"Itapon mo 'yang baril mo, bilisan mo!" makapangyarihang wika ng lalaki sa kanyang likod. Naging mailap naman ang paningin ng dalaga ng makita ang paglabas nila Borgz at Riely sa pinagtataguan nito. "Ibaba mo sabi!"ulit ng lalaki sabay kasa ng hawak nitong baril. Batid ng dalaga na sa isang maling kilos niya lang ay malalagay sa panganib ang buhay niya kaya wala siyang nagawa kundi bitawan ang hawak niyang baril at itapon malayo sa kanya. Nakita niya pa ang pagsenyas ni Borgz sa tauhan nito bago niya naramdaman ang malakas na pagpalo nito sa kanya kaya kaagad siyang nawalan ng malay. "Buhatin mo yan! Doon tayo sa kwarto kung saan niya pinatay ang kapatid ko!" ani Riely sa lalaki na kaagad naman nitong sinunod. Parang papel lamang nitong binuhat si Jamie at kaagad na dinala sa kwarton

