Chapter 1 - Running Away

964 Words
"Xia!" "Xia!" Malalakas na pagtawag sa pangalan niya ang narinig niya kaya mabilis siyang lumabas sa kanyang kwarto. "U-uncle!" Akmang bababa na siya sa sala niya nang masalubong ang Uncle Antonio niya na nasa hagdan at kasalukuyang paakyat na. "Xia. Ang maganda kong pamangkin." Nakangisi nitong sambit habang ibinuka ang dalawang braso na animo'y yayakapin siya. Hindi pa man ito gaanong nakakalapit ay amoy niya na agad ang alak na kumapit na yata sa katawan nito. "Uncle! L-lasing po yata kayo." Kinakahabahang turan niya nang halos nasa harap niya na ito kaya't napaatras siya. Bakas ang biglang pagbalong ng galit sa mukha nito nang makitang umaatras siya. Binilisan nito ang paglakad hangaang sa nasa harap na niya ito. "Hindi mo man lang ba ako yayakapin?!" Galit na tanong nito sa kanya at mabilis na hinawakan ang dalawang balikat niya. Nanginig siya sa takot dahil ito ang unang beses na ginawa nito iyon sa kanya. Dati ay patingin-tingin lang ito sa kanya ng kakaiba lalo na nong 15 years old pa lang siya at mamatay ang Daddy niya. Mabait ito sa kanya noon ngunit hindi na niya nagugustuhan ang kakaibang tinging ipinupukol nito sa kanya lately. "L-lasing na po kayo." Nanginginig na sabi niya at mabilis na inalis ang mga kamay nitong nakahawak sa dalawang balikat niya. Dahil siguro hindi nito iyon inasahan kaya muntik pa itong matumba. Masama siya nitong tiningnan pagkatapos ay biglang hinila ng malakas ang buhok niya at sa sobrang gulat niya ay bigla nitong sinunggaban ang leeg niya at pinaghahalikan. Napasigaw siya at pilit na itinutulak ang uncle niya ngunit tila baliw itong walang pakialam sa pagpupumiglas niya. Nanginginig man ay nagawa niyang tuhurin ito kaya nabitawan siya nito. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para muling makabalik sa kwarto niya at mabilis niya iyong ini-lock. "Xia....Xia buksan mo ang pinto..." tila malambing na boses ng uncle Antonio niya na kumakatok na sa pinto ng kwarto niya. Agad siyang umiling-iling kahit hindi siya nito nakikita. Ngayon niya lang din napansin na umiiyak na pala siya sa sobrang takot na nararamdaman. "Xia...sige na...Gusto lang kitang pasayahin." Tila naimagine pa niya ang mala demonyong ngiti ng Uncle niya kaya lalo siyang umiling-iling at tinakpan na lamang ng dalawang kamay ang bibig upang hindi nito marinig ang paghagulgol niya. "Buksan mo to!!" Bigla nalang sumigaw sa labas ng kwarto niya ang Uncle Antonio niya. "Xia!! Akala mo ba hindi ako makakapasok diyan?! Gusto mo pa bang masaktan ha? Sisirain ko ang pintong to!!" Galit na sigaw ng uncle niya na nagsimula nang sipain ng malakas ang pinto ng kwarto niya. Nahintakutan siya habang iniisip ang susunod na gagawin sa kanya ng uncle niya. Alam niyang makakapasok at makakapasok ito sa kwarto niya at hindi rin siya pwedeng magkulong doon habang buhay. Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang isang backpack niya at naglagay ng ilang pirasong damit, ilang personal na gamit, pera at mga importanteng dokumento niya. Maya-maya pa ay narinig niya ang isang putok ng baril na tumama sa doorknob ng kwarto niya at ang malakas na pagkakabukas ng pinto niyon. "Uncle...m-maawa ka po sa a-akin...pa-pamangkin mo po ako.." nanginginig at umiiyak na saad niya ngunit tumawa lang ito ng malakas at saglit tumingalang nakapikit habang hawak sa kanang kamay ang baril. "Maawa?! Sayang naman ang ganda ng katawan mo kung hindi mapapakinabangan! Pumikit ka nalang at siguradong mag-eenjoy ka." Tila demonyong saad nito na nakangisi at unti-unti nang naglalakad papalapit sa kanya. "W-wag po uncle.....please....." halos di na niya makita ang mukha nito dahil sa labis na luhang dumadaloy sa mga mata niya. Ngunit tila wala itong narinig at patuloy lang sa paglapit sa kanya. "W-wag po uncle..." takot na takot na sabi niya nang nasa harap na niya ito. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay muling tiningnan ang mukha niya. Ngumisi muna ito at walang babalang hinalikan muli ang leeg niya habang ang baril ay itinutok sa noo niya. "Ah!" Napasigaw siya sa sakit nang maramdaman ang isang kamay nitong sumabunot sa buhok niya. "Hmmm, ang bango-bango mo talaga at ang lambot lambot ng katawan mo." Anito habang hinahalikan at dinidilaan ang leeg niya. "Uncle! Wag po please.." "Manahimik ka!" Sigaw nito sa mukha niya nang saglit na tumigil sa ginagawa. Labag man sa loob ay itinikom nalang niya ang bibig dahil natatakot syang patayin siya nito dahil hawak parin nito ang baril sa isang kamay. Bigla nitong dinakma ng isang kamay ang isang dibdib niya at sa gulat ay muli siyang napasigaw. "Sabing tumahimik ka! Papatayin kita pag hindi ka tumigil kakangawa!" Napahumindig siya sa takot sa tinuran nito kaya muli nalang siyang napakagat-labi ng mariin. Sinimulan nitong masahehin ang isang dibdib niya sa ibabaw ng damit niya. "Ahhh ang lambot." Anito at muling hinalikan ang leeg niya. Diring-diri siya sa ginagawa nito sa kanya. No! Hindi siya papayag magtagumpay ito sa tuluyang paglapastangan sa katawan niya. Nanginginig man ang buong katawan at malabo man ang paningin dahil sa mga luha niya ay pasimple siyang tumingin sa paligid niya at namataan ang lampshade sa gilid niya. Pilit na ibinaba nito ng bahagya ang maluwang na cotton shirt niya at sinimulang dilaan ang collarbone niya pababa. "P*tang *na ang sarap ng balat mo." Tila hibang na hibang ito at bahagya pang naibaba ang kamay na may hawak na baril. Kinuha niya ang pagkakataong iyon at sa nanginginig na kamay ay buong lakas na kinuha niya ang lamshade at ipinukpok iyon sa ulo ng uncle niya. "Ah!" Daing ng uncle niya na nabitawan pa ang baril. Mabilis na kinuha niya ang backpack at nagmamadali, walang lingong tumakbo sya ng tumakbo paalis sa lugar na iyon. “Xia!” Dinig pa niya ang galit na sigaw nito sa pangalan niya ngunit patuloy lang siya sa pagtakbo palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD