“Pare, totoo ba talagang magpapakasal ka na kay Mae??” Tila hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Mike sa kanya nang bisitahin siya ng mga kaibigan niya sa opisina niya. Sinulyapan pa nito si Mae sa labas mula sa glass wall ng opisina niya pagkatapos ay muling tumingin sa kanya. Hindi na niya masyadong nakakasama ang mga kaibigan niya at ang huli pa nilang pagkikita ay nong event. He’s always excited to go home with Mae kaya wala na siyang panahong makipagjamming o ni makipagkita sa mga kaibigan niya. Kaya heto at talagang pinuntahan na lang siya ng mga ito. “Yes, it’s true. It should be a secret wedding because that’s what Mae wants, but because of sudden circumstances, I couldn’t keep it a secret anymore. Beer?” Binuksan niya ang maliit na ref sa opisina niya. Naisipan niyang mag s

