bc

BEHIND HIS INNOCENT LOOK

book_age18+
685
FOLLOW
2.4K
READ
mystery
city
like
intro-logo
Blurb

Gaano man kahirap na pilitin ni Juliana na kalimutan ang kanyang kakila-kilabot na nakaraan, ang katotohanan ay laging nakakahanap ng paraan upang ibunyag ang kadiliman, at sa gayon siya ang naging susi sa pagbunyag ng tunay na katauhan ng mga magnanakaw nang siya ay umibig sa isang lalaki na naging isang miyembro ng sindikato na kinatatakutan niyang makaharap.

Tatanggapin ba niya si Robert sa kabila ng mga nagawa nito? Paano kung nahulog na siya ng tuluyan sa kanila? Ano ang kapalaran na naghihintay kay Juliana?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Naglalakad si Juliana sa gitna nang dilim papauwi sa mansyon ng kanyang Amo na si Congressman Raul bitbit ang kanyang biniling tinapay. Hindi niya mawari kung bakit mayroon siyang kakaibang pakiramdam habang papalapit sa mansyon. Nang makarating siya sa tapat nito ay laking gulat niya sapagkat walang guard ang nagbabantay sa gate. Napansin din niya na nakabukas ang lahat ilaw sa loob ng mansyon gayung matipid ang amo nila sa kuryente. Naglakad siya papasok at pagbukas niya sa malaking pinto ay bumulantang sa kanya ang guards, maids, mga anak at asawa ni Congressman Raul. Lahat sila ay nagtamo ng matinding pinsala sa katawan dulot ng tama nang bala na agad nilang ikinamatay. Agad tinawagan ni Juliana ang amo niya ngunit hindi ito sumasagot. May narinig siyang putok ng baril galing sa kwarto ni Raul. Naalala niya na mayroong sikretong daanan mula kusina paakyat sa kwarto nito. Dahan-dahan niyang iniyayapak ang kanyang mga paa papunta sa kwarto ni Raul sapagkat anu mang tunog na kanyang gawin ay magiging mitsa ng kanyang kapahamakan. Habang papalapit siya sa kwarto ni Raul, lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Para siyang kinakapos nang hininga pero pilit niya paring tinatatagan ang kanyang kalooban hanggang sa makarating siya sa gilid ng kwarto ni Raul. Sumilip sa maliit na butas ng bintana at nakita niya ang karumaldumal na sinapit ng kanyang amo. Puno ng dugo ang sahig kung saan ito nakahandusay. Nakita rin ni Juliana ang lalaking di umano'y isa sa mga magnanakaw. Nakasuot ito ng maitim na maskara at mayroon itong tattoo na agila sa kanyang kaliwang balikat. Kinuha ni Juliana ang kanyang cellphone at kinuhaan ng litrato ang lalaki sa maliit na butas. Mabuti na lamang at nakuhaan niya ito nang maayos. Tumawag si Juliana sa mga pulis at agad naman silang rumesponde sa kanyang sumbong. Nang marinig ng mga magnanakaw ang wang-wang ng pulis ay dali-dali silang lumabas. Agad nagpunta si Juliana sa maid's room para hakutin ang kanyang mga gamit. Dahil sa takot niya ay hindi ito tumestigo sa pangyayari at nagpasyang magtago sa probinsya niya sa Batangas upang tumira sa kanyang lola Lily at makapagsimula nang panibagong buhay. Gusto niyang malimutan ang masalimuot na pangyayari at maging masaya sa piling ni lola.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.8K
bc

The Only Girl In Section Sea

read
9.8K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

SECRET UNTOLD SERIES 12: YO RINGFER

read
11.8K
bc

The Masked Heart: Silver Lincoln

read
33.5K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

Dangerous Spy

read
322.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook