bc

Making you love me again Attorney

book_age12+
1.6K
FOLLOW
8.1K
READ
others
like
intro-logo
Blurb

Unang sulyap palang ni Tim kay Crissa ay nabighani na sya sa ganda nito. Ang sarap nitong tumawa parang musika sa kanyang pandinig.

Nakipaglapit sya sa dalaga at niligawan nya ito. Kaya sobrang saya nya ng malaman na may pagtingin din ito sa kanya.

Pero ang kasiyahang iyon ay napalitan ng galit ng malaman nyang planado pala ng dalaga ang lahat ng namamagitan sa kanila at balak nitong iwan sya pag lunod na lunod na sya dito.

Kaya ba nyang patawarin at tanggapin uli ito sa kanyang buhay.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"'La. Magpahinga na po kayo. Ako nalang po ang magtutuloy nyan." Mabilis na binaba ni Crissa ang bag sa upuang monoblock saka nya hinagilap ang apron at sinabit sa kanyang baywang. "Ano ka bang bata ka. Dapat umuwi kana sa bahay para makapagpahinga ka." Pigil nito sa kanya pero tinawanan lang nya ito at niyakap. Araw ng linggo na dapat pahinga ng lola nya pero dahil sa sinumpong sya ng hilo nya kanina ay hindi muna sya bumangon. "Eyyy.. ang sweet ng lola ko. Kayo ang magpahinga dahil mamaya sumakit na naman ang likod ninyo." Lambing nya saka nya inamoy amoy ito. "Emmm... amoy paksiw." Humahagikhik nyang biro. "Dyaske kang bata ka. Kaninang umaga pa kaya ako naligo." Natatawang wika nito na panay ang piksi nito sa kanya. Tumawa uli sya. "Kaya pala nangangamoy bagoong na din. Akala ko iyong tinda ni Aling Sita ang naaamoy ko lo---Awwww.. aray ko la." Kanda haba haba ng nguso nya sa sobrang sakit ng kurot ni lola sa kanyang tagiliran. "Kahit ilang araw akong hindi maligo hindi ako mangangamoy bagoong noh." Tinawanan nya uli ang lolang nagmamaktol. "Hindi na mabiro e. Tsk! Ang sakit. Sige upo na kayo doon at ako na dito." Pagtataboy nya uli sa kanyang lola. Ng hindi ito kumilos ay hinila na nya ang kamay nito at sya na mismo ang nagdala sa upuan sa loob ng tindahan nila. "Ano nga pala ang gusto mong meryenda?" Tanong nito bago sya lumabas. Napangiti naman sya. "Hintayin nalang nating dumaan si Tikboy 'la. Miss ko na iyong pancet nya e." Sagot naman nya saka na hinarap ang pag titinda. Mayroon mangilan ngilan ang pumupili sa mga paninda nya. "Gulay kayo mga suki. Samantalahin habang sariwa galing probinsya. Mura na masarap pa saan kapa." Pagtatawag nya ng customer. Dito nya nagagamit ang kanyang pagiging madada. "Pwedeng tatlong kilo isang daan sa talong?" Tanong ng isang ginang. "One hundred ten lang po." Abot nya sa talong na napili nito para masukat ang kilo. Marami talagang barat na mamimili sa palengke. "Ang liit mo namang magbawas ng presyo. Palagi naman akong bumibili sayo." Hirit nito kaya napatawa sya. "Si nanay naman oh. Kunti lang po ang kita namin d'yan. At saka huwag po masyadong tumawad mas maganda nga pong pinapatungan." Kindat nya dito na ikinatawa ng mga ilan nilang suki. "Malas nga at walang napatung e." Wika naman ng isa. "Wala sigurong mahal kaya walang napatung.." Banat naman nong isa. "Sa akin may mahal puro naman MURA tang*na. Sakit sa ulo." Patol din ng isang ali. "Hehe.. gulay pa po ba ang usapan natin mga nanay. Hindi na kasi ako nakakarelate eh." Natatawa nyang tanong sa mga ito. May maliit silang pwesto ng gulayan sa palengke na binabantayan ng kanyang lola Celia. Pag linggo ay sya ang tumatao doon maghapon. Lunes hanggang sabado ay sa Restuarant sya bilang isang service crew at cashier din paminsan minsan six to six ang pasok nya at pagkatapos ng duty nya ay deretso sya agad sa isa pa nyang trabaho bilang isang crew ulit sa burger machine. Nakakapagod pero nasanay na sya. Apat na taon naman na kasing ginagawa nya ito kaya gamay na gamay na ng katawan nya. Mula kasi noong nag bente anyos sya ay nagsimula na ang ganito nyang trabaho. Kaya parang hindi na sya sanay na iisang trabaho lang ang pinapasukan nya. Plus pag may raket pa ang kaibigan ay dinadawit pa sya nito. Hindi na nya naipagpatuloy ang pag aaral ng college dahil sa kulang sila sa finacial at may pinag iiponan din kasi sila. Maayos naman ang buhay nila noon. Nagtratrabaho ang kanyang Papa Danilo bilang accountant sa Aragon Group of Company at ang mama naman nya ay secretary din sa mismong company na iyon. Hanggang sa nagkasakit ang kanyang ina at nadiagnose ito na may leukemia. Doon na nagsimulang naghigpit sila ng sintron. Naubos ang ipon ng magulang at nagkanda utang utang sila para maipagamot lang ito pero wala talaga dahil namatay parin ito noong diecenueve na sya. Ang masakit pa nito. Napakialaman ng kanyang ama ang pera ng kumpanyang pinagtratrabahuan na syang ikinakulong nito dahil hindi nila kayang ibalik ang pera nakuha nito. Kaya kailangan nilang makaipon ng pera para pang piyansa nila dito. Ayaw nitong tumigil sya sa pag aaral pero hindi naman nya maatim na mabulok ang ama sa kulongan. Hindi nga nila pinapaalam dito na dalawa ng trabaho nya dahil mas lalong magagalit ito at sisihin pa ang sarili. Minsan iniisip nya na patusin nalang ang alok nong intsik na may ari ng grocery store malapit din sa pwesto nila. Pero alam nyang magagalit ng husto ang kanyang ama pag ginawa nya iyon. Inaalok kasi sya nito na bayaran nito ang pagkakautang ng kanyang ama sa mga Aragon kapalit ng pagpapakasal nya dito. Matanda na ito. Nasa singkwenta na yata ito pero matikas parin naman at gwapong intsik. Maraming nagsasabi na swerte daw sya dahil sya ng natipuhan. "Isaaa..." napangiwi sya ng marinig ang tinig ng kanyang kaibigang bakla na akala mo palaging may sunog kung makasigaw. Ito si Carlo AKA Carla. Kaklase nya noong first year college sila sa kursong HRM. Naging magkaibigan sila at kahit na tumigil sya sa pag aaral ay hindi naputol ang pagkakaibigan nila. Medyo may kaya ito sa buhay. Ang negosyo ng pamilya nito ay catering services at halos malalaking event ang nahahawakan ng mga ito. "Kung pumunta ka lang dito para mambulabog ng customer ngayon palang sinasabi ko na sayo. Umalis kana bago pa kita mahabol ng walis tingting." Masungit nyang bati sa kaibigan na nakatikwas ang kilay. "Aba may ganoong banat ang mayora. O sige. Dahil ayaw mo akong nandito aalis nalang ako at sa iba ko nalang iaalok ang trabaho." Tumaas baba ang kilay nito. "Pera ba iyan?" Taas kilay din nyang tanong. "Ay. Pag pera talaga mabilis kapa sa kidlat. Bihis kana dahil gogora na tayo." Kumunot ang kanyang noo. "At saan tayo pupunta?" Taka nyang tanong. "Na food poison kasi iyong mga staff ni Madam Vicky at kinulang sila sa tao sa pagsasaayos ng venue ng kasal na gaganapin bukas. E kailangan ng matapos na iyon dahil bukas na ang kasal." Paliwanag naman nito. Tita nito ang Madam Vicky na tinutukoy nito. "O anong kinalaman ko doon?" Takang tanong nya uli. Nalukot ang ilong nito. "Kahit kailan talaga ang slow mo. Kailangan namin ang isang katulad mo na may alam sa mga table sittings at magaling sa mga flower arrangement kaya gora na. Bihis na bilis malaking datung ito promise." Pangungumbinsi nito. Buti nalang at may dala dala pa syang t-shirt sa kanyang bag. Ang damit nalang nya ang pinalitan nya dahil amoy palengke na sya. Habang nagbibihis ay napapaalam na sya sa kanyang lola. "'La. Magsarado ka ng maaga ha. Ibinigay ko na kay Aling Ester iyong bayad ng delivery ng gulay natin bukas." Pagpapaalam nya saka mabilis na hinalikan nya ito sa pisngi. "Mag ingat kayo. Huwag kang paumaga ng uwi para makatulog kapa bago pumasok sa trabaho." Habilin din nito. "Saan ba iyong venue ha?" Tanong nya sa kaibigan habang lulan sila ng sasakyan nito. "Sa Santiago's Mansion. Kasal ng nag iisa nilang anak na si Jefferson Santiago." Sagot naman nito. "A. Kahit sabihin mo hindi ko parin naman kilala." Wika nya saka sinandal ang likod sa upuan. "Tsk! Ano naman kasi ang alam mo sa mundo maliban sa pera." Naiiling na banat nito sa kanya. Napangisi naman sya. "Bakit yayaman ba ako pag nakilala ko sya." "Atlest pag nakilala mo sila. Malay mo. Magising nila ang natutulog mong landi sa katawan. Aba! Nakalimutan mo na yatang babae ka e. Maganda ka naman. Sexy. Pasok ka ngang pang model. May sira nga lang ang tutok pero pwede ng patiyagaan." Napasimangot naman sya. "Landi landi ka diyan. Baka pag ako ang lumandi magreklamo ka." Napangisi ito. "Ano yan. Nanakot ka? Iyon na nga lang ang palagi kong hinihiling para naman maranasan mo ang madiligan na. Kung ako lang ang may angking kagandahan na ganyan, aba. Lahat ng gwapos siguro natikman ko na." Parang nabuhay yata ang kalandian nito sa katawan sa naisip. "Tsk! Ang kiri e. Di ikaw na ang may HIV non." "Crissa. Ayaw mo pa ba talagang lumipat nalang ng trabaho sa amin. Malaki naman kaming magpasweldo." Pangungumbinsi nito sa kanya uli. "Alam mo naman ang rason diba. Kung saan saan kayo napapadpad at ilang araw at minsan wala kayong uwian. Papaano naman ang lola ko. Alam mo namang hindi ko sya kayang iwan ng mag isa lang." giit nya. "Sa ginagawa mo parang wala din syang kasama dahil uuwi ka lang pag matutulog ka. Iang oras lang naman ang nilalagi mo doon. At saka pwede kang namang kumuha ng makakasama nya pag lalayo tayo." "Baliw ka talaga. O di naipang sahod ko din sa iba ang sahod ko." Naiiling syang sabi. "Grabe. Ang lalaki naman ng bahay dito." Puri nya ng mapansin ang nga bahay. "Sinabi mo pa. High class subdivision kaya ito. Napansin mo ang higpit ng security nila kanina. Hindi ka basta basta makakapasok kung walang order sa galing sa may ari ng bahay na pupuntahan mo." Paliwanag nito sa kanya. Tumigil sila sa kulay tansong gate. "Walastik. Ginto yata ang gate nila." Hindi maitago ang pagkamangha sa kanyang boses. "Mas mamamangha ka sa loob. Bukod sa maganda na ang bahay magaganda pa at yummy ang nakatira. Bawal yata sa kanila ang mga pangit." Wika ng kaibigan habang pinapasok na ang sasakyan dahil bumukas na ang gate pero wala syang nakitang nagbukas noon. Hehe.. first time nyang makakita ng ganoon pero hindi na nya pinahalata sa kaibigan dahil alam nyang katakot takot na panlalait na naman ang ibabato nito sa kanya. Hehe. Pero alam naman nyang harmless iyon. "Lalo na pag nakita mo iyong mga magkakaibigan. Hay naku. Magsasabaw ka day." Natawa sya sa mga pinagsasabi nito. "Kakainis ang mga salitang lumalabas sa bibig mo. Parang hindi dalaga ang kasama mo a." Pagrereklamo nya pero sanay naman na sya sa mga words nito. May mas malala pa nga doon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.6K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
237.3K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook