CHAPTER 2: DUPLICATE

1606 Words
Daph’s POV Nang makaalis sila ay napahawak ako sa labi ko. Bakit niya ako hinalikan? Gezz! Totoo ba 'to. Oh My God! Impit naman akong napatili. s**t! 'Di ako makapaniwala na hinalikan ako ni Jazz. Ang sarap! Kung 'di lang dumating ang letching babaing 'yon! Baka--Oh my...ano ba 'tong naiisip ko. Maghunos-dili ka nga Daph. Kapag si Jazz na...todo bigay ka! E-reserba mo 'yang...k*pay mo. Nyemass ka! But wait! Sino ba ang babaing 'yon? Bakit gano'n nito tratuhin si Jazz sa harap namin ni Tita kanina? Ang sabi naman niya ay school mate daw nito si Jazz, noong nag-aaral pa sila. Pero kung maka-dikit ay daig pa ang inagawan ng lalaki! Naiirita ako sa pagmumukha niya! Kung 'di lang ito niyaya ni Tita kanina sa garden ay parang linta pa rin ito kung maka-dikit kay Jazz ko. OMG! Did I say, Jazz ko? Wahhh..... Kaya nga ba niya ako hinalikan? Gosh! Kinikilig ako. Sana may level up mamaya. Diyos ko! na babaliw na talaga ako. Nang matapos na ako sa paghuhugas ay na natili pa ako ng ilang oras sa bahay nila Jazz. Hinihintay ko kasi ang baby ko. Dahil ang sabi niya sa'kin ay sabay kaming uuwi. maka-uwi girl! Ano nagbahay-bahayan lang? Kontra naman ng kabilang utak ko. Tsk! Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Naalala ko nga pala na pupunta ako sa bahay nila Shy, bukas. Kaso ang sabi ni Jazz ay magde-date daw kami. Ang ganda ko talaga! At syempre dahil first time niya akong niyaya na mag-date ay 'di ko ito tatangihan. Tatawagan ko na lang si Shy, mamaya. Alam ko namang maiintindihan ako ng isang 'yon... Hindi naman kasi ito p'weding lumabas kung 'di nito kasama ang asawa. Kakapanganak pa lang kasi niya kaya todo alaga si Zeffrey sa kaniya. Napaka-swerte talaga ng kaibigan ko. Bukod na gwapo ang asawa nito ay maalaga pa sa pamilya. Laging hands on ito sa mga anak nito kay Shy. What if, Kung 'di nagkakilala si Zeffrey at Shy, sila kaya ngayon ni Jazz? Napahugot ako ng malalim na hininga at tsaka ipinilig ang ulo ko. Hayst...bakit ko ba naiisip 'yon! Halos kalahating oras na akong, naghihintay rito ay wala pa rin si Jazz. Mauuna na lang siguro akong, umuwi. Inaantok na kasi ako at kailangan ko nang magpahinga. Nagpa-alam muna ako kila Tita. Ang sabi niya ay hintayin ko na daw si Jazz. Hindi naman sa ayaw ko, inaantok na talaga ako. At isa pupunta rin naman daw siya sa bahay at do'n matutulog. 'Di na rin ako pinigilan pa ni Tita. Alam kong nag-aalala siya sa'kin dahil gabi na. Pero talagang gusto ko nang umuwi, dahil aayusin ko pa ang isang kwarto do'n sa bahay para kay Jazz mamaya. Nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan ay agad na akong nagmaneho. Nasa highway na ako at 'di naman gaanong ma traffic. Gabi na rin kasi at kunti na lang ang mga sasakyan. Himala nga eh, dahil weekends naman bukas, Pero wala na masyadong tao ng ganitong oras Naalala ko pa noong una kong pagkakita kay Jazz. Nagtatrabaho na siya noon at ako naman ay nag-aaral pa ako sa kolehiyo. Lagi niyang sinusundo si Shy at Serrah sa university at nakikisabay na rin ako sa kanila. Dahil may sasakyan itong dala. May sasakyan naman ako, pero madalas ko lang ginagamit dahil mas gusto kong maglakad. Malapit lang naman kasi ang tinutuluyan ko sa school namin. At madalas lang akong umuuwi sa secret house ko. Minsan ko nang naisama sina Serrah at Shy doon sa secret house ko, kung magkikita kaming tatlo. Alam kong matalik na talagang magkaibigan ang dalawa simula't mga bata pa sila. At huli lang ako dahil no'ng college lang kami nagkakilala. Kaklase ko si Shy, no'ng college at si Serrah naman ay iba ang kursong kinuha. Hindi ito kumuha ng flight attendant katulad namin ni Shy, dahil mas gusto nitong maging sikat na model. Pero 'di pumayag ang kuya niya kaya't nag-take na lang ito nang business administration. Doon ko nakilala si Jazz, dahil kapatid ito ni Serrah. At palagi niya itong sinusundo kasama si Shy... Sa un akala ko magkaibigan lang si Jazz at Shy. Pero no'ng sinabi ni Serrah sa'kin na matagal ng may gusto ang kuya niya sa kaibigan namin ay nalungkot ako. Unang tingin ko pa lang kay Jazz ay iba na ang nararamdaman ko. Lagi akong kinakabahan tuwing nakikita ko siya. Alam kong hindi pangkaraniwang kaba iyon. Kundi ay gusto ko siya. At alam ko 'yon dahil 'di ko naman mararamdaman ito kung wala akong gusto sa tao. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito at agad na sinagot nang hindi tinitignan ang caller... “Hello!” when I answered the call. “Where are you?” it immediately asked in a baritoned voice. Napabuntong hininga muna ako bago sumagot, “Driving. Why?” Natahimik naman siya, kaya't tumikhim ako. “Bakit, umalis ka agad? Diba sabi ko sa'yo, hintayin mo ako.” Naiinis nitong sabi. Napataas naman ang kilay ko. Ang tagal-tagal niyang bumalik tapos siya pa magagalit. Kalbohin kita eh! “Ilang oras na akong, nahintay sa'yo. Pero wala ka pa rin. Malay ko bang may ginagawa pa kayo, bago ka niya bitawan!” Singhal ko sa kaniya. Naiinis ako tuwing may kasama siyang iba. Tsk! Sarap nila pagsisipain...kagigil. Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya... “Nagseselos ka na naman ba?” nang aasar pa! “At ano naman ang gagawin namin?” dugtong niya. Napairap naman ako, “Aba't malay ko sainyo!” alam kong 'di ko man siya nakikita ay napapangisi ito. Nagkibit-balikat naman ako. Sanay na ako sa kaniya. At 'di na magbabago 'yon tuwing inaasar niya ako lagi. Alam kong dinadaan niya lang lahat sa biro para makalimutan niya ang babaing mahal niya. Bigla na namang kumirot ang puso ko nang maalala ko siyang naglalasing at umiiyak. Palagi siyang nagpapakalasing sa bar at ako ang taga-alalay sa kaniya. Simula kasing nag-asawa si Shy ay nakita ko, kung pa'no nagpakalunod si Jazz sa alak. At simula no'm ay kung sino-sino na ang kinakama nito. Alam kong wala akong karapatan na masaktan pero 'di ko kaya na makita ko siya na kahit sino sinong babae ang kasama. Minsan iniiyak ko na lang ang sakit na nararamdaman ko. Na niniwala ako na mapapansin niya rin ako balang araw at ito na 'yon. Hinding-hindi ko siya susukoan at papatunayan ko sa kaniya na ako lang ang karapat-dapat niyang mahalin. “Hello! Nakikinig ka ba?” halos mabingi ako sa sigaw niya. Naalala ko na kausap ko pa pala siya sa kabilang linya... “H-huh?” tumikhim muna ako, “...ano nga 'yon?” tanong ko. Napamura naman siya. “Tsk! Kanina pa ako, nagsasalita rito. Pero 'di ka naman pala nakikinig,” naiiritang niyang sagot sa 'kin. “S-sorry.” Kagat labi kong paumanhin. “Ang sabi ko, dederitso na ako sa bahay mo. Hintayin mo 'ko. Huwag ka munang matulog.” Napalunok ako at napapatango kahit 'di naman niya nakikita. “O-okay.” Sagot ko. Pagkasabi ko no’n ay agad niya ng pinatay ang tawag. Tsk! Suplado. Kung 'di ka lang guwapo nako...makakatikim ka talaga sa'kin. Pasalamat ka mahal kitang dumuho ka. Nang makarating sa bahay ay pumasok agad ako, para buksan ang ilaw. Pagkatapos ko itong buksan ay pumunta agad ako sa kusina para uminom ng tubig. Bigla kasi akong nauhaw habang nasa byahe ako kanina. Agad na akong pumasok sa kwarto at nagtuloy sa banyo. Maglilinis na ako ng katawan para pagdating ni Jazz ay maasikaso ko agad ito. Pagkatapos ko na lang maligo ako maglilinis sa kabilang kwarto. Aayusin ko lanng naman 'yon kasi naglinis naman ako ng buong bahay kanina bago ako pumunta kanila Tita. Kahapon pa lang ako dumating. Nagtatrabaho ako bilang isang flight attendant na pagmamay-ari ng Schnieder Airlines. Sikat na airline ito sa buong Asya at Europa. Ang pinsan ni Zeffrey na asawa ng kaibigan kong si Shy ang nagpapalakad nitong negosyo. Kilala ang mga Schnieder sa buong mundo bilang isang bilyonaryong negosyante. Marami ding mga babae ang humahaling sa magpipinsan. Pero no'ng malaman nilang may mga asawa na ito ay tila gumuho ang mundo ng mga kababaihan. Pero si kuya Zander ay patuloy pa rin sa pangbabae kahit may asawa na ito. Isang doctor ang asawa nito. Tahimik lang ang asawa nito at sobrang ganda. Ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit naghahanap pa si Kuya Zander ng iba kung nandiyan naman ang asawa niya. Para itong angel kung titingnan. Tipid kung ngumiti pero 'di nababawasan ang kagandahan. Tahimik lang na pinagmamasdan nito si Kuya sa malayo kahit nakikita niyang may kasama itong babae. Imbes na bawiin ang asawa niya ay hinahayaan lang nito sa ginagawa. Alam kong nasasaktan din siya na makita ang asawa niya na may kasamang iba. Pero 'di siya gumagawa ng kahit na anong iskandalo para ipahiya ang asawa niya sa kakilala nito. At naiintindihan ko siya. Dahil isang kasunduan lang ang kasal nila ni Kuya Zan... Haysstt...bakit hindi kami maintindihan ng mga lalaki? Habang nagpapa-lamig ako sa ilalim nang shower ay may narinig akong kaluskos sa labas. Kaya agad ko itong pinatay at kinuha ang tuwalya upang ibalot sa aking katawan. Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako nang makita ko si Jazz na prenting nakaupo sa kama. Bigla akong kinabahan ng pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagulat man ay mahigpit kong hinahawakan ang pagkakatali ng tuwalya sa katawan ko. Anak ng tokwa! Paano nakapasok ang lalaking ‘to? Wala akong duplicate ng susi sa bahay, paano siya nakapasok? Saan siya dumaan?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD