Analyn “Lyn! Kumusta ang lakad mo?” pagdaan ko sa table ni Ate Jo, tinawag niya ako. Iniangat ko naman ang bitbit na folder senyales na tagumpay ang lakad ko sa L.A food corporation. “Success, Ate,” I muttered. “Galing naman. Nakapag papirma ka kay Sir Noah, nang walang appointment?” tanong pa ni Ate Jo. Para siyang mangha-mangha na pirmahan ni Teng ang dala kong contract. “Eh, Ate Jo. Siya naman ang may kasalanan noon. May pinadala na sa kanya na docusign pero hindi lang pinansin. Dahil ba siya ang CEO, ganoon lang ba iyon masyadong pa importante?” Tumawa si Ate Jo. “Baka nakalimutan lang or natabunan ang email mo. Sa dami ng email araw-araw possible na ganoon. Kasi sa pagkakaalam ko magkaibigan iyan si Sir Manuel at Sir Noah,” sabi pa ni Ate Jo. “Kaya po pala. Sige Ate, punta muna

