KANYA-KANYANG yayaan ang mga kaklase kong lalaki sa mga babaeng gusto nilang maka-date sa darating na prom night. Isa ito sa memorable na bahagi sa buhay ng isang teenager. Excited ang lahat lalo na ang mga babae sa susuotin nilang night gown. Isa itong once in a life time experience para sa isang high school student. Ang maganda sa prom night namin ay pwede kaming mag-invite ng isang tao sa labas ng school. Pero ang ka-date namin syempre dapat kapwa estudyante rin namin sa Davies. Inimbitahan ni Ashley si Jack, hindi alam ‘yon ni Theo. Si Lyka naman wala siyang maiimbitahan dahil siya lang naman ang narito sa Pilipinas. Panauhing pandangal naman sina Mrs. Lewis at Mister Finn. May invitation din para sa mga guro at pamilya nito. kaya ako ay may isang extra invitation at para ito kay

