bc

The Lady Assassin

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.8K
READ
murder
dark
kidnap
dominant
kickass heroine
powerful
confident
bxg
enimies to lovers
punishment
like
intro-logo
Blurb

The Lady Assasin

Blessed are those who have money and power, for them the world has something good to offer.

Pity are those who have nothing on their sleeve, justice for them was not even served.

The favor comes to a rich man. And tears flows from the weak man until it runs dry.

For Jamie Villaruiz, she cannot allow anyone to live freely knowing they've wronged someone. She was existing to punish those monsters. She, herself trained to assasinate everyone who killed for their own lust and interest. She showed no mercy for perpetrators. An eye for an eye. A tooth for a tooth.

Then, she met Clark Gibson. A wealthy businessman who was tagged as a murderer. In her pursuit of getting the justice, she will get to know the man. And later on, she found herself asking if she got it right, this time.

chap-preview
Free preview
Episode 1
06:00PM Tanay, Rizal Kanina pa banas na banas si Jamie habang tahimik na nakaupo sa kanyang sasakyan. Ilang oras na lang kasi ay mali-late na siya sa usapan nila nang ka-fling niyang si Timothy Chen; isang anak ng mayamang tsino na nagmamay-ari ng malaking factory ng mga tela sa Baguio. Sa tagal niyang nagpa-cute dito ay halos sumuko na siya ngunit buti na lang at nagbago ang isip nang huli dahil sa wakas ay pumayag na itong puntahan niya sa rest house nito sa Tanay Rizal kung saan naglalagi ang binata. Ngunit sa kasamaang palad ay nabutasan siya ng gulong habang nasa daan at kung kailan aayusin na niya ito ay saka naman umulan ng malakas. Wala rin siyang maaninag na mga bahay at tiyak niyang malayo pa ang vulcanizing shop mula sa kinaroroonan niya. "Damn it! Bakit ngayon pa kasi umulan ng malakas at higit sa lahat na flat pa ang gulong!" Banas na wika niya sabay hampas sa kanyang manibela habang nakasimangot. She's about to lose her temper and burst with anger when suddenly someone knocked at her windshield and screaming for help. "Ate!!! Tulungan mo ako, ilayo mo ako dito please! Masama siyang tao, tulungan mo ako. Papatayin niya ako!" Malakas na sigaw ng dalagita habang malakas itong kumakatok sa bintana ng kotse niya. "Ineng, huwag mong dagdagan ang ka-bwisitan ko ha, umalis ka diyan!" Pa-angil niyang wika rito kasabay ng pagtataboy sa dalagita. "Ate, parang awa mo na. PAPATAYIN NI'YA AKO!! Tulungan mo ako,please!!!" Takot na takot nitong pagmamakaawa sa kanya habang pilit na binubuksan ang pintuan ng kotse niya. "Oh, Dear Lord, bakit sa lahat ng oras na mamalasin ako bakit ngayon pa!" Iritang wika niya habang bina-balewala ang dalagita na nagpupumilit pa rin pumasok sa kotse niya. Malay niya ba kung nagsisinungaling lang ito at pag pinagbuksan niya ay pagnanakawan lang pala siya. Sa panahon ngayon na madami na ang masasamang loob ay mahirap nang magtiwala. Dahil kadalasan kung sino pa ang mukhang kawawa sila pala talaga ang masama. Isa pa, pino-problema niya pa kung papaano makakarating sa resthouse ng mabilis. Mas mina-buti niya na lang na hawakan ang phone niya para tawagan si Timothy nang bigla niyang marinig ang malakas na sigaw ng dalagita. "Ate!" Malakas na tili muli ng dalagita kaya napatingin siya rito at kitang-kita niya kung pano ito kaladkarin ng malaking mama. Agad niyang ibinaba ang windshield ng kotse niya para kausapin ang lalaki ngunit mabalasik itong humarap sa kanya at sumigaw. "Hey, what are you doing to that poor thing?" "Hoy, huwag kang mangingi-alam dito kung ayaw mong samain! Buwisit na pakialamera 'to!" Malakas na wika nito habang pilit pa ring kinakaladkad ang dalagita kahit pilit itong kumakawala. "Ate, parang-awa mo na, tulungan mo ako!" Nagmamakaawang sabi nito habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng lalaki. "At ikaw naman Nene umayos ka! Nasaan na 'yong na-delhensiya mo kanina! Ibigay mo sa'kin kung ayaw mong gawin kong impyerno ang gabing ito para sa'yo, bwisit kang bata ka! Kakatayin talaga kita pag 'di mo ibinigay ang gusto ko!" Malakas na wika ng lalaki sabay hablot sa hawak na pitaka ng dalagita. "Kuya Maeng, maawa ka naman. Pambili ko 'yan nang gamot ko." Pagmamakaawa ng dalagita sa lalaki ngunit nagmistulang bingi ito sa pakiusap ni Nene. "Tatamaan ka talaga sa'kin, walanghiya ka! NASAAN NA! O baka gusto mong masira pati katawan mo! Mamili ka!" Malakas na sigaw ng malaking mama kasabay na malakas na pagtulak nito sa dalagita kaya bigla itong nasubsob at nabagok ang ulo sa nakausling bato. Lahat ng pangyayari ay nasaksihan ng dalaga. Kaya naman ang kanina'y nag-aalburuto niyang kalooban, ngayon ay sasabog na. "Ayaw mo magbigay ng pera ha! P'wes, magsisisi ka!" Ani ng lalaki kasabay ng marahas na pagpunit sa manipis na tshirt ng dalagita na butas butas pa dahil sa kalumaan. "W-wag Kuya, maawa ka!" Hintakot na wika ng dalagita habang unti unting umuusog papalayo sa lalaki. "Tamang-tama makakafirst-blood 'ata ako ngayong gabi, hehehe!" Malakas na wika ng manyakis habang tinatanggal ang mumurahin nitong sinturon. "C'mon Jamie, ignore it, sayang ang pustora mo kung lalabas ka ng kotse at magpapakabayani. Remember naka-gown ka at makikita mo na si Papa Timothy!" Aniya ng dalaga habang pilit na pinapakalma ang naghihimagsik na kalooban. "Ate!!! Tulungan mo ako!" Muling sigaw ng dalagita nang bigla itong daluhungin ng lalaki at marahas na tanggalin ang short na de-garter lang. "Ate!" Humahagulhol na pagmamakaawa nang dalagita habang nakatitig sa kotse niya. Sa puntong iyon, ay namayani ang awa at galit ng dalaga. Kusa nang kumilos ang kanyang katawan para sagipin ang dalagita. "Damn you, male chauvinist pig! You're gonna pay for this!" Marahas na wika ng dalaga bago bumaba sa kotse at tinahak ang landas patungo sa lalaki na walang kamalay-malay at abala sa paghalik sa katawan ng dalagita na umiiyak. "Ano 'yang ginagawa mo?!"Malakas na wika niya sabay tapik sa balikat nito. "Nak ng-" malakas na sigaw nito sabay baling sa kanya ngunit mas mabilis pa sa alas-kuwatro na sinuntok niya sa panga kaya bigla itong naliyo. "Iyan lang ang kaya mo kasi mahina?! Ako harapin mong letse ka! Panira ka ng gabi!" Iritableng sabi niya sabay sipa sa mukha nito kahit naka high-heels pa siya. Sumadsad ito sa semento ng walang kalaban- laban. "Tumayo ka riyan." Baling niya sa dalagita na natulala pa sa ginawa niya. "Pumasok ka sa kotse ko." Muli niyang utos dito bago niya muling tinadyakan ang lalaki at tuluyan itong mawalan ng malay-tao. "Dahil sa'yo nagmukha akong basang sisiw!" Naasar na wika niya bago hinawakan si Nene na nakatulala lang sa kanila. Sabay na silang pumasok sa kotse na basang-basa sa ulan. Agad niyang inalalayan ang dalagita papasok sa kotse. Pagkatapos ay kinuha niya ang toolbox para ayusin ang butas na gulong. Kailangan na niyang magmadali at maybmisyon pa siyang kailangang gawin. "I-suot mo 'yan. Baka ginawin ka, ayusin ko lang 'tong gulong ng kotse ko para makaalis na tayo bago magising 'yang sira-ulo mong Kuya." Aniya sa dalagita bago ito iniwan sa loob ng kotse. Iyon ang isa sa mga talent ng dalaga, bukod sa pagiging mayaman niya ay kaya niya ring mag-ayos ng sarili niyang sasakyan lalo na kapag nasisiraan siya. Natutunan niyang maging independent lalo na at palaging wala sa bansa ang mga magulang na ginawa nang libangan ang pamamasyal. Ilang minuto din siyang naging abala sa pagkukumpuni nang nasirang gulong at ng matapos siya ay agad din siyang sumakay sa kotse at pina-andar ito. "Ate, may tuma-tawag po sa'yo kanina pa." Magalang na wika ng dalagita. "Ha?! Holy Mama! Si Timothy na siguro 'yon!" Aniya habang kinukuha ang cellphone para tingnan at hindi nga siya nagkamali. Naka-limang missed-call ang binata kaya naman agad niya itong tinawagan para magsorry. She cannot lose that guy. "Hello, Timothy baby?" Malambing niyang bungad nang sagutin ang tawag niya. "Where the hell are you?! I've been calling you for five times already. Are you out of your mind?! Are you trying to lose my patience?!" "I'm sorry baby. I got flat tire and I have no choice but to fix it myself. It's raining cats and dogs outside, pero inayos ko pa rin ang gulong ko just to be with you tonight..." Malambing niyang sagot rito habang nakakuyom ang malalambot na mga kamay. "Oh-uh!! Really? My bad. I didn't know that you're facing unfortunate events tonight. Are you alright? I can fetch you if you want, just tell me where you at." Biglang bawi na sabi nito. "Ohhhh, how sweet! You're making me fall-inlove with you over and over again. I can't wait to see you, but don't worry. Everything is fine. I can drive myself home." "Are you sure?" "Yeah. I am fine, except for my body. I am totally wet-" "And wild I guess?" He grinned. "Hahaha! You bet my baby. I gotta go, see you in a bit! And please, be ready. I'm gonna make you moan out loud, tonight." Mapang-akit na wika niya sabay putol ng tawag niya rito. "Ate, boyfriend mo po?" Tanong ng dalagita kasabay ng pagturo nito sa picture ng isang lalaki na nakalapag sa upuan. May pulang ekis pa ito sa noo. "Tsismosa." "Sorry po." "Eh ikaw, sino 'yong hinayupak na manyakis na walang silbi na balak ka pang babuyin?" "Si Kuya Maeng. Siya ang nag-aalaga sa'min." "Oh tagapag-alaga mo pala bakit ka niya sinasaktan?" "Hindi kasi ako nagbigay ng na-delhensiya ko kaya siya nagagalit, ibibili ko sana ng gamot ko. Ilang araw na kasi akong may lagnat." "H-ha?!" Malakas na sabi niya sabay hinto ng sasakyan para sapuin ang noo nito at napag alaman niyang mataas nga ang lagnat ng kausap. "Jesus Christ!!" Malakas na wika niya habang naghahalungkat sa kanyang maliit na pouch kung saan may mga gamot siyang baon. "Oh ito inumin mo." Aniya sa dalagita sabay abot ng bioflu. "Hindi pa po ako kumakain eh." Nakangiwing sagot nito. "Heto buti na lang may biscuits at cookies ako, kainin mo 'yan nasa gilid nang pinto ang tubig." Aniya sa dalagita. "Salamat ate, ang bait po pala." Natutuwang ani ng dalagita. "Hindi ako mabait." Mahinang sabi niya rito bago muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. *** Sa tagal ng biyahe ay nakatulog na ang dalagita nang payapa habang nakabalot ang katawan ng kumot. Manaka naka niya itong tinititigan at umuusbong ang awa lalo na at ganoon ang buhay nito sa murang edad pa lang. Maya-maya pa ay maingat niyang ipinarada ang sasakyan sa tabi ng resthouse ni Timothy at marahang ginising ang dalagita. "Nene. Gising na." "Hmm?" Naalimpungatan na sabi nito. "Papasok ako sa bahay na 'yan tapos dito ka lang. Hintayin mo akong bumalik at huwag kang bababa ng kotse maliwanag??" "Ha, iiwan mo po ako rito?" "Babalik din ako agad, matulog ka at magpahinga habang wala ako, okay?" "Okay po ate..." Magalang na sagot nito at muling pumikit kaya umibis na rin siya sa sasakyan at dahan-dahang naglakad papalapit sa resthouse ng binata. Masusi niyang tiningnan ang buong lugar at kita niya na may mga cctv camera sa bawat sulok nito kaya sigurado siya na nakita na siya ni Timothy habang papalapit sa bahay. Ilang saglit pa ay nakita na niya ang pintuan at dahan-dahan itong binuksan. Bumulaga sa kanya ang napakagandang living room at mamahaling furnitures na pagmamay-ari nito. Indeed Timothy is rich enough to afford all those luxurious things. "Hi baby." Malambing na wika ni Timothy habang nakatitig sa kanya mula sa hagdanan. Nakasuot lang ang binata ng puting roba at hula niya ay wala na itong panloob. "Hello there, baby. Can I have a warm shower? I'm a li'l bit cold..." She said while embracing herself. If she could only see her reflection in the mirror she could really see na mukha siyang basang sisiw na nakasuot ng daring na bestida. "Jacuzzi tub is ready with rose petals and scented candles on the side, specially made for you sweetheart. Come here and join me." Timothy said while biting his lower lip and trying to seduce her. "I'm coming." Nakangiting wika niya habang naglakad ng dahan-dahan. Pumipilantik ang kanyang baywang kaya naman lalong na-excite sa kanya ang binata. Pagkalapit niya ay agad siya nitong sinunggaban at mahigpit na niyapos kaya bahagya siyang pumalag bago muling nagsalita. "Maybe it will be more exciting if we will do it in a jacuzzi, wearing nothing but your flesh..." Sabi niya habang naglalakbay ang daliri sa dibdib nito pababa sa puso. Bahagya niyang hinaplos ng marahan ang p*********i nito na batid niyang nabuhay na nang mga oras na iyon. "Then, what are we waiting for?" Excited na sagot nito bago siya binuhat papasok sa banyo na may kalakihan ang sukat. Hindi na nito hinintay na maisara ang pinto at agad hiniklas ang bestida niya kaya naman para itong papel na nawarak. "Easy baby." Natatawang wika niya rito sabay tulak ng marahan hanggang sa hinubad na nito ang roba at nagpatiuna na sa pagsampa sa jacuzzi. Mapang-akit ang mga titig niya bago niya tuluyang tinanggal ang nasira niyang bestida at lumusong na rin para samahan ang binata. "Would you care if I gave you a relaxing massage??" Mahinang bulong niya sa binata na agad nitong sinang-ayunan. "Are you good?" "Wanna try?" "Sure..." Kaagad siyang naupo habang minamasahe ito mula sa likod. Kitang-kita niya na nag-eenjoy ito sa bawat hagod nang mga daliri niya. "Is it relaxing baby?" Malambing niyang tanong. "Super relaxing. It feels like I wanna sleep with your loving arms wrap around my body." "Really? I can make you fall asleep forever baby..." Nakangising sabi niya rito. "Remember your sweet employee named Rose?" She whispered. "What the-?!" Gulat na sigaw ng binata sa kanya pagkabanggit niya sa dating empleyado nito. "You raped and killed her right?!" Marahas niyang sabi bago niya mahigpit na hinawakan ang ulo nito at pabiglang pinilipit hanggang sa marinig niya ang paglagatok ng buto nito. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi man lang nakapanlaban ang binata. "Justice has finally served." Nakangiting wika niya kasabay ng pag ahon mula sa jacuzzi at pinulot ang damit na nasa lapag. Si Rose ay dating empleyado ni Timothy na minolestiya at pinatay ngunit dahil mayaman ang pamilya ng binata ay napaikot ng pamilya Chen ang batas sa mga palad nito. But not her. Tahimik niyang hinanap ang control room at kinuha niya ang tape kung saan naka-record ang mga kuha sa cctv at kinuha ito. Maya maya pa ay tahimik na lumabas ang dalaga at parang walang anuman na sumakay sa kotse niya at pinaharurot papalayo roon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

SILENCE

read
393.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook