bc

THE RETURN OF THE BROKEN WIFE

book_age18+
544
FOLLOW
5.1K
READ
mystery
city
like
intro-logo
Blurb

HANNAH POV

Ang lamig talaga tuwing December dito sa Pilipinas kaya naka sweater ako. 4 am pa lang pero kailangan ko nang mag handa ng breakfast para sa Step sister ko. Halos isang buwan na akong naninirahan dito sa kanila ng asawa niya.

Isang buwan na rin kasi simula ng mamatay ang mama at papa ko at kasabay ng pagkawala nila ay ang pagbabago ng ugali ni Hailey sa akin.

Step sister ko siya dahil kinupkop siya nila mama at papa noong bata pa lamang siya. Subalit hindi niya ito alam dahil ayaw itong sabihin ni mama sa kanya kaya naman ay ibinaon ko na rin sa hukay ang sikretong ito kagaya ng habilin ni mama bago siya mamatay.

Habang papunta ako sa kusina, hindi ko naman maiwasang marinig ang usapan ng ate ko at asawa niya dahil sa lakas ng boses nila sa kwarto.

"Anong balak mo sa kapatid mo ha? Bait siya nandito sa bahay? Akala ko ba may matitirahan na siya?"

"Hinabilin siya sa akin ng mga magulang namin bago sila mawala? Ano ba ang magagawa ko? At tsaka tumutulong naman siya sa gawaing bahay di ba?"

"Tumutulong? Babe, 17 thousand ang renta natin dito sa bahay! Ako lang ang may trabaho sa atin, ano 'to? Graduate siya ng 4 years accountancy di ba? Bakit hindi pa siya maghanap ng trabaho? Ano 'to puro na lang siya gawaing bahay? Ayaw niyang mag banat ng buto?"

Nang marinig ko ito, tagos sa puso ko ang sakit. Aminado ako na hindi ito ang unang beses ko silang narinig na nag aaway. Pero ngayon, sobra na talaga ito! Kailangan ko nang makaalis sa bahay na ito kahit mahirap.

chap-preview
Free preview
FLASHED MARRIAGE
HANNAH POV Ang lamig talaga tuwing December dito sa Pilipinas kaya naka sweater ako. 4 am pa lang pero kailangan ko nang mag handa ng breakfast para sa Step sister ko. Halos isang buwan na akong naninirahan dito sa kanila ng asawa niya. Isang buwan na rin kasi simula ng mamatay ang mama at papa ko at kasabay ng pagkawala nila ay ang pagbabago ng ugali ni Hailey sa akin. Step sister ko siya dahil kinupkop siya nila mama at papa noong bata pa lamang siya. Subalit hindi niya ito alam dahil ayaw itong sabihin ni mama sa kanya kaya naman ay ibinaon ko na rin sa hukay ang sikretong ito kagaya ng habilin ni mama bago siya mamatay. Habang papunta ako sa kusina, hindi ko naman maiwasang marinig ang usapan ng ate ko at asawa niya dahil sa lakas ng boses nila sa kwarto. "Anong balak mo sa kapatid mo ha? Bait siya nandito sa bahay? Akala ko ba may matitirahan na siya?" "Hinabilin siya sa akin ng mga magulang namin bago sila mawala? Ano ba ang magagawa ko? At tsaka tumutulong naman siya sa gawaing bahay di ba?" "Tumutulong? Babe, 17 thousand ang renta natin dito sa bahay! Ako lang ang may trabaho sa atin, ano 'to? Graduate siya ng 4 years accountancy di ba? Bakit hindi pa siya maghanap ng trabaho? Ano 'to puro na lang siya gawaing bahay? Ayaw niyang mag banat ng buto?" Nang marinig ko ito, tagos sa puso ko ang sakit. Aminado ako na hindi ito ang unang beses ko silang narinig na nag aaway. Pero ngayon, sobra na talaga ito! Kailangan ko nang makaalis sa bahay na ito kahit mahirap. Naalala ko noong nakaraang araw, mayroong offer sa akin si Sir Charles, ang isa sa mga ninong sa kasal ni ate. Ang sabi niya sa akin, naghahanap siya ng mapapangasawa ng kanyang anak na si David na nag iisang tagapagmana ng kanyang kumpanya. Marami na raw siyang niretong babae kay David subalit tinatanggihan niya ito. Marami raw sa babae ang nagsasabing baka bakla ang apo niya kaya ayaw nitong mag asawa. But hindi raw siya naniniwala rito. Ang offer niya sa akin, kapag naging kasal na kami ni David, magiging buhay prinsesa ako kagaya ng pinapangarap ko. Bibigyan niya ako ng maraming alahas, mga damit, at titira ako sa mala palasyong mansion na dinaig pa raw ang Malacanang. Bukod pa rito ay magkakaroon ako ng bahagi sa mana. Bago pa kami mag hiwalay, inabot niya ang kanyang calling card na may nakalagay na address niya. Puntahan ko lang daw siya kung gusto sakaling pumayag ako sa offer. Mahigit 5 months din bago ako tumugon sa alok niya sa akin- at hindi ko akalain na ang dahilan ay ang pagnanasa kong makaalis sa bahay ng step sister ko. Sakto naman at aalis raw sila ate ngayong araw dahil may pupuntahan silang birthday party. At habang wala naman sila, kailangan kong umalis at makipag sapalaran. Sukang suka na akong makisama sa toxic na mag asawang ito. Nang tawagan ko siya, ang sabi niya ay hindi ko na kailangan mag commute pa dahil susunduin niya ako sa condo. Gulat na gulat ako, pag patay ko ng cellphone, kaagad akong nag bihis. Sobrang mahalaga ng first impression kaya dapat sa unang kita pa lang sa akin ni David, dapat ay ma love at first sight na siya sa akin. Hiniram ko muna ang red dress ni Ate Hailey, pati ang sandals niya at ilang mga alahas niya kagaya ng necklace at bracelet. Mabilis lang naman akong aalis at isasauli ko naman ang mga ito bago siya dumating. Nasa labas ako ng condo, nakatingin sa salamin habang pinapantay ko ang lipstick sa mga labi ko. 30 minutes ang nakalipas, dumating ang isang itim at magarang van. Nagbukas ang pintuan at pumasok naman ako. Pinag saraduhan pa ako ng pinto ng driver bago umandar ang sasakyan. Sa loob nakita ko si Sir Charles na nakasalamin. Abala siya sa paglalaptop. I guess may pasok siya ngayon pero ninais niya akong ihatid sa mansyon niya. "You looked gorgeous today," nakangiting sabi niya, "And I liked the way you dressed up, sana ay ikaw na ang hinahanap ko na makakatuluyan ng apo ko." Nginitian ko nama n siya ng tipid kahit aminado ako na kinakabahan na ako sa mga mangyayari. Ano kayang hitsura ni David? Hipon ba siya? Lollipop? Buko na gwapo nga pero pangit naman ang katawan pero mabuti ang kalooban. O isang bulalo na pangit ang mukha at katawan subalit isang matalino. Eh isang masarap na kaldereta? Yung tipong walang tapon. Mahigit isang oras din ang naging biyahe namin. Dito sa loob ng napakalaking mansyon na maraming mga kasambahay ang naka kalat. Ang daming mga sosyal na kagamitan sa loob. Sa chandelier pa lang nila, halos mapanganga na ako sa kasi gawa raw ito sa totoong ginto. At nang makarating kaming dalawa ni Sir Charles sa isang malawak na gym, nakita ko ang isang lalaki na nagpupunas ng pawis at nasa tapat ng dumbbell bench. Lumapit kami sa kanya, one meter away lang! Sa lahat ng categories na nasa utak ko kanina, masasabi ko na isang kaldereta si David! Ang gwapo niya at ang ganda ng katawan, makapal ang kilay at kulay blue pa ang kanyang mga mata na pangarang nangungusap. Tapos yung pawis na tumutulo sa kanya, napalunok na lamang ako. "Hannah, siya ang bukod tanging tagapagmana ng kumpanya ko. He is already 29 years old. Mabait naman siyang lalaki at matalino pa. Trust me, magiging magkasundo kayong dalawa." Nang lumingon siya sa amin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. At sa mga tingin niya pa lang, parang naiinis siya sa pag dating ko. Hindi na pala siya isang kaldereta dahil malakas ang kutob ko na masama ang ugali niya! Pero kahit na ang talim ng tingin niya sa akin, mas pinili ko pa rin ngumiti. Bilang formality, iniabot ko ang kamay ko para makipag handshake sa kanya. "Nice to meet you Sir David," nakangiting pagbati ko sa kanya. Makikipag handshake ba siya sa akin o ipapahiya niya ako sa harapan ng mama niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook