Birthday Surprise -1

1563 Words

  NAKAHANDA na ang lahat para sa kaarawan ko bukas. Ito ang unang pagkakataon kong magdiriwang ng birthday ko kasama ang tunay kong pamilya. July 14, 2001, ito ang taon na hinding-hindi ko makakalimutan. Maraming nangyari sa akin sa nakaraang taon. Ang pinakaimportanteng nangyari ay ang nakilala ko na ang tunay kong mga magulang. Nabuo rin sa wakas ang pagkatao ko. May tunay akong pangalan, pero ang gamit ko pa rin ngayon ay ang nakagisnan kong pangalan. Bukas magsasalo-salo kami sa bahay nila Mama at Papa sa Makati. May sarili kasi silang bahay sa loob ng subdivision doon. Nakarating na ako sa bahay nila no’ng Pasko, kaya pala pakiramdam ko noon para akong nasa sarili kong tahanan. Ngayon, tunay na kasapi na talaga ako ng kanilang pamilya. Araw ng Beyernes ngayon, isa-isa kong binigya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD