KINABAHAN ako sa upuan ko’t hindi mapakali sa panginginig ang kamay ko. Araw ng Sabado, alas dyes ng umaga ngayon. Naghihintay kaming mga kukuha ng exam sa loob ng seminar room. Mayamaya’y dumating ang instructor na siyang magbabantay sa amin habang nag-e-exam kami. Mahaba raw ang exam up to 100 items, dalawang set ng exam ang ibibigay sa amin. Ang isa ay for general knowledge at ang isa naman ay for character test. Medyo kinakabahan ako ngayon kahit alam kong nag-review ako nang husto. Nagsimulang ibigay ng babaeng instructor ang test papers namin. Pagkatanggap ko ng papel kaagad ko itong sinulatan ng pangalan ko saka ko binasa ang panuto. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Mama na mag-review, mukhang hindi na ako mahihirapan ngayon. Mabilis lumipas ang oras, natapos ko rin kaagad

