boss na sobrang malumanay. "Ok mga minamahal kong mga DJs, alam ko na mahirap itong tanggapin pero mayroon tayong malaking hamon sa ating kumpanya," tumayo si Larry mula sa kanyang kinauupuan at naglakad papaikot sa mga DJs na seryosong nakikinig, "marami sa ating mga investors ang nag pull out nang kanilang pera at kung magpapatuloy ito, mapipilitan tayo na isara ang ting istasyon! Malaki ang naging impact ng internet sa ating negosyo. Ayaw na ng mga millennials ang makinig sa atin kaya't siguro mas ninais na nilang lumipat sa ibang istasyo-" Pinutol ni DJ Bell ang pagsasalita ng kanyang boss, "mawalang galang na po sa inyo, sir! Kung ang gusto niyo pong sabihin na napaglilipasan na tayo ng panahon," tumingin si Bell kay DJ Aira, "eh hindi naman po siguro! Kailangan lang natin ng mga mas bagong programa na tatangkilikin ng mga tao or I should say mga millennials!" "Saglit lang bell, sinasabi mo ba na matanda na ako?" Pabirong sabi ni DJ Aira, "kung makatingin ka kasi sa akin, wagas eh!" dagdag pa niya. "Hindi naman ho! Si sir Larry nga po hindi umangal sa sinabi ko!" Nakangising sabi ni DJ Bell. "So going back," pagpapatuloy ni Larry, "I am still hoping for a miracle to happen. After all, we all know that God exists. This problem gives me so much headache so if may mga suggestions kayo, this is the right moment to speak your mind!" Umupo si Larry sa kanyang upuan at ipinatong ang kanyang mukha sa kanang braso dahil sa kanyang stress. "Yes sir, as a Millennial myself, alam ko po na marami na sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling sa social media. So we need to create our own contents na pwede natin mai-share sa kanila para mas lumawak ang ating mga audience. In that way, maaari po nating makuha ang loob nila!" Nakangiting sabi ni Bell. "Can you specify kung ano ba ang mga gusto mong mangyari DJ Bell?" Tanong ni Larry. "Yes sir, hindi naman po sa mahilig akong manood ng live stream nang mga kalaban natin, pero sila po kasi ay nagsisimula nang gumawa ng mga contents online to stay relevant. Alam niyo na, nakikisabay po sa uso. Ganyan lang po ang solusyon sa ating probelema!" "Nako, medyo magastos ang gagawin natin. We have a very low budget kaya hindi ko masisigurado na magkakaroon tayo kaagad ng mga equipments para mangyari yan! Wala na akong maipapasahod sa inyo pag nagkataon!" Dismayadong sabi ni Larry. "Hindi naman po natin kailangang gumastos ng malaking halaga sir, kasi libre lang naman po gumawa ng account sa social media!" Saad ni DJ Bell. Nagsalita naman kaagad si Midnight DJ at sumang-ayon siya sa sinabi ni DJ Bell, "I agree, as far as I know libre lang naman po gumawa ng account. Kaya lang, kailangan po natin bumili ng mga camera or kahit nga cellphone pwede na po gamitin!" Naupo si Larry at ipinagpatuloy ang pagsasalita, "Okay, as long as bibigyan ninyo ako ng specific na plano kung paano natin lalong mas mapapaganda ang mga programs ninyo, wala akong magiging problema!" "Simple lang sir, kahit kami na po ang bahalang gumawa ng ating official page. Simpleng live stream lang po at syempre, puro about millennials po ang gagawin nating mga topics at magpapatugtog tayo ng mga kantang napapanahon!" "I beg to disagree," pagtutol ni DJ Aira. Nagtinginan silang lahat kay DJ Aira dahil sa gulat. "I know na masakit kung paano tayo nalugmok sa ganitong sitwasyon. I have been in this company for almost two decades at masasabi ko na para ko na itong pangalawang tahanan. Hindi ba kayo nanghihinayang na palitan natin ang konsepto ng ating mga programa? Babalik rin ang mga listeners natin, tiwala lang!" "Ramdam ko po ang lungkot mo, DJ Aira, para ka na po naming nanay dito sa istasyon. Pero nauumay na po kasi ang mga tao sa programa natin. Kagaya nga po nang sinasabi ni Sir Larry, wala na tayo halos mga investors! Hindi naman siguro masama kung susubukan nating ibangon ang kumpanya, tutal ito naman po ang bumubuhay sa atin!" "That is a brilliant idea coming from you Bell, pero I need to find a way kung paano tayo magkakaroon ng budget for that! We can implement the changes sa next week!" Hindi na napigil ni Aira ang kanyang sarili at nagsalita na ito upang tutulan ang plano nilang gawing moderno ang istilo ng pagbibigay saya sa