CHAPTER 2

1027 Words
Paglabas ni Rose, pinagtinginan kaagad siya ng mga kalalakihan. May mga sumisipol pa nga sa kanya at talagang binabastos siya. "Seksi pa isa naman!" "Magkano ba ang isang gabi!" "Wala si misis sa bahay, pwede tayong magdamag!" Hindi na lamang pinansin ni Rose ang mga pambabastos sa kanya ng mga kalalakihan, bagkus ay nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. May ilan pa nga siyang nakitang kinukuhaan siya ng litrato pero dahil sa iniisip niya na mababa ang kanyang dangal, dedma na lamang siya. Nang makarating siya sa Pasay city, nakita niya na marami ang mga restobar at sa pinaka dulo, naghihintay si Minda na nakasuot ng pekpek short at pulang pula ang labi nito. "Ano Rose? Mukhang nilunok mo na ang pride mo at pumayag ka nang maging parausan!" taas kilay na sabi ni Minda. Pumasok naman si Rose at napatingin sa paligid, medyo madilim pero kita niya ang mga bilog na mga lamesa na napapalibutan ng mga silya. Mayroon ding disco ball sa gitna at maraming alak sa harapan. Nagtungo sila sa isang sulok na mesa na malapit sa bintana. "Halika dito, maupo ka!" Hinila ni Rose ang upuan at naupo isa sa tapat ng ng kanyang matandang tiyahin. "Didiretsuhin na kita Rose, matagal na kitang kinukumbinsi maging GRO pero bakit ngayon mo lang naisipan na bumigay? Dahil ba hindi ka na mapalamon ng pride mo o nang manliligaw mong contruction worker na panay ang utang sa mga katrabaho?" "Tita naman, maghunos dili naman po kayo sa mga sinasabi ninyo. Mabait na lalaki po si Erik pero sadyang nakakapagod lang talagang maging labandera." "Oo, tama ka jan. Isang tanong isang sagot, virgin ka pa di ba?" Sa sobrang lakas ni Minda, napatingin ang dalawa niyang waiter sa table nila. "Tita naman, virgin pa po ako!" Labis namang natuwa si Minda sa narinig niya mula kay Rose. "Mabuti naman kung ganun! Kasi kung ako ang tatanungin mo, katawan mo lang ang pwede mong pagkakitaan. Tapos palamunin mo pa rin yung nanay mong nabaliw simula ng nawala ang inutil mong ama!" Napalunok na lamang si Rose sa kanyang mga naririnig. "Siya nga pala, sinagot mo na ba yung construction worker na yun?" "Hindi ko po siya gusto pero ayaw ko siyang saktan." "That is good, malaki laki ang kikitain natin sayo," iniabot ni Minda ang kanyang kamay kay Rose. "Congratulations, tanggap ka na at puwede ka nang magsimula mamayang gabi!" Labis ang pagkatuwa ni Rose sa sinabi ng kanyang tita. Nakipag handshake siya dito habang siya ay nakangiti. "Maraming salamat po sa inyo tita Minda, so paano po ba ang gagawin ko dito?" "Very basic lang naman ang gagawin mo dito sa aking restobar, bibigyan mo lang ng alak ang mga customers at kailangan ganyang ganyan din ang makeup mo para bigyan ka nila ng tip na ibibigay mo din sa akin. Kapag 12 midnight, kailangan humanap ka ng mga customers na puwede mong landiin. Pero sa case mo, customers ang lalapit sayo. Sakto dahil mayroon akong customer na naghahanap ng babaeng kagaya mo, 20k ang offer niya. Siyempre 70 percent ang sa akin at sayo na ang matitira, okay lang ba sayo 'yun? Ayaw ko kasi na magrereklamo ka sa bandang huli!" Nasilaw si Rose sa perang inialok ng tita niya sa kanya. "That is a great deal po, sa katunayan hindi pa ako nakakahawak ng ganyang kalaking pera sa buong buhay ko. Anong oras po pala ang oras ng duty ko at ano ang susuotin ko?" "Simple lang naman, 6:00 pm kailangan na nandito ka na sa bar kasi 8:pm ang bukas natin. Marami tayong mga kakumpitensyang mga restobar sa paligid kaya lahat ng mga babaeng alaga ko ay pinapatambay ko sa labas para mang akit ng mga customers." Dinuro ni Minda si Rose at naging seryoso ulit ang mukha nito. "Wag na wag kang malelate kasi ayaw ko ng ganoon, ayaw ko rin na binabastos mo ang customers mo at hayaan mo lang sila na gawin ang gusto nila sayo. Lalo na kapag nalasing sila, mas lalo silang nagiging bastos at gumagapang ang mga kamay nila. Puwedeng puwede mo silang huthutan pero kapag nakahalata sila sayo at nagsumbong sila sa akin, mayroon ka talagang kalalagyan!" "Wag po kayong mag alala, mag iingat po ako. Maraming salamat po ulit sa pagtanggap ninyo sa akin tita Minda. Pangako ko sa inyo na pag iigihan ko ang trabaho ko." "Walang anuman iha, basta galingan mo ang performance mo dahil kapag natuwa ako, bibigyan kita ng malaking bonus." Lumapit si Minda kay Rose at hininaan nito ang kanyang boses. "Bilyonaryo ang iyong magiging first customer, kaya galingan mo kaagad. Manood ka ng mga p*rn para kapag may nangyari na sa inyo, alam mo na kung paano mo siya paliligayahin!" Sinamantala ni Rose ang pagkakataong ito upang makahingi ng kaunting pagkain sa kanyang tita. "Ah, puwede po ba akong makahingi ng kaunting pagkain? Wala na po kasing kakainin ang nanay ko sa bahay eh. Nahihiya na po kasi akong humingi ng tulong sa ibang tao, pasensya na po. Kahit ibawas niyo na lang po sa sweldo ko!" Kinuha ni Minda ang kanyang pitaka sa kanyang bulsa at kumuha siya ng 500 pesos. Binigay niya ito kay Rose. "Naaawa ako sayo, iha... halatang hirap na hirap ka na sa buhay mo. Sana ay magkasundo tayong dalawa sa trabaho mo para naman matulungan kita!" Masayang masaya si Rose nang tanggapin niya ang pera mula kay Minda na pinauwi siya kaagad ng kanyang bahay para maasikaso niya ang kanyang nanay. Pumunta muna siya sa isang restaurant para bilhan ng pagkain ang kanyang nanay at dumeretso na ng uwi. Dahil sa sobrang excited ni Rose, alas singko pa lamang ng hapon ay nag ayos na ito ng kanyang sarili. Mas kinapalan niya ang kanyang make up at nagsuot siya ng mas maiksing damit. Dumating si Erik sa kanyang bahay at nakasuot ito ng sando. Batak na batak ang katawan ng binata. Halatang hindi muna siya umuwi para maihatid ang pagkain at bulaklak na binili niya para kay Rose. Hindi na siya kumatok at pumasok na lamang sa loob, lumabas si Rose sa kanyang kwarto at gulat na gulat si Erik nang makita ang kanyang hitsura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD