"Now I understand why our destiny brought us here tonight. So we can meet Miss little Red." Parang baliw na bulong ni Macky habang nakasunod parin ang tingin sa tatlong paakyat sa hagdan.
"Tsk! Stop that Macky." Saway uli ni Tim kay Macky.
"Stop what? I didn't do anything." Defensive na wika naman ni Macky.
"I'm referring to the way you look at her." Masungit nyang sabi sa kaibigan.
"Woooaaahhh. Why so possessive huh?" Nawewerdohan tanong ni Macky sa kanya.
"It just that. I don't want the way you look at her." Pagtatapos nya saka na iniwan ang mga ito at bumalik na kung saan sila nakaupo kanina.
Nagtinginan naman ang apat na parang naguguluhan sa inakto ng kaibigan.
"Seems like Miss little Red got your interest huh." Tukso naman ni John kay Tim.
Hindi sya nagcomment pero napaisip din sya. Bakit nga ba nya sinita ang kaibigan e dati naman ng pilyo ito. E ano kung tignan nya ang babaeng iyon eh hindi naman nila ito kilala.
Macky's chuckled. "Tang*na. Ano iyon, nadali ng love at first sight?" He says as if his voice was teasing him.
He frowned. "I just noticed that it looks like you're going to eat her alive. Nakita mo na ngang nahihiya na iyong tao." Depensa nya uli na ikinatawa ng mga ito.
"Aaaa alam na dis!!!! Naks. Nasilo ka kaagad ni Miss little Red ha." Tukso parin ni Macky sa kanya.
He sighed. "Tsk! It's not like that bro. You put on something that it shouldn't be."
"Why so defensive bro. Macky is just teasing you. Tsk... tigilan mo na kasi si Mr Attorney bro. baka hanapan ka ng kaso nyan." Naiiling na saway ni Alex kay Macky dahil nakasimangot na si Tim.
Naaaliw naman si Ron kay Tim dahil halata na ang pagiging passessive nito. Dati naman ng pilyo si Macky pero ngayon lang nagreact si Tim.
Natahimik sila pero inagaw ang atensyon nila ng yabag at boses ng mga pababa sa hagdan.
Kagaya ng unang naramdaman kanina ni Tim ay parang hinihigop ng babae ang kanyang mata at hindi nya maiiwas ang mata nya dito. Una ay ang tawa nito na parang musika sa kanyang pandinig. Ang sarap lang kasi ng tawa nito na para bang walang iniintindi. Iyon bang rason na 'bahala ka d'yan. Basta ako masaya.'
Shit! Nabighani ba talaga sya nito sa unang kita palang nya dito? Tsk! the pounding of his chest grew louder at the thought na nabighani sya dito.
Kinurap kurap nya ng kanyang mata. Hindi naman sya nagagandahan dito pero bakit gusto nyang titigan ang mukha nito. She has a very innocent face, and so pure. Basta. There's something on her ba humihila sa kanya para mas titigan ito.
Napakislot sya ng medyo banggain ni Macky ang kanyang balikat. "'Wag masyadong pahalata Attorney." Macky said mockingly.
Iniwas tuloy nya ang tingin at tumikhim dahil parang may bumara sa kanyang lalamunan. Only to found out na nakatingin na pala ang mga kaibigan sa kanya at gusto nyang pag mumurahin ang mga ito dahil sa halatang pilit na pinipigil ng mga ito ang matawa.
He can't help not to frowned dahil ginagawa syang laughing stock ng mga ito.
"Sorry bro, we can't help it." John chuckled. "I don't know If you just don’t aware but it’s pretty obvious that you like her. It's writen all over your face. And f**k! Your face become redden." Dagdag nito na parang tawang tawa sa kanya.
Wala sa sarili na napahaplos sya sa mukha. Ganon ba sya ka obvious?
"Boy. Pasinsya na. Hindi na yata baba ang anak ko." Sabi ni Tita Eliza sa kanila ng tuluyang makababa ang mga ito sa hagdan.
Napasulyap uli sya sa babaeng itinutukso sa kanya. Parang nahihiya pa itong tumingin sa kanila dahil bahagyan pang nagtago ito sa likod ng kasamang bakla. Nakasuot na ito ng bestida na kulay brown na bagay na bagay sa kulay ng balat nito. "Tsk! Napansin mo pa talaga iyon. Kaya ka tinutukso e." Halos kutusan nya ang sarili.
"It's okey tita. Paalis na din kami." Nakangiting wika ni Ron.
"Ganon ba. O sige. Salamat nalang sa paghatid ng phone ng anak ko. Kita kita uli tayo bukas. Ay, mamayang hapon na pala." Masayang wika din ni Tita Eliza. Parang ina na din ang turing nila dito.
"Alis na din kami Madam. Salamat po uli dito sa damit." Halatang nahihiya pang wika ng dalaga.
"Wala iyon hija. Punta din kayo ha."
"Kami po ang nandito mamaya pero si Crissa po ay wala. May pasok na pos kasi sya sa work mamaya." Sabi ng bakla. "Pinakiusapan ko lang po syang tulungan kami ngayon dahil nga sa nangyari sa mga kasamahan namin."
"Aa. Hindi talaga sya part ng team ninyo." Napatingin sya sa mukha uli ng dalaga na alanganing nakangiti.
"Hindi po. Emm. Aalis na din po kami." Paalam nito uli kay tita Eliza saka bumaling sa kanila.
Parang nananadya naman na agad na sa kanya dumako ang mata nito kaya nagtama ang paningin nila. Parang namamalikmata lang silang nakatitig sa isa't isa na parang nakalimutan nya ang ibang katabi.
Isang siko uli ng kaibigan ang nagpabalik sa kanya. "Ehemm..." tikhim pa ni Macky.
Nasundan nalang niya ng tingin ang dalaga na parang hinahaatak na ng kaibagan bakla.
"Tang*na ka! Ang sagwa mong mainlove." Bumunghalit ng tawa si Macky at nakitawa na din ang apat at pati na din si Tita Eliza.
"Tinamaan yata." Nanunukso din tanong ni Tita Eliza kaya napaungol sya.
"Errrr... huwag mo ng gatungan tita dahil kanina pa ang mga ito." Napakamot sya sa kanyang batok. Weird ba talaga ang mga galaw nya. Tsk! Kainis lang because his friend got an observant eyes.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na din sila.
Hindi nga maiwasang mapaungol ng maabotan na naman nila ang dalawa na parang nagtatalo.
Tahimik silang nakinig sa mga ito na parang hindi sila napansin.
"Huwag mo na kasi akong ihatid. Tawag nalang tayo ng grab. Kailangan ka pa nila dito." Sabi ng dalaga sa kaibigan.
"Hindi nga pwede. Bakit ba ang kulit mo. Sinundo kita kaya ihahatid kita. Papaano kung may mangyaring masama sa iyo sa daan. Ako ang malalagot sa lola mo." Parang inis na ang bakla.
"Ehemm..." Napapikit sya ng mariin. Ito na naman ang kaibigan nya na hindi mapigilang makisawsaw sa problema ng iba. "May problema yata kayo?" Pa cool na tanong nito sa dalawa.
"Hehe.. wala naman ho. Ito po kasing--
"Ito po kasing kaibigan ko ay ayaw magpahatid. Kisyo. Magtataxi na lang daw pauwi." Halatang nagsusungit na ang bakla sa kasama nito
"Kailangan ka pa kasi nila dito." Giit ng dalaga. "Sige. Hintayin nalang kitang matapos. Tapos sabay na tayong umuwi." Pang aamo nito sa kaibigan.
"Pero may pasok ka na mamayang six. Ano wala na namang tulog?" Pinanlalakihan nito ng mata ang dalaga.
"Sanay naman na ako kaya okey lang. at saka bayad naman ang oras ko sa inyo kaya okey lang."
"Ganito nalang para hindi na kayo mag away. Tutal pauwi na din naman kami. Kami nalang ang maghahatid kay Miss little Red." Sabad uli ni Macky kaya napatingin sya dito.
"Talaga Sir? Okey lang sa inyo?" Parang natuwa naman ang bakla.
"Hindi po. Hintayin ko nalang po silang matapos." Tanggi naman ng dalaga na parang nahihiya.
"Ay.maraming maraming salamat po. Sige kayo na pong bahala sa kanya." Sabi ng bakla na nagliwanag ang mukha. Hindi na nito pinansin ang kaibigan kahit pinanlalakihan na ito ng mata.
"Oy saglit lang Carlo. Anak ka ng tinapang sinawsaw sa bagoong na may suka o. Wag mo akong iwan dito." Nagpapadyak na sigaw ng dalaga sa kaibigang bakla na halos tumakbo makalayo lang sa dalaga.
Hindi nila mapigilang tumawa sa itsura ng mga ito.
"So, you have no choice kundi ang sumabay sa amin." Sabi uli ni Macky.
"Mag aabang nalang po ako ng taxi." Tanggi uli ng dalaga na ikinatawa nila ng mahina.
Tumingin ito sa kanila na nasa mukha ang pagtataka.
"Miss. Walang taxi'ng dumadaan dito kaya wala ka ng choice kundi tanggapin ang alok naming ihatid ka." Sabi naman ni Alex.
"Pero baka po mapalayo pa po kayo." Nag aalangan namang wika ng dalaga.
"Taga saan kaba kasi Miss?"
"Taga San Mateo Rizal po." Magalang nitong sagot.
"A tamang tama. Diba malapit ka din doon Tol?" Baling ni Macky sa kanya.
Gulat nyang naituro ang sarili. "A-ako?" Paninigurado pa nya kay Macky.
"Haha.. sino pa ba?" Kininditan sya nito na parang sinasabing sumakay ka nalang. Pero ang totoo ay malayo sya doon. Mas malapit pa nga ang mga ito kung tutuusin.
"Anyway. Hindi mo pa nga pala kami nakikilala. Ako si Macky Aragon. Ang pinakapogi sa aming lahat." Pakilala ni Macky sa sarili.
"Crissa Bartolome nalang po." Wika ng dalaga na kiming tinanggap ang pakikipagkamay ni Macky.
Syempre alam na nila ang susunod.
"Ako si Alex. Kinagagalak ka naming makilala Miss Crissa." Pakilala din ni Alex.
Kiming lang na ngumiti ang dalaga.
"Ako naman si John. Magandang dilag. Puso koy 'yong nabihag." Pabirong kumanta pa si John na ikinatawa ng dalaga.
"Ako naman si Ron. Pasalamat iyong isa d'yan at may asawa na ako. Kung hindi nungkang sya ang maghahatid sayo ngayon." Malamang banat naman ni Ron.
Napailing sya dahil alam nyang para kanya ang pasaring nito. "I'm Tim." Maiksi nyang pakilala sa sarili.
Nakita nya ang pag taas ng kilay ni Macky.
"Tsk! Lebreng makipagkamay tol." Ani Macky na parang na nalukot ang mukha. Sinadya talaga nyang hindi iabot ang kamay dahil alam nyang bubuskahin na naman sila ng mga ito. Baka lalong mailang ang dalaga sa kanila.
"Mamaya nalang pag hindi nyo na nakikita." Sh*t mali din ang sinabi nya dahil tawanan na ang mga ito.
"Iba din ang Attorney namin. O sya. Humayo na kayo at ng maka--"
Isang malakas na batok ang binigay nya sa kaibigan. "Umayos ka Aragon."
Natawa uli si Macky. "Makauwi na kayo. Patapusin kasi muna. Dumi ng isip e."