Teng pov “Analyn?” Si Analyn nga. Kahit malayo pa siya akin. Kaya ko siyang kilalanin. Kahit pa isama siya sa battalion na mga tao. Kaya ko siyang makita. Kaya ko siyang mahanap. Sumikip ang dibdib ko. Umahon ang galit sa loob nito. Humigpit ang hawak ko sa manibela na tila ba roon ko iyon ibinuhos ang galit sa ex-girlfriend ko. Tang-na! Naka move-on na ako. Alam ko, nakalimutan ko na siya at galit na lamang ang natitira sa dibdib ko kaya dumilim ang mukha ko sa muling pagkakita sa kaniya. Mapait akong napangiti. Ex na lang, Teng Oo, ex-girlfriend na lang. Ikakasal na ako. Hindi na dapat nagpakita ang dati kong kasintahan dahil nanumbalik muli ang galit ko sa kanya dahil mas pinili niya ang Nanay niya. Of course Nanay niya iyon. Kahit nga naman sinong anak. Kahit ako gagawin ko rin

