CHAPTER 1
Nagrerenta si Rose sa isang lumang bahay ng kanyang tiyahin na si Minda na mayroong bar sa Pasay. Hindi tapos ng elementary si Rose at tanging ang pagkain lang na nanggagaling sa manliligaw niyang si Erik na construction worker ang dahilan upang maitawid niya ang kanyang araw araw na pagkain.
Dahil sa kapos sa pera si Rose, sinubukan niyang mag apply subalit sa baba ng pinag aralan niya, sumasideline na lamang siya pagiging labandera. Pag uwi niya galing sa paglalaba, nadatnan niya si Erik na pinapakain ang kanyang nanay na nakaupo sa tabi ng kanyang sala.
Halatang kagagaling lamang nito sa trabaho dahil hindi pa ito nagpapalit ng tshirt at nakalagay pa ang bag niya sa kanyang likuran.
"Erik, nakakahiya naman. Masyado ko nang inaabuso ang kabaitan mo!" sabi ni Rose na na kaagad lumapit kay Erik.
Tumingin si Erik kay Rose at inilapag ang pagkain sa lamesa para magpaliwanag. "Nandiyan ka na pala Rose, bukas kasi ang pinto ng bahay ninyo kaya pumasok ako kaagad. Nakita ko kasi ang nanay mo at tumingin siya sa pagkaing dala ko kaya alam kong nagugutom na siya!"
Kinuha ni Rose ang upang sa ilalim ng lamesa at naupo sa tabi ni Erik. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot dahil sa ilang rejections na kanyang natanggap.
Kinuha ulit ni Erik ang pagkain at sinubuang muli ang nanay ni Rose. "Kumusta nga pala ang paglalaba mo?"
"Ayun, sobrang pagod, grabe ang dudumi ng panty nung nilabhan ko, talagang mag regla pa! Tapos 300 lang ang binigay sa akin ng kuripot kong amo!"
Nagpatuloy lang si Erik sa pagpapakain sa nanay ni Rose habang sila ay nag uusap.
"Marami pa naman jan na ibang mga trabaho na mas mataas ang sahod kaysa jan."
"Pass ako jan, alam mo naman na hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral diba? Sabi nga sa akin ni tita, hanggang sa mamatay ako, mananatili akong labandera."
"Wag kang makikinig sa sinasabi niya. Paano na lang ang nanay mo na umaasa sayo?"
"Alam ko naman ang tungkol sa bagay na yan. Maayos naman ang hitsura ko eh, sana kahit sa ganda na lang bumase ang fast food chain na inapplyan ko. Saan kaya ako pwedeng mag apply na ganda lang at walang keme?"
"Nako wag ganun, sana ay magkaroon ka ng confidence sa sarili mo. At tsaka kahit mahirap na ang buhay ngayon, wag mong hayaan na sa prostitution ka lang bumagsak."
Napahinto si Rose sa kanyang pagsasalamin dahil sa ideyang ibinigay sa kanya ni Erik. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakitang 5 pm na nang hapon kaya alanganin kung pupunta pa siya ng bar ng kanyang tita. Lumingon siyang muli kay Erik.
"Sabagay tama ka nga, dapat hindi na ako maging pihikan sa lahat ng mga trabahong papasukan ko. Hoping pa rin ako na mamatay ng may narating sa buhay. Anyway, maraming salamat sayo Erik, masyado nang malaki ang utang na loob ko sayo at kahit isangla ko pa yata ang mga panty at bra ko, hindi pa rin sapat para mabayaran ka."
Nang matapos si Erik sa pagpapakain niya sa tatay ni Rose, lumingon siya sa dalaga. "Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo, Rose. Matamis na oo lang naman ang hinihintay kong bigkasin ng mapupulang labi mo eh!" kinuha niya ang kanyang bag sa kanyang likuran at kinuha niya ang box of chocolate sa loob nito at ibinigay kay Rose.
"Tobleron? Hindi ba't mahal ito?" tanong ni Rose na tinitingnan ang chocolate.
"Yes, actually nanghiram lang ako ng pera sa kasamahan ko at maswerte naman ako na binigyan niya ako. Pasensya na, bawal kasi ako pumitas ng roses sa daan kanina kaya tsokolate lang ang pwede kong maibigay sayo."
"Salamat Erik, pero sana ay wag ka nang mangungutang sa susunod, nakaka konsensya kasi at nakakahiya na talaga sayo," sabi ni Rose na napayuko.
"Oh bakit naman? Manliligaw mo ako hindi ba? Normal lang naman sa isang manliligaw na mag invest para sa taong mahal niya?"
Tumayo si Rose at tinulungan niya ang kanyang nanay na pumasok sa kwarto nito, nakita ni Erik na nahihirapan siya kaya tinulungan niya ito sa pagbubuhat. Inihiga nila si Alberta sa kanyang kama at tsaka hinila ni Rose si Erik sa sala upang makipagusap ng masinsinan.
"Makinig ka ng mabuti sa akin Erik. Gwapo ka, maganda ang katawan mo, mabait, matalino at higit sa lahat ay mayroon kang natapos. Sayang naman kung isang labanderang babaeng kagaya ko lang ang makakatuluyan mo!" malungkot na sabi ni Rose.
Kumunot naman ang noo ni Erik sa sinabi niya. "Of course not, bakit ba masyado mong dinodown ang sarili mo? Porket ba labandera ka lang ay turn off na ako? Hindi naman kita dinodown ha? Please, ang kagandahang asal na mayroon ka ang dahilan kung bakit nahulog ang puso ko sayo. Trust me, ang halaga ng tao ay dipende sa kung paano niya pinapahalagahan ang kanyang sarili. Isa kang responsableng babae at hindi kagaya ng mga nasa kalye na umaasa na lang na magkakaroon ng himala ang kanilang buhay!"
Humingi naman kaagad ng paumanhin si Rose sa kanyang narinig. "Patawad Erik, hindi lang talaga maganda ang araw ko ngayon. I mean, normal lang siguro ang ganitong pakiramdam diba?"
"Tandaan mo, kahit ano pa man ang hanapbuhay mo, isa pa rin itong marangal na trabaho!"
Napangiti naman si Rose sa advise sa kanya ni Erik.
"Ayaw naman kitang madaliin, Rose. Handa naman akong maghintay para sa matamis mong oo. Sige mauna na ako sa bahay, nilagay ko sa ref ang ulam na nabili ko para sa inyo ng mama mo."
Hinalikan ni Erik ang noo ni Rose bago ito umalis. Nilagay ni Rose ang chocolate sa loob ng kanyang ref at nagmuni muni sa sinabi ni Erik.
Sa isip ni Rose, wala siyang ibang choice kung hindi ang kumapit sa patalim dahil wala siyang makuhang disenteng trabaho. Gamit ang cellphone ay kinontak niya ang kanyang tita Minda upang makapasok sa restobar nito. Noon kasi ay hindi talaga plano ni Rose na magtrabaho sa kanyang tita dahil madalas siyang pinapahiya nito.
Subalit ngayon, sawa na siya sa paglalaba, wala siyang ibang choice kung di ang instant money job.
"Tita, punta po ako sa bar ninyo."
"Sige, mukhang ready ka na talagang maging pokpok. Sakto at kailangan ko ng virgin!"
Kinabukasan, maaga niyang ipinaprint ang kanyang resume. Todo todo ang kanyang pagmemake up at pulang pula ang kanyang labi sa kanyang mumuharing red lipstick. Halos paliguan niya ang kanyang sarili ng pabango at isinuot ang kanyang maiksing short na kita ang kanyang legs.
Sinuot din niya ang sleevless blouse para kita ang kanyang mga braso, at ang kanyang pink na bag na naglalaman ng kanyang wallet, make up, cellphone, at makeup. Binitbit naman niya ang kanyang brown envelop na naglalaman ng kanyang bio data. Bago umalis ay pinakain muna niya ang kanyang ina na may sakit.