kanilang listeners. "Basta, I will not change the concept of my program at papanindigan ko yun!" Sabi ni DJ Aira sabay walk out sa kanilang meeting. Pag-alis ni DJ Aira ay siya naman ang naging topic ng kanilang meeting. "Grabe naman si DJ Aira, matanda na pero parang napaka immature pa rin," sabi ni DJ Lagim. "Hayaan mo na, kaligayahan niya kasi ang pagiging isang DJ. Lumang istilo ang gusto niya eh!" Wika ni Midnight DJ. "Basta ako, sinabi ko lang ang totoo. Hindi ko naman alam na mao-offend siya sa topic natin eh!" Pagtatanggol ni DJ Bell sa sarili niya. "Pagpasenyahan niya na, baka kasi meron siya ngayon!" Pagbibiro ni DJ Lagim. "Sige, malaki ang respeto ko kay DJ Aira bilang mas matanda naman siya sa akin at matagal na siyang nagseserbisyo sa ating istasyon. Lahat ng inyong mga programa ay babaguhin natin maliban sa kanya! So may mga complains pa ba?" Wala nang umangal pa sa sinabi ng kanilang boss kaya't tinapos na nito ang kanilang meeting, "Okay so kung wala na kayong concern, this meeting is adjourn!" Sabi ni Larry. Nagsialisan na ang mga DJs sa loob ng conference room. Samantalang nakarating na sa bahay niya si DJ Aira dahil walking distance lamang ito nito mula sa office. Pag upo niya sa kanyang sofa, nag ring ang kanyang cellphone at nang tingnan niya ito, si Larry pala ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot. "Hello sir Larry, tapos na po ba ang meeting ninyo ng mga millenial lovers?" bungad na tanong ni DJ Aira. "Grabe ka naman, DJ Aira. Tumawag ako para magpakumbaba at humingi ng sorry sa nangyari kanina. Alam ko naman na number 1 hater ka ng mga millennials!" Seryosong sabi ni Jude. "Correction sir, hater ako dahil sa attitude ng mga millennials! Pero sorry din kung nag walk out ako. I know na it's very unprofessional for me para gawin 'yun lalo na't nasa loob pa kayo!" Pagpapaumanhin ni DJ Aira. "Yes, pero gusto ko rin sabihin na hindi namin gagalawin ang programa mo. You can still retain your program's concept para naman hindi ka na malungkot pa d'yan!" Masaya si DJ Aira sa sinabi ng kanyang boss, "talaga sir? Sabi ko na nga ba at hindi mo ako kayang tiisin. Oh siya, papasok ako mamaya sa duty ko!" "Kita mo na, pasalamat ka at malakas ka sa akin. Kung ibang tao ka, may kinalagyan ka na!" Pananakot ni Larry kay Aira. "Ikaw naman sir, hindi ka na mabiro diyan! Mayaman ka na naman, hindi mo na nga kailangang magtrabaho kung tutuusin eh!" "Ganun ka rin naman, ikaw nga diyan wala ka paring asawa hanggang ngayon! Mauunahan ka pa yata ng apo ko mag-asawa eh!" Pabirong sabi ni Larry. "Sige na po sir Larrt, papasok na po ako ulit!" Sabi ni DJ Aira sabay patay sa kanyang telepono. Pumasok na ulit si DJ Aira at biniro na naman nito ang kanyang mga tagapakinig. "Magandang araw sa inyong lahat mga star listeners, kamusta naman kayo? I hope that you are okay. Hep hep, wag kang lilipat ng istasyon, sige ka baka pagsisihan mo. Be loyal guys! By the way, let us start our program at kagaya ng ating palaging nakagawian, magbabasa tayo ng kwento ng ating sender at syempre pagkatapos ay magbibigay tayo ng payo na makakatulong sa kanila. Pero bago ang lahat, gusto kong pasalamatan si Sir Larrye sa pagpili ng ating storya para sa gabing ito!" Tumunog na ang mala-mmk na background music at sinimulan na ni DJ Aira ang pagsasalaysay ng kwento. "Okay, mga masusugit kong mga tagasubaybay, alam ko na sobra kayong nae-excite sa ating programang, 'i-kwento mo sa pagong.' ang kwento natin ay ipinadala ni Maria Leonora Teresa!" "Dear DJ Aira, please huwag niyo pong banggitin ang buong pangalan ko. I am 16 years old at mayroon po akong nakilalang lalaki sa app na, Twit-twit. Ang pangalan niya po ay Patrick, pero hindi niya kaibigan si Spongebob. Isa po siyang playboy pero hindi siya mahilig mag-laro ng games dahil puso ng babae ang kanyang pinaglalaruan. After two days ng pagcha-chat namin, we decided to meet up, at nagulat ako kasi ang pogi-pogi niya sa profile picture niya and I was disappointed nung makita ko kasi mas marami pa ang pimples niya kaysa sa ngipin! But in spite of his imperfection, I fell in love with him." Huminga ng malalim si DJ Aira at ipinagpatuloy ang pagkukwento...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook