CHAPTER 1: POSSESSIVE KISS

2624 Words
Jazz Allen’s POV Pagkatapos kong mag-almusal ay naglinis muna ako ng condo para pag-uwi ko matutulog na lang ako at doon na rin ako kakain ng haponan sa mansyon o baka do’n na rin ako matulog. Tsk! Bahala na. Nang matapos na ako’t lahat-lahat ay pumasok agad ako sa kwarto at nagbihis ng damit pang-alis. Tumawag muna ako sa bahay kanina at si Nana Dina ang sumagot ng tawag ko, umalis daw si Mama kasama si Papa. Saan na naman kaya sila nagpunta? pinagkibit-balikat ko na lamang. Nang makalabas ako ng unit ko ay bigla akong may narinig na tumatawag sa 'kin. Nilingon ko naman ito at nakita ko ang isang magandang babaeng papalapit sa kinakatayoan ko. “Hi!” bati nito sa 'kin. Napakunot naman ang noo ko, dahil parang familiar siya sa 'kin. “Oh, I think you forget me?” she guessed what I was thinking. So I nodded. “Yeah, I’m sorry,” sang-ayon ko naman. “I see. By the way, I’m Sandra Murphy.” Pagpapakilala niya. Sandra Murphy? Parang narinig ko na ang pangalan na 'yan...kaso hindi ko lang matandaan kung saan at kailan. “Sandra Murphy?” pag-uulit ko sa pangalan niya. “Yeah, I am your colleague back then. Have you been forgotten?” sandali naman akong nag-isip at inaalala ang lahat. Nang mag-sink in sa akin. Kung saan kami nagkakilala ay naalala ko ang lahat. Napatitig naman ako sa kaniya dahil ibang-iba na siya ngayon. Halos hindi ko na siya matandaan dahil nag-iba na ang kaniyang hitsura. Napabalik ako sa ulirat nang tumikhim siya...kaya naman napatingin ako sa kaniya at nagtama ang aming mga mata. “Oh…yeah, I’m sorry, nakalimutan ko. So it's you? How are you?” sunod-sunod ko namang tanong sa kaniya. Damn this woman. She's enticing me, when she laugh sexily. “I’m good. How about you?” masigla niya namang sagot. “I am fine too. Thank you. Where are you going now?” I asked her while scanning her again. “I was live here. We're neighbors actually, kakarating ko lang galing London. Doon kasi ako nagtrabaho...simula no'ng pagka-graduate ko.” She stated. Tumango-tango naman ako. Dahil hindi ko rin naman alam kung saan siya pumunta pagkatapos niyang grumaduate. Dahil ahead ako sa kaniya ng dalawang taon. At mas nauna akong grumaduate sa kaniya. “Ohh...I see. Nagbakasiyon ka lang ba rito? Sinong kasama mo, umuwi rito?” I know they have a businesses here in the Philippines. At 'di na bago sa 'kin na makita ko siyang pabalik-balik ng bansa. She's the daughter of a well-known family. Pero 'di alam kung sino ang ang nagpapalakad ng negosyo nila rito. Dahil sa pagkakaalam ko...ang mag-asawang Murphy ay kasalukuyang na ninirahan ngayon sa ibang bansa. And one more thing I remember her. She is the girl who confess her feelings to me back then. But I refuse her. Dahil sa isang babae lang ang pino-fucosan ko noon. Na halos hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makausad para makalimutan ang babaeng 'yon... Masaya na ako na...nakikita ko siyang masaya sa kaniyang buhay pamilya at ayaw ko nang makigulo pa sa kanila. “Yes! Pero ako lang mag-isa ang umuwi rito, dahil nasa US ang parents ko. While my brother are in Europe.” Tumango naman ako bilang sang-ayon sa sinabi niya. Hindi na rin ako nagsalita pa at tahimik na lang akong tumingin sa kaniya. 'Di lang kasi ako makapaniwala na ibang Sandra ang kaharap ko ngayon. Sobrang laki ng ipinagbago niya. At halos lahat ng katangian sa isang babae ay nasa kaniya niya. 'Di ko lang mapigilan na pasadahan siya ulit...dahil na mamangha akong tumitig sa kaniya. Napaka-sexy niya sa suot niyang body-con fitted dress na hanggang legs niya lang ang haba. Maputi siya kaya't mas lalong tumingkad ang mapuputing balat niya dahil sa kulay mint green ng damit na suot niya. “Hey! Jazz, are you okay?” winagayway niya ang kaniyang kaliwang sa mukha. Dahilan para bumalik ako sa tamang pag-iisip. “Ohh..yeah, of course. I'm sorry. What did you say again?” nailing naman ito sa tanong ko sa kaniya. Maya't-maya pa ay bumuntong hininga ito at mariin na tumitig sa akin. Ako naman ay sinalubong ang kaniyang mapang-akit na mata. Sa huli ay siya rin ang umiwas sa aming dalawa. Kaya napangisi ako ng makita kong bigla siyang namula. “Ahmm...wala naman. M-mukhang malalim kasi ang iniisip mo.” “Ahh..is that it? Nothing. I just remembered something,” I said to her with a mischievous smile on my lips. Napakagat labi naman ito at nahihiyang tumingin sa 'kin. “A-ah...anong, n-naalala mo?” “Why do want to know?” pilyo kong tanong sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita at tumango na lamang. Naging malikot na rin ang mata nito sa paglilibot sa paligid. Kaya 'di ko mapigilan na matawa sa mga reaksiyon niya. Mas lalo namang namula ang mukha nito at hinimpas pa niya ako sa braso. “Ouch! And what's that for?” pagkukunwari kong nasasaktan sa hampas niya na hindi maalis ang pag-angat ng kanang sulok ko sa labi. “By the way, Where is your unit here?” Sinabi niya kasi na magkapit bahay kami. Of course we are not the only ones living here. Many others who live in this building. And I don't know where her unit is, which is said to be our neighbors. Itinuro niya ang isang pinto sa likuran ko at napalingon naman ako do'n. Our unit was just next to each other so, I just nodded and looked back at her again. Nahuli ko naman itong nakatitig sa 'kin at umiwas ng tingin. Kaya na pailing na lamang ako at sinabing “Great.” Binalik naman ang tingin nito sa 'kin at nakita ko ang pagkislap ng mga mata nito simula pa kanina. “So, where are you going?” tanong ko sa kaniya dahil kanina pa kami...nag-uusap na dalawa. Uuwi pa ako sa mansion at sigurado akong nando'n na sila Mama at Papa. Baka sinabi na rin ni Nana Dina kay Mama na uuwi ako roon. Wala naman akong gagawin kaya uuwi ako sa mansion para makasama ang dalawang mahal ko sa buhay. Malaki ang tutol ko sa pagmo-modelo ng kapatid kong si Serrah. Pero dahil 'yon ang pangarap niya sinuportahan ko na lamang siya bilang nakakatandang kapatid niya. Ayaw ko namang manghimasok sa pangarap niya...dahil 'yon ang gusto niya. Ayaw ko lang makita na sinasaktan siya ng ibang tao, dahil ibang usapan na 'yon. Mahal na mahal ko ang kapatid ko at ayaw kong maranasan niya ang naranasaan ko noon. “Mag-iikot sana. Ikaw?” napabaling ako ng tingin kay Sandra ng magsalita ito. Nakalimutan kong may kausap pa pala ako... “Uuwi ako sa bahay. Sa parents ko, if you don't mind you can come with me,” pag-aya ko sa kaniya. Siguro wala naman siyang gagawin. Kaya p'wedi ko siyang isama sa bahay para makapasyal na rin. Nakita ko naman ang malawak na ngiti niya at ningning ng mga matang natunghay sa 'kin. “A-are you sure?” paninigurado niya. Tumango naman ako, “Yes. So tara na...” nauna na akong maglakad at sumunod naman siya sa'kin. Ang sabi niya ay siya lang daw ang umuwi rito. Kaya't 'di naman niya siguro mamasamain ang pag-iimbeta ko sa kan'ya sa bahay. Umuuwi lang daw silang magkapatid sa US tuwing magbabakasyon sila. Dahil busy daw sa pagpapatakbo ng negosyo ang Kuya niya at siya naman ay busy rin sa kaniyang trabaho sa London. “Okay, lang ba sa parents mo na sinama mo ako?” Sandra asked as we rode the elevator down the building. “Oo naman. Bakit naman...hindi. Huwag kang mag-alala 'di naman sila nangangain eh, ako lang ang nangangain. Kaya sa'kin ka mag-alala,” sagot ko sabay kindat sa kaniya. Tumawa naman siya at hinampas ako sa balikat. Lulan na kami ngayon sa sasakyan habang tinatahak namin ang daan patungong sa bahay. Mabuti na lang at hindi traffic kaya agad rin kaming nakarating sa mansion. Binuksan ng guard ang gate ng bahay para makapasok kami. Pero bago pa ako makapasok sa loob ng gate ay may nakita akong isang kotse na nakaparada sa labas ng mansion. May inimbeta ba silang bisita? Nang maka-park na ako ng sasakyan ay agad na akong bumaba. Gano'n rin si Sandra at sabay na kaming pumasok sa loob. Sinalubong naman kami ng nakangiti na si Danara ang anak ni Nana Dina na katiwala namin rito sa bahay. “Hi! kuya Jazz!” masiglang bati sa'kin ni Danara. Ginulo ko ang buhok nito. Napasimangot naman siya sa'kin kaya natawa ako. Kuya ang tawag niya sa'kin at hindi "Sir" dahil ayaw ko. Parang bunsong kapatid na namin siya ni Serrah at napaka-bibo niyang bata. Ako rin ang nagpapaaral sa kaniya dahil wala naman akong kapatid na nag-aaral pa. Si Serrah naman ay tapos ng mag-aral. Kaya nga wala siya dito ngayon dahil nasa ibang bansa ang trabaho niya. Lagi naman akong tumatawag sa kaniya at kinakamusta siya. Sinabihan ko nga na umuwi na siya at dito na lang magtrabaho. Dahil ayaw kong napapalayo siya saamin nila Mama at Papa. Babae pa rin siya kahit papaano at ayaw namin na may masamang mangyari sa kaniya. “Andiyan na ba sila Mama?” “Opo kuya! kanina pa. Kanina pa nga po kayo hinihintay no'n at nandito rin po si Ate Daphne. Halos magkasabay lang po kayo ng dating,” Danara cheerfully stated. Ako naman ay 'di na makakibo dahil sa narinig ko. Nandito si Daph. Bakit 'di man lang niya ako tinawagan na uuwi na pala siya. Kailan pa? “Oh...'yan na pala siya!” Napalingon naman ako sa unahan kong saan kakalabas lang ni Daphne sa kusina. Ngumiti ito sa'kin ng makita ako. Pero unti-unti nawala ang ngiti nito ng bumaling naman ang tingin nito sa katabi ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Sandra sa braso ko. Kaya napatingin ako dito at gano'n rin si Daph... “Oh! Iho, kanina kapa ba?” nakuha ni Mama ang atensiyon ko nang bigla itong nagsalita. 'Di ko naramdaman na nakalapit na pala si Mama sa'min. “Kakarating lang po namin Ma.” tugon ko naman rito. Kita ko ang pag-iling ni Daph, bago pumasok ng kusina. Susundan ko sana siya nang mahigpit na hinawakan ni Sandra ang braso ko. Kaya sa huli ay na...natili na lamang ako sa tabi niya kaharap si Mama. “May kasama ka pala anak. Bakit 'di mo naman sinabi? Pasinsya kana iha, walang may nabanggit kasi itong si Jazz sa'kin na may kasama pala siya,” nakangiting pahayag ni Mama. “It's okay po, Tita. By the way, I'm Sandra Murphy po, ma'am. Nice to meet you po.” Nakangiti ring pagpapakilala ni Sandra kay Mama. “Actually, we're neighbors at ngayon lang po kami nagkita ulit. Niyaya po niya ako na pumunta rito, kaya 'di po ako nagdadalawang isip na sumama sa kaniya. Gusto ko rin po kayong makilala.” She added. “Ohh...nice to meet you too, Iha,” nakangiting aniya ni Mama “Hali na kayo at kakain na tayo, I know na gutom na rin kayo. Lets go!” Sumunod naman kami kay Mama na nauna ng maglakad patungo dine area. Ipinaghila ko ng upoan si Sandra at sakto namang lumbas si Daphne mula sa kusina na may dalang lutong ulam. Napahinto ito at napatingin sa'min sandali. Bago naglakad patungo sa mesa at nilapag ang ulam nitong dala. Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng mga pinggan. Tinaasan niya naman ako ng kilay. Kaya napakunot ang noo ko, dahil sa inasal niya. Anong problema nito. Bakit ang sungit naman niya... “Daphne, anak! Dito ka maupo sa tabi ko,” sabay kaming napabaling ng tingin kay Mama ng magsalita ito. Sandali pa akong, sinulyapan ni Daph bago tumango kay Mama. Kaya napabuntong hiningga naman ako. Kapag nandito kasi kami sa bahay ay magkatabi kami ng upoan sa hapag. Parang anak na kasi ni Mama at Papa si Shy at Daph. Matalik na kaibigan kasi ni Serrah ang mga ito. Kaya 'di na sila iba sa'min. Si Shy ay matalik na kaibigan at kababata ng kapatid ko. Hanggang sa nakilala nila si Daph na naging kaklase ni Shy sa kolehiyo noon. At sabay rin ang mga ito nag-sipag trabaho sa ibang bansa. Hanggang sa nakapag-asawa ang babaeng pinakamamahal ko. Habang kumakain ay tahimik lang kami lang kaming lahat. Walang may nag-tangka na bumasag sa pananahimik naming lahat. Alam kong nakikiramdam lang si Mama sa amin. Si Daph naman ay pasulyap-sulyap lang sa'min ni Sandra dahil sa pag-aasikaso nito sa'kin. Na dati siya ang gumagawa. Tumikhim ako at... “Ma, saan nga pala si Papa?” “Oo nga po, Tita. Saan po si Tito?” segunda naman ni Daph. “Sinundo ng kumpare niya kanina. Ewan ko kung saan sila nagpunta. Baka mamaya pa ang uwi no'n,” tugon naman ni Mama. Tahimik ulit kaming kumain hanggang sa natapos. Si Mama ay niyaya si Sandra sa garden. Ako naman ay tinulungan si Daph na magligpit ng kinainan namin.. ********* “Kailan ka pa dumating?” tanong ko kay Daphne na tahimik lang na naghuhugas ng pinggan. “Kahapon lang,” sagot niya nang hindi man lang ako sinulyapan. My forehead frowned. What's wrong with this woman? “Bakit 'di kaman lang tumawag? Para naman nasundo kita...” Lumingon siya sa'kin at bahagyang nakataas ang kilay. Maya't-maya pa ay umirap ito sa'kin. Damn this woman... Ano ba ang problema ng babaeng to? May mali ba sa sinabi ko? Ako na nga itong nagmamagandang loob tapos tatarayan pa ako! “I wan’t to surprise you! Pero ako pa yata ang na surprise mo,” tugon niya sa nagtatampong boses. Napangiti naman ako, dahil mukhang nagseselos ang isang 'to. “Tss. Bakit nagseselos ka?” pang-asar ko sa kaniya. Kilala ko siya kapag...nagtatampo o nagtataray. Sumimangot naman siya at sinamaan ako ng tingin. Kaya 'di ko mapigilan na kurutin ang pisngi niya. Cute. “Tsk! Nga pala pupunta ako bukas sa bahay nila Shy, sasama ka ba?” pag-iiba niya ng usapan. “Bakit kailangan mo ng bodyguard? Kaya mo naman sigurong bayaran ang T.F ko,” makahulugang sagot ko sa kaniya. Natigilan naman siya at umiwas ng tingin. Nagpatuloy siya sa paghuhugas ng 'di ako sinagot. Napahalakhak ako dahil mukhang apektado ang isang 'to. Her whole face blushed as she glared at me. “Mag-date na lang kaya tayo, bukas? Sa susunod na lang tayo pupunta sa bahay nila Shy, okay ba sa'yo?” nakatitig naman siya sa'kin at napapalunok pa. I couldn't help but look at her red lips. It was as if my sanity was being pulled to grab her with a kiss. Sh*t! “A-ah...ano k-kasi...hmm..” napangiti naman ako dahil mukhang 'di niya malaman kong ano ang sasabihin, “...t-tumawag kasi ako kay Shy, kanina. Sabi ko na bukas na lang ako pupunta dahil g-gusto kitang i-s-surprisa.” Napalawak naman ang ngiti ko, dahilan para hilahin siya at halikan ng mapusok sa kaniyang mapupulang labi. She was stunned and stiffened in her stance. I, on the other hand, stressed myself even more to kiss her possessive. Sa gano'ng posisyon kami ng may narinig kaming, boses sa aming likuran.. “J-jazz...” Napalingon kami at nabungaran namin si Sandra na nakatayo sa aming likuran. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa aming dalawa ni Daphne. Napatikhim ako at umayos ng tayo... Muli kong binalik ang tingin ko kay Daph at may binulong na... “Sabay na tayo, umuwi. Doon ako matutulog sa bahay mo,” kagat labi itong tumango sa'kin. I kissed her on the forehead first. Before I turned my back on her and walked out of the kitchen with Sandra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD