Chapter 2 - The Accident

953 Words
Malakas na busina ang narinig ni Xia nang papatawid siyang tumatakbo palayo sa bahay nila upang matakasan ang Uncle Antonio niya na muntik na siyang gahasain kani-kanina lang. It was almost midnight at takot na takot siya, nanginginig ang buong katawan na tumakbo lang siya ng tumakbo habang umiiyak. Napasigaw siya at napapikit nalang sya nang makita ang liwanag na nagmumula sa isang sasakyan na babangga na sa kanya. If this was the end of her life, so be it. Wala naman na siyang dahilan para mabuhay. She has no one who really loves her. She was all alone. At least pag namatay na siya, hindi na siya mahihirapan at wala nang magtatanggang pagsamantalahan siya. Naramdan niya ang bahagyang pagtama ng sasakyan sa katawan niya at natumba pa siya ngunit ramdam niyang hindi naman siya gaanong nasaktan dahil agad namang nakapreno ang nagmamaneho nito. Dali-dali namang lumabas mula roon ang isang babae at lalake na sa tingin niya ay kapwa nasa 50s na ang edad. "Oh my God, hija are you ok??" Nag-aalalang tanong sa kanya ng ginang nang makalapit ito sa kanya. Tinulungan siya nitong makatyo at hinawakan pa nito ang magkabila niyang balikat at pinasadahan siya ng nag-aalalang tingin mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha niya. Nakasuot ito ng isang formal dress at halata sa itsura nito na mula ito sa isang may kayang pamilya. "Did you get hurt? We’ll bring you to the hospital." Napabaling naman ang paningin niya sa mukha ng lalaking kasama ng ginang. Tumayo ito sa tabi mismo ng Ginang habang nakatitig sa mukha niya na bakas sa mga mata ang pag-aalala. "O-ok lang po ako." Aniya at biglang naalala kung bakit siya biglang tumatakbo papatawid sa kalsada. Nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa dalawa habang nahintakutang baka mahabol siya ng Uncle niya at pilit pabalikin sa bahay niya. Yes, it was her house dahil sa mga magulang niya iyon but now it feels that her house is the most frightening place in the world. Agad siyang nagpalingun-lingon sa paligid at bahagyang nawala ang takot niya nang makitang wala namang nakasunod sa kanya. "What's wrong hija?" Tanong sa kanya ng ginang nang makita ang reaksiyon niya at ang paglinga-linga niya. "Come on, we'll take you to the hospital to make sure na ok lang." Sabi naman ng lalaking kasama nito. "No! Kailangan ko pong makalayo sa lugar na ito. Please po tulungan niyo ako, please.." sa nanginginig na labi ay nagawa niyang bigkasin ang mga salita habang umiiyak at patuloy sa paglingon sa likod niya. Saglit na natigilan ang dalawa at nagkatinginan pa kaya agad siyang nagsalita muli. "Ri-rape-in po ako ng uncle ko please tulungan niyo ako!" Hindi na niya napigilang sigaw sa mga ito dahil sa takot na maabutan pa siya ng uncle niya. Nanlaki ang mga mata ng ginang ngunit agad siya nitong hinila at nagmamadali siya nitong pinasakay sa backseat ng kotse nito. Agad na ring sumakay ang mga ito at mabilis na pinaandar ang sasakyan paalis doon. Tila nakahinga siya ng maluwag nang umaandar na ang sasakyan palayo. "S-sorry po..k-kung nasigawan ko kayo...a-at kung naabala ko po kayo." Nakayukong sabi niya sa mga ito. "It's ok hija.. but why would your uncle do that? I mean, where are your parents? Bakit di mo siya isumbong?" Maging ang Ginang ay halatang naguguluhan at tila hindi makapaniwalang gusto siyang pagsamantalahan ng sarili niyang tiyuhin, tila hindi rin nito alam kung ano ang sasabihin. "Wala na po akong mga magulang. Uncle ko nalang po ang kasama ko." Umiiyak na sagot niya rito. Tila nabaghan naman ito sa sinabi niya kaya inabot nito ang balikat niya at hinimas himas iyon na tila gusto siya nitong yakapin kahit nasa harap ito katabi ng lalaki na siyang nagda-drive ng kotse. Tahimik lang ang lalaki sa pagdadrive at nagpapasalamat siya na ni hindi man lang siya nito hinahawakan mula pa kanina dahil hindi rin niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya rito. Baka hindi na niya makayanan at mahimatay nalang siya sa sobrang takot kung sakaling may ibang lalaki pa ang didikit sa kanya ng mga oras na iyon. "P-pasensya na po...pero p-pwede po bang makituloy muna ako sa inyo? M-magtatrabaho po ako, kahit katulong po. Please po ayaw ko lang umuwi..." umiiyak na pakiusap niya na tiningnan ang ginang. Nakita niyang nagtinginan saglit ang dalawa na tila nag-usap ang mga mata. Wala naman siyang naramdamang takot sa klase ng pagtinginan ng mga ito at ramdam niyang safe siya sa mga ito. Tumingin sa kanya ang ginang na nakangiti at tumango bago nagsalita. "Sige hija. Mabuti nalang pala at nadaanan ka namin doon. Kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa iyo." Bakas ang awa sa mukha ng ginang nang magsalita ito. "Maraming salamat po." Lalo siyang napaiyak sa tinuran nito kaya hindi na niya napigil ang emosyon at muli nalang napahagulgol. "Sshhh..tahan na hija. We are Mr. and Mrs. Villaruiz. Call me tita Lilian. At ito naman ang asawa kong si Robert, call him Tito. Wag kang mag-alala at tutulungan ka namin." Nakangiting sabi nito at nakalingon pa sa kanya. "Ako naman po si Mae..Mae Fuentes po." Pinilit niyang ngumiti sa mga ito. Xia Mae Fuentes. That’s her name pero ayaw na niya munang marinig ang pangalan niyang Xia sa ngayon. For now, she is Mae. Sinulyapan niya rin ang asawa nito at nginitian at tinanguan siya nito. Mukhang malakas ang pakiramdam ng lalaki na hindi siya kumportable na tumingin dito ng matagal. Siguro ay dahil na rin sa kwento niya. At nagpapasalamat siya roon. Alam niya, mas magiging maayos na ang buhay niya sa mga susunod na araw na malayo sa lugar na nagdulot sa kanya ng labis-labis na takot at trauma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD