Chapter 3 – Starting Life Anew

2088 Words
Hindi namalayan ni Xia Mae na nakatulog na siya sa byahe. Nagising lang siya sa mahihinang pagyugyog sa balikat niya. “Hija, nandito na tayo…” Narinig niya ang masuyong boses ng ginang at nang dumilat siya ay nakumpirma niyang ito rin ang yumuyugyog sa balikat niya. Agad siyang napaayos ng upo at dahan-dahang bumaba sa sasakyan. Lihim siyang nabighani sa ganda ng Mansiyon sa harap niya at sa lawak ng paligid nito sa labas. Halatang inaasikaso ng maayos ang malawak na hardin na naroon sapagkat napakaraming bulaklak ng mga halaman, neatly trimmed din ang iba pang mga halaman at wala yata ni isang kalat siyang nakikita roon. “Kumain muna tayo hija. 1 am kaya mag snack nalang tayo. At para na rin mas maayos kang makapagpahinga mamaya.” Nakangiting sambit ng ginang na hinawakan pa ang isang braso niya upang alalayan papasok sa Mansiyon. “Maraming salamat po.” Hindi naiwasang mapaluha siya at gumaralgal pa ng bahagya ang boses niya hindi dahil inalok siya nitong kumain kundi dahil sa pagtulong at kabaitan nito sa kanya. “Kanina kapa nagpapasalamat.” Nakangiti parin ito at hinaplos pa ang buhok niya. She’s so thankful dahil halatang mabait ang ginang. Dumiretso sila sa dining table at halos siya lang naman ang kumain. Panay ang titig sa kanya ng ginang at panay ang ngiti nito sa kanya wari’y sinasabing wag siyang mag-alala at magiging maayos din ang lahat. Pinainom pa siya ng ginang ng gatas. Hindi nagtagal ay inihatid siya nito sa isang kwarto sa taas. Tumanggi pa sana siya dahil hindi naman siya guest doon at balak niyang magtrabaho nalang doon bilang katulong ngunit mapilit ito at bukas nalang daw nila pag-uusapan ang bagay na iyon. Maya-maya ay nagulat pa siya nang may isang Doctor na dumating ang nagcheck up sa kanya. Siguro ay gusto lang makasiguro ng mag-asawa na maayos ang lagay niya kaya pinatingnan pa rin siya nito sa doctor kahit sinabi niyang ayos lang talaga siya at wala namang masakit sa kanya. Kinabukasan ay tanghali na siya nagising. Tuluyang nang naging normal ang t***k ng puso niya at nawala na rin ang panginignig niya dahil sa takot. Mabuti nalang at maayos siyang nakapagpahinga kagabi. Agad siyang naligo. Kinuha niya ang isang oversized tshirt niya sa dalang backpack at isang walking short na hanggang tuhod at iyon ang isinuot niya pagkaligo. Sinuklay niya ang buhok at itinali iyon ng medyo maluwang kahit medyo basa pa at pagkatapos ay lumabas na sa kwartong tinulugan niya. Nasalubong niya ang isang kasambahay at ihahatid raw siya nito sa dining table para kumain. “Sakto maam nandoon narin po sina Sir at Mam, pati po si Sir Dom nandon na rin po.” Anitong nakangiti pa sa kanya. Nahiya naman siya dahil tinawag pa siya nitong maam samantalang magiging katulong din naman siya doon katulad nito. “Mae nalang ang itawag mo sa akin..hindi ako maam dito….” Aniya na pinilit ngumiti. Magsasalita na sana ito nang bigla siyang tinawag ni Maam Lilian. ‘Maam Lilian’ yon na dapat ang itawag niya sa ginang dahil magtatrabaho na siya sa mga ito bilang katulong. “Mae! Buti at nagising ka na. Halika na at nakahanda na ang tanghalian. Hindi na kita ipinagising kanina dahil alam kong kailangan mo pang magpahinga.” Nakangiti nanaman ito sa kanya at sinalubong siya at inakay papasok sa dining table. Saglit siyang natigilan nang makita ang isang lalaking nakaupo patalikod sa kanya. Hindi naman siya kinabahan dahil wala naman siyang naramdamang threat sa aura nito kahit na hindi pa niya nakikita ang hitsura nito. Napadako ang tingin niya kay Sir Robert na nginitian siya at pinilit niya rin itong nginitian. “Good morning po.” Aniya rito at saktong nasa gilid na sila ng dining table. “Good morning hija. Buti at gising ka na. Kumusta ang pakiramdaman mo?” halata ang concern sa tono ni Sir Robert. “Ok na po. Maraming salamat po sa tulong niyo.” Tumango ito na nakangiti at tumawid na sila ng ginang sa kabilang bahagi ng table kung saan doon pala nakaupo ang ginang at pinatabi siya nito sa kaliwa niya habang ang asawa nito ay nasa gitna at nasa kanan ng ginang. Katapat naman ng ginang ang isang lalaki na busy sa cellphone nito. “By the way, this is Dom, our son.” Inilahad ng ginang ang kamay paturo sa lalaki kaya agad siyang napatingin doon. He looked so serious and it seemed that he doesn’t care about her presence. Pero pinilit niya itong nginitian nang mag angat ito ng ulo at mapatingin sa kanya. Kailangan niyang magpakita ng kabaitan para hindi siya magkaproblema at paalisin sa Mansiyon dahil wala na siyang mapupuntahan. “Dom, meet Mae. Siya iyong kinukwento namin ng Daddy mo. I’m expecting that you will treat her well.” Hindi niya sigurado kung tama ba ang nahimigan niyang banta sa tono ng ginang nang ipakilala siya nito sa anak. Tumingin sa kanya ang binata ng ilang segundo. So loob ng ilang segundong iyon ay tila may nabakas siyang pagkagulat sa mga mata nito subalit di rin niya sigurado at tinanguan lang siya nito pagkatapos. Ni hindi man lang siya nito nginitian. But she must admit, napakagwapo nito. Suplado! Sayang, gwapo pa naman sana. Hindi niya alam kung bakit nagkaroon pa siya ng panahong maisip ang mga bagay na iyon! Sa tantya niya ay mas matanda lang ito ng ilang taon sa kanya base sa itsura nito. And somehow, he looked familiar.. Really familiar. But she has no time to entertain that thought. “Don’t worry Mom.” Sabi nito na tumingin sa Mommy nito at ngumiti. That smile… Parang nakita na niya ang ngiting iyon. That kind of smile could make her automatically smile back at that stranger only if he was looking at her. Parang nakakapagpagaan ng damdamin ang ngiting iyon. Parang magagawa niyang kumalma kahit may pinagdadaanan siya pag ngumiti ito sa kanya. Pero agad ding nawala ang ngiti nito nang muli na nitong binalingan ang cellphone nito. At ni hind na siya nito muli pang sinulyapan man lang. Sayang.. “Ilang taon ka nga nga pala hija?” biglang tanong sa kanya ni Mrs. Villaruiz habang kumakain sila. “20 years old na po ako.” Aniya. “Before…the incident, ano ang pinagkakaabalahan mo? If you don’t mind me asking.” Biglang tanong naman ni Mr. Robert Villaruiz. She noticed that he was trying to choose his words well para siguro hindi masyadong maging mabigat sa kanya ang pagsagot sa tanong nito. “Nag-aaral po ako..BA Major in Photography po ang kinukuha ko.” “Photography?” Tila gulat na tanong ng Ginang. “Opo… Pero balak ko pong magtrabaho muna at mag-ipon.” And she decided na magsishift na siya into Business course. After what happened, naisip niya na Business Course nalang ang tatapusin niyang course para balang araw, kung bibigyan pa siya ng pagkakataon at panahon ay mabawi at mapamahalaan niya ang Art Museum na ngayon ay halos napapabayaan na. Nang sa gayon ay kaya na niyang pangalagaan ang lahat ng naiwan ng mga magulang niya pati ang sarili niya at di na niya kakailanganin pang pakisamahan ang uncle niya. Tumangu-tango naman ang lalaki at ang ginang naman ay hinawakan ang isang kamay niya at ngumiti sa kanya. Pansin niya naman na parang walang interes tungkol sa kanya si Dom at pabor iyon sa kanya para hindi siya mapilitang makipag-usap rito. “Maam…ano po pala ang magiging trabaho ko rito?” lakas loob na tanong niya kay Mrs. Villaruiz nang matapos silang kumain at kasalukuyan na silang nasa sala. Ang asawa naman nito at ang anak na si Dom ay umalis dahil may pupuntahan raw na meeting ang mga ito. Ngayon niya lubos narealize na napakayaman pala ng mga ito. Halatang mamahalin ang lahat ng kasangkapan sa loob ng Mansiyon ng mga ito at napansin niya ring napakaraming katulong doon. Batay rin sa suot ni Dom at ni Sir Robert ay halatang hindi basta-basta ang trabaho ng mga ito. Their Mansion and their clothing shouts wealth. Pati narin sa mga kilos ng mga ito ay masasabing napaka elegante ng mga ito. “I’m sorry hija but I can’t let you work here-“ “Maam please, wala na po akong mapupuntahan.” Pagmamakaawa