Chapter 2

1219 Words
Monique: "I'm sorry Audrey, `di ko napigilan ang sarili ko kanina. Simula ng masilayan kita sa isang events ay `di ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Alam kong babae ako sa pisikal na kaanyuan pero never in my entire life that i was fall in love in a man not until i saw you that day." It was confirm that i was belong to a third s*x. Yes, i'm a lesbian... "Ikaw ang kauna-unahang nagpatibok ng aking puso. Oo, sa dinami-raming nakita at nakasama ko bukod tanging ikaw lang ang nakita ng puso ko." "I will take the risk... I'll do everything just to help you and your family." Hanggang sa may nag-beep sa cellphone ko... From: Baby Ko "Bakit Miss M? Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito sa akin at sa pamilya ko? `Di mo ba alam na halos `di ako makatulog ng dahil sa pinapakita mo?" Kasunod ang pagtanggap ko ng message ay ang kanyang pagtili sa kabilang room. Yes, isang pader lang ang pagitan namin dalawa ni Audrey. Pinili ko ang room niya dahil katabi lamang ng unit ko. At magkatabi lang ang terrace namin dalawa. After kong mabasa ang message niya `di ko maiwasan na `di ako mapangiti. May ganoon pala akong effect sa kanya. Katulad niya ay hindi rin ako makatulog. "God knows how much i wanted to hold you, to hug and kiss you pero natatakot akong iyon ang maging dahilan upang mag-build ka ng wall sa pagitan nating dalawa." "Alam kong katulad ko never ka pang nain-love kaya takot akong malaman mo na iniibig kita." Habang tinititigan ko ang kanyang larawan sa aking camera. ------------ Naging napakahaba ng gabi... Napakahirap para kay Audrey na kumuha ng tulog. Mabuti na lang sa Monday pa ang start ng photoshoot nila. Kahit malamig ang loob ng kanyang silid, parang hinahanap pa rin ng katawan niya ang sariwang hangin. Kaya naman gumawi siya sa sliding door at binuksan ito upang makasagap ng hangin sa terrace. Napahawak siya sa railings at tumingala atsaka pumikit. Dinama ang lamig ng simoy ng hangin. Hanggang may isang bulto ng tao siyang naaninaw sa gawing kanan niya. Sa una ay `di niya ito mamukhaan pero ng kanyang pinagmasdan ay si Miss M. pala. Nakatayo ito at malayo ang tanaw. May hawak ng isang can beer ang kaliwang kamay nito. Bigla siyang umurong at nagkubli sa may halaman at mula dito pinagmasdan niyang mabuti ang babae. "Napakaganda niyang babae. Almost perfect for me pero..." pinilig niya ang kanyang ulo at pinipilit iwaksi sa kanyang isipan ang nabubuong katauhan nito sa kanya. Ano pa man ang katauhan nito ay `di iyon makakabawas sa pagiging mabuting tao ni Monique sa lahat. Maging babae o lalaki man ay wala silang halos maipintas kay Miss M. Tumagilid ito ng sandal na ngayon ay nakaharap na gawi niya, "Bakit ngayon nakikitaan ko ng lungkot ang kanyang mga mata? Katulad ko rin ba siya na `di man lang dalawin ng antok?" tanong niya sa kanyang sarili. "Iniisip niya kaya ako?" dagdag pa niyang tanong "Haaah!" napatutop siya sa kanyang bibig at biglang nagtago. "Ang ingay ng bibig ko, ano ba yan Audrey bakit ba iniisip mong iniisip ka ni Miss M?" mistulang pinagagalitan ang kanyang sarili. Pagtingin nito sa gawi ni Monique ay wala na. "Marahil tinablan na ng antok at naisipan ng matulog." bulong nito sa kanyang sarili. Kaya naman napagpasyahan na lang niya na pumasok sa loob ngunit pagpasok sa loob nakita niya si Miss M. na nakatayo na sa harapan niya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pag-alala at may halong emosyon na `di niya mawari kung ano. Lumapit si Monique sa babae... "Bakit ka sumigaw? A-anong nangyari sayo?" amoy na amoy niya ang bango ng katawan nito maging ang hininga ay pawang nanghihikayat ito bagaman mahahalata na nakainom ang babae. Hindi siya makasagot sa tanong ng babae especially when Monique cupped her face. Napalunok na lamang siya ng kapwa nila tinititigan ang mga labi sa isa't-isa. May kung anong nabubuhay na pakiramdam ang lumulukob sa kanya sa mga sandaling ito. Hanggang sa `di niya namalayan na unti-unti nang nagdirikit ang kanilang mga labi. Napapikit si Audrey ng maramdaman niyang gumalaw ang labi nito sa labi niya. "Audrey..." halos pabulong na sambit nito sa pangalan niya. Kaya naman kusang bumuka ang kanyang labi upang bigyan pa lalo ng daan ang labi nito upang mas lumalim ito. Nagpalitan sila ng halik sa isa't isa. "Napakalambot ng kanyang labi. Ang sarap halikan parang `di nakakasawang halikan ito maya't maya." aniya sa kaniyang sarili habang ninamnam ito. Tumagal ang kanilang halikan hanggang sa kapwa na sila nakaramdam ng init sa katawan. Monique put her arms into Audrey's nape at mas lalo naman nitong ginantihan ng maalab na halik si Monique. "Hmmm" sa pagitan ng kanilang pag-ungol na para bang sarap na sarap sila at wala nang katapusan. Hanggang sa naglakad sila ng dahan-dahan patungo sa kanyang higaan. Pinaupo siya ni Monique sa gilid nito habang ang babae naman ay pawang nakaluhod sa harapan ni Audrey. Bitin na bitin siya sa halikan nila kaya `di na niya pinatagal pa ang pagtitig ni Monique sa mukha niya at muli niya itong sinunggaban ng halik. "Audrey..." tawag nito sa kanya sa pagitan ng kanilang maalab na halikan. Ilang sandali lamang ay kumalas na ito sa kanya sa paghalik. Umupo ito tabi niya at kinuha ang kanyang kamay. Pinisil-pisil ito ni Monique. "Alam kong naguguluhan ka ngayon. Gusto ko lamang tandaan mo na wala akong masamang intensiyon sa iyo. Sana lang Audrey hayaan mo akong gawin ang nakakapagpasaya sa akin." habang tinitingnan nito ang kabuoan ng kanyang mukha. "Bakit, ano ba ang nakapagpapasaya saiyo Miss M.?" naguguluhang tanong nito sa kanya habang nakababa ang kanyang tingin sa mga kamay nito. Hindi niya magawang salubungin ang mga titig nito sa kanya... "Ang tulungan ka at makitang masaya kapag kasama mo ako..." halos pabulong na lamang ang huling katagang binanggit ni Monique sa babae. Halos wala namang masabi si Audrey matapos sabihin iyon ni Monique. Ang daming katanungan ang nabuo sa kanyang isipan na nagpapagulo ngayon sa kanya. "Sa ngayon, alisin mo na ang mga katanungan diyan sa isipan mo. Ang gusto ko ay magtrabaho ka ng mabuti para sa pamilya mo. Nandito lang ako para saiyo na laging nakasuporta." salita nito sa kanya habang hinahaplos ang kanyang pisngi. "Matulog ka na. I'm just a door away from you." sabay tingin nito sa pintong nakabukas. Muli ay binigyan pa siya ng isang matamis na halik bago ito tumayo at pumasok sa may pintuan na tila secret passage mula sa room nito patungo sa kanyang silid. "Good night baby... Sleep tight" atsaka ito ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kanya na nakitaan naman ng kaligayahan mula sa ekspresyon ng kanyang mukha. "Good night!" sabay takbo niya palapit sa babae at yumakap. "Ewan ko ba pero sa mga oras na ito gusto ko siyang yakapin." aniya sa kanyang sarili habang ninanamnam ang pagkakayakap niya kay Monique. Pagkatapos niya itong yakapin. Muling nasilayan ang ngiti ng butihing babae. At bago pa man nito tuluyang maisara ang pinto ay mabilis niya itong dinampian ng halik sa labi. "Pampaganda lang ng tulog" sabi ni Audrey sa kanya bago tuluyang tumalikod. Isinara na nito ang kanyang pintuan kaya naman wala na siyang magawa kundi ang mahiga at matulog ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD