Pagkatapos nilang mag-usap ni Tita Lilian este Mommy pala ay umakyat na agad siya sa kwarto nila ni Dom. Bukas ay dapat na siyang pumasok sa trabahao dahil kahit naman magiging asawa na niya si Dom ay secretary pa rin siya nito. Yeah, she’ll just try to accept it. May mga pinagsamahan naman sila ni Dom at alam niyang hindi naman siya pababayaan nina Tita Lilian, they will have her back no matter what dahil ramdam niya ang pagmamahal ng mga ito sa kanya bilang anak na rin ng mga ito. Pero nagdududa siya sa sarili niya kung kaya na ba niyang maging mabuting ina kung sakali? What if she fails? What if magsuffer ang magiging anak nila dahil sa trauma niya? Hindi pa man siya nabubuntis pero nagiging advance na ang pag-iisip niya. She remembered about a kind of pill that Lara once mention

