Analyn Hindi ko alam kung sumunod sa akin si Teng, basta hindi na ako lumingon sa kaniya nang makapasok na ako sa pinto ng bahay ni Nanay Hiyas. Dumaan pa ako kay Alex, upang halikan sa pisngi ang baby ko. Natawa pa ako ng hilahin ang buhok ko bago ako bitiwan marami siyang daldal. “Mabilis lang si Nanay, okay?” kausap ko pa sa anak ko bago ko iwanan. “Eh, sa Tatay ni, Alex, hindi ka ba magpapaalam?” tudyo ni Mutya kaya pinandilatan ko. Umandar na naman ang pagka-bully nito naiilang na nga ako sa Tatay ni Alex, dadali pa si Mutya sa pang-aasar sa akin. “Babalik agad ako,” paalam ko sa kanila ni Alex, upang matakasan ang panunukso ni Mutya sa akin. Alam ko rin kasi nasa tabi ko lang si Teng, mamaya ibuko pa ako ni Mutya, sa Tatay ni Alex. Na mayroon pa akong damdamin kay Teng. “Ouch!”

