“Ouch!” napapangiwi si Dom habang ginagamot niya ang sugat sa pisngi nito. Nakauwi na sila at kasalukuyan nang nasa kwarto. Mabuti na lang at tulog na ang mag-asawa kaya hindi pa ng mga ito nalalaman ang nangyari sa event na pinuntahan nila. At paano nga naman nila maaabutang gising pa ang mga ito eh natagalan pa sila ni Dom sa paggawa ng milagro sa kotse nito. Tsk. “Ouch ouch ka diyan! Nasan na ang yabang mo kanina? Bakit mo ba kasi pinatulan si Jeffrey? Yan tuloy nagkasugat ka pa.” Diniinan pa niya ang bawat pagdampi ng bulak sa sugat nito para madala na ito. Ayaw niyang makita ulit na magkasugat ito sa mukha dahil nakakasira iyon sa kagwapuhan nito. “Ouch, ouch pero kanina sa kotse parang balewala naman yan.” Bubulong bulong pa niyang sabi na sarili lang niya ang nakaintindi.