niya rito. Pakiramdam niya ay maiiyak nanaman siya. “Hija, I don’t think you deserve to be our maid here.. If you want, you can work in one of our businesses.” Nakangiti ang ginang sa kanya habang sinasabi nito ang mga iyon. Biglang umaliwalas ang mukha niya sa sinabi nito. But…can she handle the work and the environment? Paniguradong marami siyang makakasalumuha—mas marami siyang makakasalamuhang mga lalaki. Can she overcome her fear especially after what her uncle tried to do to her? “Saan po at anong trabaho?” bantulot na tanong niya. “Palagay ko naman ay kaya mong magtrabaho bilang secretary. How about that?” “Po? Wala pa po akong experience sa pagiging secretary.” Nag-aalalang sagot niya. At hindi pa niya masabi rito na hanggang maaari sana ay ayaw niyang maraming makakasalamuha na mga lalaki. Well, hindi naman na siya ganon katakot sa mga lalaki but she always choose to stay away from them if possible. “Then, mag-start ka bilang assistant secretary. Right! Kasi buntis iyong secretary ni Dom and in about 5 months magleleave na siya. So, parang training mo na rin iyon.” Nakangiting wika ng ginang sa kanya na napapalakpak pa ng isang beses. Napakurap siya sa sinabi nito. Magiging secretary siya ng supladong iyon after 5 months? Well, siguro kung hindi sila masyadong magpapansinan ay magagawa naman niya iyon at makakapag train pa naman sya. “Don’t worry hija, magli-leave lang ang secretary ni Dom ng ilang buwan at babalik siya sa trabaho. By then, you can still work as her assistant or if you want, we can give you a different job.” Tila nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Atleast, ilang buwan lang pala siyang gaganap na secretary ng binata. “Maraming salamat po Maam. Tsaka kung pwede po sana sa sa Maid’s quarter nalang din po ako matu—” “No, no, hija. Just stay in the guest room.” “Pero nakakahiya naman po, tsaka baka sabihin po ng iba inaabuso ko po ang kabaitan niyo.” Napayuko pa siya nang sabihin iyon. Tinulungan na nga siya ng mga ito na makalayo sa Uncle niya, bibigyan ng trabaho at pinapatuloy pa sa Mansiyon ng mga ito tapos sa guest room pa ang kwarto niya? Parang sobra naman na iyon para sa kanya. Isa pa, hindi naman niya ang mga ito kamag-anak. “Ganito nalang, pwede kang tumulong sa mga gawing bahay but we are not forcing you ok? And in return, tutulungan ka namin sa pag-aaral mo. May foundation naman kami para sa mga taong desididong mag-aral, we provide 50%-100% scholarship.” “Naku parang sobra-sobra naman na po yan.” Panay iling na saad niya rito. It’s too much of a help to her. Ngayon lang siya nakaencounter ng taong sobrang bait at handa siyang tulungan kaya ayaw niya itong abusuhin. Hinawakan naman ng ginang ang kamay niya bago siya tinitigan. “Mae, hija, I know you’re a good person. Alam ko ring may iba ka pang hindi sinasabi sa amin na mabigat na problema mo. But I will respect it. Basta tandaan mo, nandito lang ako, kami. And again, just call me Tita.” Marahan nitong hinaplos ang kamay niya. Hindi niya na naiwasang mapaluha sa mga sinabi nito. Never in her life that she felt she has a mother dahil nga namatay ang Mommy niya sa panganganak sa kanya. And now, this woman, this stranger is comforting her as if she knows what she’s going through, as if alam nito ang mga mahirap pinagdaanan niya sa buhay. Ipinaparamdam nito sa kanya na naiintindihan siya nito kahit hindi niya ikwento at sabihin lahat ng problema niya. After a long time, she felt relieved again. “Thank you po tita.” Umiiyak na wika niya at hindi na siya nag atubiling yakapin ito na agad din nitong ginantihan ng yakap. She thanked her many times more and told her na mag iipon lang siya at maghahanap ng sariling tirahan. But her Tita Lilian insisted na hindi niya kailangang umalis sa Mansiyon ng mga ito. That stranger she accidentally met last night turned in to a family in her heart.. She felt so blessed at that moment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD