Kinabukasan ay maagang nagpaalam si Ashton na aalis daw muna siya saglit para dalawin si Ivy. Kaagad ding pumayag ang dalaga sa hiling ng butihin niyang butler. Wala naman silang kaso na hahawakan at gusto niya ring magpahinga muna sa bahay nila kasama si Nene. Malapit na rin kasing ma-approve ang pag adopt niya rito at sa ilang buwan na lang ay magiging ganap na itong miyembro ng pamilya nila. "Nene, tara swimming tayo sa pool.." nakangiting aya niya sa dalaga ng makita itong nakatulala sa kawalan. "Ha?" tila wala sa sariling sagot nito. "Sabi ko tara kako maligo sa pool.." ulit niya. "Ikaw na lang po Ate Jamie wala po akong gana, "anito sabay tingin ulit sa kawalan. Magmula ng makauwi sila sa bahay ay palagian ng nakatulala ang dalagita na para bang palaging nag iisip ng malalim. "

