"You want something to drink baby?" ani Clark sa kanya habang tahimik siyang nakahilig sa matipunong balikat nito. Parehas sila nakalublob sa birthing pool para maalalayan ang asawa. Ilang oras na kasing nagle-labor ang asawa at kita niya ang pagbalatay ng kirot sa mukha nito kapag humihilab ang tiyan. "Hmmm?" nakapikit niyang sagot. "Hot tea?" "I'm okay baby..." aniya ng nanatiling nakapikit. "Are you sure?" "Uhmmmm..." Dahil sa pananahimik niya dahil sa pananakit ng tiyan ay hinaplos-haplos na lang nito ang balikat niya. "Ahh!"bigla niyang sabi ng maramdaman ang matinding pananakit ng tiyan. Kaagad siyang dinaluhan ng doktor na aalalay sa panganganak niya. At sa ilang saglit lang ay naramdaman na niya ang paglabas ng anak niya sa pwerta niya. Kaagad itong kinuha ng doktor at ipi

