Analyn “Sorry Akhiko, ha? Napasubo ka tuloy dahil sa kalokohan ni Mutya,” hingi ko ng paumanhin sa kaibigan ko dahil sa nangyari kanina. Naglalakad na kami pabalik ng bahay. Amoy hospital pa nga ako hindi pa nakabihis sa biglaan pagdating kanina ni Teng. “Siya ba ang Tatay ni Alex?” tanong ni Aki tinitigan ako. I sighed deeply. “Yeah. Siya nga Aki, at nagtataka ako kung bakit bigla-bigla lang ako ginugulo,” “Tingin ko interesado pa sa iyo ang ex-boyfriend mo. Lalaki rin ako, Analyn. I saw in your ex-boyfriend's eyes that he was jealous when I arrived,” “Namalikmata ka lang Aki. Malabo iyang sinasabi mo. Maari pa kung galit mas maniniwala pa ako.” “Believe me. Sigurado ako sa aking nakita. Pupusta ako ng isang milyon, kung hindi iyon interesado sa ‘yo. Kaya iyon pumunta rito sa luga

