Three months later... Kaybilis lumipas ng panahon, parang kailan lang ng ikasal sila ni Clark at ngayon at masasabi niya na masayang masaya siya sa piling ng asawa. Tama nga ang Dad niya, hindi niya pagsisisihan ang pagpapakasal sa kabiyak. Napakasweet, maalaga at mapagmahal ng asawa, ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya kaya naman masasabi niya na kuntento siya sa piling nito. Sa kanila pa rin nakatira si Marian at wala na atang balak umalis, hinahayaan niya na lang as long as hindi siya nito ginagalaw, mas maiigi na rin siguro yun dahil nababantayan niya ang mga kilos nito. Hindi rin ito makaporma sa asawa lalo pa at andon siya. Idagdag pa ang pag iwas ni Clark dito para wala siyang masabi. Tahimik siyang nakaupo sa veranda habang nagpapahangin ng masulyapan niya ang p

