Isang taon makalipas ang insidente, tahimik pa rin ang buhay ni Juliana hanggang sa maging kapitbahay niya si Robert. Napaka inosente ng hitsura nito kaya naman ay kaagad na nahumaling sa kanya si Juliana at mukhang nasa 20's lamang ito base sa kanyang hitsura.
Trip na trip talaga niyang jowain si Robert at dahil sa hindi na ito nakatiis, nagnakaw siya ng tingin kay Robert mula sa maliit na butas ng kanilang bintana. Kahit hirap sa kanyang ginagawa ay okay lang makita lamang ang matipunong pangangatawan ng kanyang bagong kapitbahay na nagkakape sa labas. Nakasuot ito ng t-shirt na puti na lalong nagpaguwapo sa kanya. Nahuli naman siya ng kanyang lola na sumisilip at kinurot siya nito sa braso.
"Ang landi mo talagang haliparot ka!" Sabi ni Lily sa kanyang apo matapos kurutin sa braso nito.
"Araaaay ko!" Napalingon si Juliana sa kanyang lola. "Kapag sisilip haliparot kaagad? Hindi ba pwedeng malandi muna?" Sabi niya dito.
"Sus, silip ka nang silip jan! Akala mo naman kung sino yang artistang kinababaliwan mo!"
"Si lola naman, parang hindi po kayo dumaan sa pagiging dalaga!"
"Hoy excuse me, hindi uso yan noong araw! Matitino ang mga babae noon. Mga literal na Maria at hard to get. Kami nga ang madalas na nasisilipan eh!" Pagtatanggol ni Lily sa kanyang henerasyon.
"Lola, napaka conservative niyo po talaga. Palagi niyo na lang pinagkukumpara ang panahon niyo sa panahon namin! Laos na po ang henerasyon ninyo, tanggapin niyo na kasi po na kaming millenials na ang uso!"
"Ayun na nga eh, alam mo naman na gusto pa rin namin kayong paalalahanan na maging kagaya namin. Pabebe lang kumbaga! Hayaan mong ikaw ang suyuin ni Jose," pagbibigay payo ni Lily sa kanyang apo.
"So, boto po ba kayo sa bago nating kapitbahay? Naka t-shirt lang pero ang lakas po ng dating. Sa hitsura pa lang, talagang mapagkakatiwalaan na kasi napaka inosente!" Namumutlang sabi ni Juliana.
Walang pasintabi ni Lily sa pagsasabi ng totoo niyang nararamdaman sa kanilang bagong kapitbahay, "Asa ka, Juliana! Malaki ang pagdududa ko sa lalaki na yan. Ganyang ganyan ang mga hitsura ng mga magnanakaw sa Quiapo! Sa tingin ko nga nakapatay na yan ng tao eh!"
"Grabe naman, tao agad? Hindi ba pwedeng ipis muna?" Pabalang na sagot ni Juliana.
"Alam mo naman ako Juliana, malakas palagi ang kutob ko! Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko pero mas maganda na kung ititigil mo yang ilusyon mo! Ke babaeng tao mo tapos nagpapantasya ka sa lalaking hindi mo pa lubusang kilala. Kahit gaano pa yan ka pogi kulubot parin ang itlog niyan, yuck!"
Kumunot ang noo ni Juliana dahil sa galit nito, "Lola naman, ang dami mo pong sinasabi diyan. Matanda na ako no!"
Napikon si Lily sa sinabi sa kanya ni Juliana, "Oh matanda ka na pala, pwede ka nang lumayas sa pamamahay kong halparot ka!"
"Layas agad? Hindi ba pwedeng alis muna?" Pilosopong sagot ni Juliana.
"Mamalengke ka na nga lang bata ka at baka lumakas pa ang ulan. Wala kang mapapala sa katititig mo jan sa lalaking hampaslupa na yan!"
"Mamaya na po lola panira ka ng moment," sabi ni Juliana sabay kamot sa ulo.
"Gusto mo ba isumbong kita sa kumag na 'yun na sinisilipan mo siya?"
"Isumbong mo! Baka nga kiligin pa ako kapag nangyari yan eh!" Namumutlang sabi ni Juliana sabay hawi sa buhok.
"Sus, kita mo na. Wala kang respeto sa akin! Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Makapagtahi na nga lang ng damit. Nahihirapan akong intindihin ang mga millennials!"
"Okay po lola!" Maikling tugon ni Juliana.
Pag-alis ng lola ni Juliana ay agad niyang kinausap ang kanyang sarili sa salamin, "Hindi naman siguro masama kung ako ang maunang makipag usap sa kanya. Tutal matagal tagal na rin akong tigang sa lalaki!"
Kinuha ni Juliana ang kanyang suklay at inayos ang kanyang buhok. Nagpalit din siya nang mas maiksing damit at short saka siya lumabas para magpapansin sa bago niyang kapitbahay. Napatitig ito sa kanya at tila ay takam na takam sa kanyang suot. Nginitian ito ni Juliana at sinabayan pa niya ng flying kiss. Hindi na talaga siya makatiis kaya naman ay naglakad ito papunta sa kanyang bagong kapitbahay kahit pa medyo may kalakasan ang ulan.
Iniabot ni Juliana ang kanyang kamay sa bago niyang kapitbahay at nagpakilala, "Hi new neighbor, ako nga pala si Juliana. Nice to meet you!"
Nakipag handshake naman ang lalaki sa kanya at nagkaroon sila ng masayang pag-uusap.
"Nice to meet you too! Ako nga pala si Robert, mag-isa lang akong nakatira sa bahay na 'to!" Nakangiting sabi ng lalaki.
"I see. Wag kang mag-alala, hindi ka mababagot sa lugar na 'to! Marami ang mga magagandang mga tanawin! At saka medyo kaunti ang mga tao so kaunti rin ang mga chismosa. Higit sa lahat, mapagkakatiwalaan mo kami!" Nakangiting sabi ni Juliana.
"Mabuti naman kung ganun, mahirap na kasi magtiwala ngayon sa totoo lang! Hindi mo alam kung sino ang mabuting tao at sino ang hindi. By the way upo ka!"
Umupo si Juliana at nagtabi sila ni Robert sa mahabang upuan, hindi naman maiwasan ni Robert na tingnan ang legs ni Juliana sa bawat higop nito ng kape. Tila ay naglalaway ito sa kanyang nakikita lalo na at umuulan pa.
"Ang lamig ng panahon, no! Tapos kapag summer grabi naman ang init!" Saad ni Juliana.
"Kaya nga eh. Palagi nalang ganito sa Pilipinas. Gusto mo ba ng kape?" Tanong ni Robert sabay titig sa legs ng dalaga.
"No thanks. Hindi kasi talaga ako nagkakape kasi acidic ako! Gusto ko lang naman makipag kaibigan!" Pagtanggi ni Juliana.
"Salamat, saan ka nga pala nagtatrabaho?" Tanong ni Robert.
"Ako? Wala pa eh. May maliit kaming farm ni Lola Lily. Lahat nga nang gulay na nabanggit sa bahay kubo, meron kami!" Pagmamalaki ni Juliana.
"Talaga? Hindi ko na pala kailangan pang magpunta sa palengke kung ganun!"
"Oo naman, maliit na bagay lang naman kung hihingi ka! Saan ka nga pala nagtatrabaho?" Tanong ni Juliana
Pinagpawisan ni Juliana at tila ay hindi nito mabigkas ang nais niyang sabihin kaya't nanghingi na lamang ng paumanhin si Juliana sa kanyang tanong.
"Sorry, hindi mo naman ako kailangang sagutin. Baka kasi detective ka pala!"
Bumungisngis si Robert sa sinabi ni Juliana, mariin naman niyang itinanggi na isa siyang detective.
"Hindi rin naman ako isang detective, sadyang confidential lang naman ang work ko kaya hindi ko pwedeng sabihin, paumanhin!"
"Ano ka ba, Okay lang yun! Pero bago ka lumipat dito sa Quezon province, saang lugar ka galing? Sorry makulit talaga ako at palatanong kasi gusto lang makilala ng husto!"
"Okay lang naman. Sa Metro manila ako nakatira noon. Dalawang araw pa lang ako sa lugar na ito. Nakakasawa kasi ang trapik sa Metro manila tapos grabe pa ang pollution. Mabuti na lang talaga at dito ako nadestino sa Batangas," sagot ni Robert.
"Nako, sinabi mo p-" Naalala ni Juliana ang nangyaring karumal-dumal na krimen na kaniyang naranasan sa maynila kaya't hindi na nito itinuloy ang pagsasalita.
"Paano mo naman nasabi? Galing ka rin ba sa maynila?" Tanong sa kanya ni Robert.
Todo ang pagdedeny ni Juliana kahit na namumutla na ang kanyang mukha.
"H-Hindi ah! Dito na ako ipinanganak sa lugar na ito at marahil ay dito na rin ako mamamatay. Kasama ko si Lola dito sa province at siya na lang ang family ko!"
Nalungkot bigla si Robert sa sinabi ni Juliana at naiinggit siya na mayroon pa itong pamilya, "Buti ka pa nga may pamilya ka pa na nagmamahal sayo. Samantalang ako tinakwil na ng sarili kong family bata noong pa lang ako!"
"Bakit naman?" pagtataka ni Juliana.