Birthday Surprise – 2

1524 Words

  “A-ANO PONG ginagawa n’yo rito?” taka kong tanong sa kanila. “Pinuntahan ko si Father Morales sa simbahan tapos nagtungo rin ako sa ampunan para magtanong kung saan ko sila makokontak. Mabuti na lang at lahat sila may mga cellphone number na kaya madali ko silang natawagan. Nagpadala ka ng imbitasyon sa text kay Moli ‘di ba? Si Moli naman ang nagkontak sa kanila. Maliban dito kay Lily na ipinagtanong ko pa ang address ng pamilyang umampon sa kanya,” paliwanag ni Mama. “Ate Mouse, ang ganda-ganda mo na talaga! Ang laki ng pinagbago mo!” Mabilis na yumakap sa akin si Lilya. Patungo na rin sa pagdadalaga itong si Lily. Tumangkad siya at tuwid na ang ayos ng buhok. Maganda ang suot niyang damit, tama nga si Moli mayamang pamilya ang nakaampon sa kanya. Niyakap ko rin si Moli at Jack.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD