“Mae, wala ka na ba talagang relatives na pwedeng iinvite para umattend sa kasal natin?” Agad siyang napalingon kay Dom habang nagsusuklay siya ng buhok niya ng gabing iyon. Ilang araw na lang ay kasal na nila. Hindi naman siya nakakaramdam ng pag-aalala sa magiging buhay niya kapag tuluyan na siyang naging asawa ni Dom dahil mababait naman sa kanya ang mga Villaruiz. Bukod doon ay alagang alaga rin siya ni Dom, he even admitted his feelings to her. Gusto raw siya nito. Di lang niya masabi rito na may nararamdaman din siya para rito ngunit hindi naman niya itinatago ang pagpapahalaga niya rito. “Wala Dom..” sabi na lang niya. “How about friends? Si Lara lang ba talaga ang iiinvite mo?” pangungulit pa nito. “Wala naman akong ibang kaibigan dito.” Aniya. “How about in Laguna? Don’t you

