KASAMA ko sina Ashley, Theo at Lyka sama-sama kaming tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. Inabutan na kami ng gabi, pero sige pa rin sa pagbibigay tulong sa mga nangangailangan. Saglit kaming nagpahinga mamaya magsisilid ulit ng mga relief goods para sa mga evacuees. May mga mabubuting puso na nagdo-donate ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao at isa na roon ang pamilya Lewis. Lumipas ang hating gabi halos pumikit na ang mga mata ko sa sobrang antok. Nasa bakanteng kuwarto kami ng mansyon nagbabalot ng mga relief goods habang nasa eskwelahan pa rin si Mister Finn. Si Mrs. Lewis pansamantalang nagpahinga dahil hindi na kaya, matanda na kasi siya. Napansin ko si Ashley, nakatulog siya habang nakaupo at nakasandal sa pader hindi na niya natapos ang ginagawa niyang pagbabalot. Hin

