Chapter 1
“Sheena!!!” malakas na tawag ng kanyang kaibigan na si Georgette. Napilitan ang dalaga na lingunin ang grupo ng mga babaeng nasa kabilang mesa sa loob ng canteen ng University. Ito ang unang araw ni Sheena sa University. Lumapit sya sa grupo ng mga kababaihang na nasa bilang ng tatlo. Mapapansin agad ang naggagandahang mukha ng mga ito at halatang galing sa maykayang pamilya. Halos lahat ng mga estudyante ay nakatutok sa bawat galaw ni Sheena. Sanay naman sya sa atensyon ng lahat ng tao na halos sambahin ang taglay nyang ganda. Walang panama ang ganda ng mga artistang sikat sa telebisyon. Ang kanyang ganda ay di pagsasawaan, mga matang laging nangungusap, kilay na perpektong nakaarko, ilong na na perpekto din ang pagkakatangos na bumagay sa mukha nyang makinis at sing puti ng nyebe. Kung katawan naman ang pag uusapan halos perpekto ang bawat sukat ng katawan na bumagay din sa kanyang height. Sabi nga nila halos perpekto na ang lahat sa kanya. Ganda, talino, ugali at yaman. Halos lahat ay nasa kanya na talaga pwera na lang ang lalaking iibigin nya. Napakapihikan nya pagdating sa lalaki. Sa dami ng manliligaw nya, wala pa syang nagugustuhan kahit isa. She's at the right age but not in the right condition of heart. Sa America sya halos lumaki at doon nag aral hanggang magcollege. At dahil sa kalagayan ng ama ay napagdesisyunan ng kanyang mga magulang na dito na sya sa Pilipinas magpapatuloy ng pag-aaral. Dalawang taon na lang naman at matatapos na nya ang kursong Business Management.