"One night, inaya niya ako na makipag-inuman kasama ang mga tropa niya sa birthday ng isa nilang friend, eh kapag po may birthday at handaan kahit saan pang lugar 'yan ay pupuntahan ko talaga! So ayun, nag-punta ako, tapos nung sobra na siyang nalasing, inaya ko siyang umuwi pero ayaw talaga niya and we slept doon mismo sa bakanteng kwarto sa bahay ng tropa niya. In short, ginawa namin ang hindi tama and I am now two weeks pregnant.
Napag alaman ko rin po na hindi lamang po ako ang girlfriend niya kasi nakita ko po na may kalandian pa siyang ibang mga babae sa chat. Sabi niya nagbreak na po sila nang kanyang ibang mga girlfriends. What should I do po, DJ Aira? Please help me naman, godbless! By the way, I am an avid listener po ng inyong programa at ako na lang po yata ang nag-iisang Millennial na nagtatyagang makinig sa inyong programa, share ko lang nakakaproud po kasi."
Pinatugtog ni DJ Aira ang kanta ni Freddie Aguilar na "anak" nang matapos ang istorya dahil halos kumulo ang dugo niya umpisa pa lang ng kwento.
Matapos ng kanta ay nakatikim ang sender ng maaanghang na sermon mula kay DJ Aira, "Okay first of all, sa susunod gumamit ka nang fake account kapag magse-send ka ng letter para hindi ko mababanggit ang pangalan mong pang horror story! Haist, napapabuntonghininga talaga ako sa mga ganitong story na nagiging normal na lang. At uulitin ng Lola ninyo na noong araw na wala pa yang lintik na social media ay hindi pa talamak ang mga ganitong landi now, iyak later buntis after!
Hays, iha, masakit ka sa bangs, nag-init ang dugo ko sa kwento mo at kung magiging nanay mo ako, nako! Hahampasin kita ng batuta na ginagamit ng mga pulis pero nandito na ito, at ang lesson mo ay ang panindigan ang bunga ng iyong mapusok na desisyon, ay hindi yun desisyon, dahil isa itong bugso ng iyong damdamin, baka talagang mahilig ka sa bungal!
Kidding aside, but hindi mo ito maitatago ng panghabang buhay kaya hanggat maaga ay sabihin mo na sa kanila, kasi ang worry ko diyan iha, paano kung hindi mo sinabi sa parents mo tapos pinagbuhat ka ng papa mo ng timba na puno ng tubig pampaligo niya or hindi kaya, utusan ka ng nanay mo na umakyat sa puno ng mangga para mamitas!
Ano ang ipapaliwanag mo? Wala pa akong nakitang magulang na natuwa noong malaman nila na buntis ang anak nila! Maniwala ka sakin iha, sa umpisa lang ang galit ng mga yan, pasasaan pa't matatanggap din nila yang anak mo kapag nakita na nila eventually, I swear.
Ewan ko lang sa asawa mong si Ngalbu, at tsaka next time na titingin ka ng profile, ang tip ko sayo, ang tingnan mong pictures niya ay yung mga friends niya na naka-tag siya dahil yung ang true face na walang halong chemicals, filters, at walang katapusang edit na halos mabura na ang mukha mo kuminis lang at mawala ang mga tigidig! Salamat sa iyo, Maria Leonora Teresa.
At para naman sa aking mga loyal listeners, maraming salamat sa walang sawang pagtutok sa aking programa! Iba na talaga ang mga millennials nowadays, bibihira ka nalang makakita ng matitino. Mabuti na lamang at nag-iisang Millenial na lang si Leonora na nakikinig sa akin.
Kasi naman marami na ang mga iresponsableng mga kabataan ngayon, gusto nila na sila ang nasusunod sa kanilang mga buhay. Matanda na raw sila at yakang yaka na nila kahit wala ang kanilang mga magulang na nagpalamon sa kanila, nagdiaper, nagpaligo at nagpaaral sa kanila. Nakakabwisit talaga!"
Matapos ang programa ni DJ Aira ay uminom kaagad ito ng kape dahil sa highblood niya. Inilalabas niya ang kanyang pagkadismaya sa mga kabataan kay Larry. Para na silang magkapatid at kilala nila ang ugali ng bawat isa.
"Grabe ang mga kabataan ngayon ano? Mabuti na lang talaga at iba ang henerasyon natin," malungkot na sabi ni DJ Aira sabay higop sa kanyang mainit na kape.
"Oo nga eh! Well, ganun talaga! Wala naman tayong magagawa kasi hindi natin mapipigilan ang orasan sa pag galaw!"
"Meron kaya! Tanggalan mo lang ng battery, sir Jude!" Pagbibiro ni DJ Aira.
"Hahahaha, ikaw talaga! We need to embrace the situation, wala naman kasi tayong time machine para ibalik ang kahapon. Kaylangan natin tanggapin na Millennials na ang bida ngayon!" Saad ni Larry.
"Pero maiba po tayo ng usapain sir Larry, kamusta naman po ang meeting niyo after kong mag walk out? Baka naman ako na ang naging topic niyo?" Tanong ni Aira.
Todo deny naman si Larry dahil alam niya na magagalit si Aira kapag nalaman nito na siya nga ang pinagusapan nila, "hindi no! tungkol lang sa mga new concepts ng mga programa ng ibang mga DJ ang pinag usapan namin!"
"Gaya po ng alin?"
"A-ah, gaya ng pagkakaroon ng live stream. Gagawa sila ng account sa social media platfrom para hindi na lang sila mapakinggan ng mga listeners, pwede na rin silang manood ng live! At tsaka ang itatampok na nilang mga stories ay puro na sa mga Millennials para mas marami ang kabataang maka relate and higit sa lahat, mas magpapatugtog sila ng mga bagong kanta para hindi maumay ang mga millennials!"
"Bongga! Pero hindi ako papayag na mag live stream ako Sir Larry ha! Alam mo naman ako, mahiyain simula bata pa lang at lalong hindi ko ipagpapalit ang mga kanta noong araw kasi hindi hamak na mas may kabuluhan ang mga kanta noong araw kaysa ngayon!"
"Pramis, hindi kasama ang programa mo sa mga pagbabago. I will just let you know kapag may mga binago para lang hindi ka maging left out," wika ni Larry.
"Siya nga pala, since sunday naman po bukas, baka pwede naman po tayong gumala dalawa sir? Pampatanggal stress na rin po!" pag-aaya ni Aira.
"At saan naman tayo pupunta, Aira?"
"Sa langit, aakyat tayo gamit ang hagdan tapos magpapa-picture tayo kay San Pedro at magpapalagay tayo ng pakpak!" Pilosopong sabi ni Aira.
"Saan nga, Aira?" Paguulit ni Larry sa kanyang tanong.
"Saan pa eh di sa mall! Bili lang tayo ng maraming damit, sira!"
"Palibhasa kasi single ka kaya nabibili mo ang gusto mo! Pero sige, i-push natin yan! Gusto mo ba na isama natin ang ibang mga DJ?"
"Okay lang naman sa akin, basta walang magpapalibre!" Pabirong sagot ni DJ Aira.
"Noted!"
Kinabukasan, nagpunta sa mall sila Larry kasama ang kanyang apat na natitirang mga DJs na sila Bell, Aira, Midnight DJ at si DJ Lagim. Kumain sila sa "Masayang Bubuyog" para bida ang saya. Halos puro sila asaran at kulitan habang nilalasap ang pritong manok na mayroong matamis na gravy.
"Grabe, mabuti pa si Masayang bubuyog hindi tumatanda. Parang si DJ Aira lang!" Pagbibiro ni DJ Lagim na nagbabaka sakaling malibre ni DJ Aira.
"Kahit sabihin mo pa yan sa akin DJ Lagim hindi pa rin kita ililibre mamaya!" Seryosong sabi ni Aira.
"Wag ka, 42 na yan pero mukhang 15 years old lang pwedeng pwede gamiting asset ng sindikato!" Banat ni DJ Lagim.
"Hoy, hindi maganda yang biro mo DJ Lagim! Mamaya may makarinig sayo at tapos kidnapin ako!" Takot na sabi ni DJ Aira.
"Naniwala ka naman kaagad! Makapal lang yang make mo Aira kaya ka nasabihang bata!" Seryosong sabi ni Larry.
"Yung 20 years kasi niya sa istasyon natin, walang stress kaya mukhang bata pa rin ang hitsura hehehe!" Saad ni Midnight DJ.
"Grabe naman, life begins at 40 kaya! Alam naman ninyo na wala akong asawa kaya less stress! Kaya marami akong time para sa sarili ko at bukod dun, pwede akong gumala kahit saan na walang asungot!" Pagmamalaki ni DJ Aira.
"Pero ito payong kapatid lamang, tutal eh matagal na rin naman tayon magkakilala Aira, paano kapag tumanda ka na at mahina? Sino ang magpapalit ng diaper mo? Hindi naman pwede na ako o kahit na sino sa amin!" Prangkang sabi ni Larry.
"Problemahin na lang natin yan kapag nangyari na! Eh bakit hindi natin tanungin ang mga may asawa diyan kung para sa kanila talaga manggaling kung masaya ba talaga ang buhay may asawa!"
"Oo naman masaya naman ako sa misis ko! Ako ang bahala sa umaga at siya ang bahala sa gabi," sagot ni DJ Lagim. "Ang sarap talaga ng may asawa!" dagdag pa niya na parang nagpaparinig kay DJ Aira.