Gathering

1413 Words
NANG makarating kami sa magara at malaking mansyon ipinarada ng driver ang sasakyan sa tapat ng malaking gate. Sinalubong kami ng mayordomo ng mansyon mukhang isang malaking salu-salo ang magaganap ngayong gabi. Pinapasok kami sa loob bumulaga sa harap ko ang napakalaking bulwagan. Sa magkabilang gilid nakaayos ang mahahabang mesa. Maganda at halatang mamahalin ang mga desenyong nakasabit at nakalagay sa bawat sulok ng mansyon. May malaking Christmas tree malapit sa pinto. Ang daming regalo sa ilalim nito. Sa magkabilang gilid nakalagay ang mga silya at mesa para sa mga bisita. Ang daming maid at waiter, naamoy ko ang masarap na pagkain na inihahain nila sa bawat mahahabang mesa. Hmm…ang bango! Ginugutom na tuloy ako. Ramdam ko ang pagkalam ng tiyan ko. Nakakapanglaway. "Mrs. Lewis, maligayang pagdating!" Tinig ng matandang lalaki. Sinalubong kami nang nasa edad fifty na matanda? Kasama ang asawa niyang mukhang nasa edad forty. Mas mukha itong bata kaysa sa lalaki. Nakipag beso-beso sa kanila ang mag-asawa, ganoon din si Mrs. Lewis at Mister Finn. Ipinakilala naman ni Mister Finn ang dalawa niyang pamangkin sina Ashley at Theo, saka niya ako ipinakilala sa mag-asawa. Nagbigay galang ako at nakipagkamay sa kanila. "Kumusta po kayo, ako nga po pala si Mouse." Tiningnan lang ang kamay ko ng mayamang mag-asawa. "O-okay na, bata! Alisin mo na ang kamay mo." Sumenyas ang asawang babae na parang itinataboy ang kamay ko. Napaatras ako sa ginawa ng babae ibinaba ko nang tuluyan ang kamay ko. Tahimik na ikinubli ang sarili sa likod ni Mister Finn. Naalala ko ang nakaraan, ang buhay ko sa ampunan noon. Ang mga mayayamang nagdo-donate sa mga ulilang katulad ko. Parepareho talaga ang mga mayayaman, hindi pa rin nawawala sa puso ko ang ganitong hinanakit. Nang dumating ang magandang babaeng kasing-edad ni Mister Finn, mahaba ang legs, nakasuot ng red fitted dress, ang pinaka ayaw kong kulay sa lahat! Mahaba at tuwid ang buhok hanggang bewang. Halatang naka-make up, ang kapal ng eye liner sa mata. Sumasakit ang ilong ko sa matapang niyang pabango. Napansin ko ang mahaba at kulay pula niyang kuko nang hawakan niya sa balikat si Mister Finn. "Siya nga pala si Rosalinda Pelaez at siya naman si—" "Hindi ko na kailangan malaman tayo na, Finn!" Ipapakilala sana ako ni Mister Finn sa kanya nang hatakin siya nito patungo sa harap. May mahabang mesa roon nakaharap sa bulwagan doon yata sila uupo at haharap sa mga bisita mamaya. Hindi na nagawang tumanggi ni Mister Finn nang palibutan sila nang maraming tao. Bumulong si Mrs. Lewis, bahala na raw muna si Miss Mendez sa aming tatlo. Kumain daw kami o tumingin-tingin sa paligid basta huwag lang daw kaming lalayo at lalabas ng mansyon. Nagpaalam ako kay Miss Mendez na magpapahangin sandali sa balkunahe, pinayagan naman niya ako. Hay! Ang sarap ng hangin! Nang maisipan kong gawin ang isang bagay. Lumabas ako ng gate alam kong pinagsabihan ako na huwag lalabas. Dito lang naman ako sa malapit, maglalakad-lakad. Mayamaya naramdaman kong may pumatak na tubig sa pisngi ko. Nagsimula nang umulan sumilong ako sa maliit na waiting shed 'di kalayuan. Ayoko pang bumalik sa mansyon, dinama ko ang lamig dito sa labas. Mas panatag ang loob ko rito, alam ko namang hindi ako nababagay sa engrandeng kasiyahang iyon. Para lang iyon sa mga mayayaman. Lalo pang lumakas ang ulan nababasa ang katawan ko dahil may kasama na itong malakas na hangin. Humanap ako ng ibang masisilungan. Tumakbo ako sa ilalim nang malakas na ulan hindi ko namalayan na napalayo na pala ako sa mansyon. Madilim ang paligid mukhang sira pa ang ilaw sa mga poste. Nang mapansin ko ang isang maliit na kubo pumasok ako rito at nagpalipas nang sandali. Lagot ako nito siguradong sermon na naman ang abot ko. Ayaw humina ng ulan dapat kasi bumalik na lang ako kanina noong nasa waiting shed pa ako naka silong. Hay! Ang engot ko talaga! Hanggang kailan kaya ako maghihintay na tumila ang ulan? Habang naghihintay, iginala ko ang paningin ko sa loob ng kubo, masyadong madilim ang paligid wala akong maaninag sa loob. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Nadama ko ang dingding sa tabi kaya sumandal ako at niyakap ang sirili. Nang biglang kumulog nang malakas may kasama pang kidlat na gumuguhit sa langit. Nakakatakot! Lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap ko sa sarili. Sisipunin yata ako sa sobrang lamig. Nangangatal ang labi ko sa ginaw sinabayan pa ng nakakatakot na awra ng paligid. Kumakalam na rin ang tiyan ko sa gutom. Steady lang ako sa puwesto ko natatakot ako baka mamaya may lumitaw na lang sa harap ko na killer! Nakakatakot! Biglang pumasok sa isip ko si Mister Finn, gusto ko siyang makita! Unti-unting pumipikit ang mga mata ko sobrang bigat, sobrang pagod. Lalong tumindi ang nararamdaman kong lamig. Nangangatog ang katawan ko, gusto nang pumikit ng mga mata ko, ang lamig, sobrang lamig… "Mouse! Mouse! Gising, Mouse!" Parang may tumatawag sa pangalan ko kaso, hindi ko na maaninag kung sino hindi ko na kaya, kailangan ko nang magpahinga… *** "MISTER FINN!" sigaw ko pagkamulat ng mga mata ko. Nang magising ako bumungad sa mukha ko ang nakasandal sa dingding at natutulog na si Theo? Napansin kong nakakumot sa katawan ko ang coat ni niya? Siguro para hindi ako lamigin kagabi pero, teka bakit nandito siya? "Theo, Theo, gising! Umaga na, Theo!" Niyugyog ko siya para gumising. "Huh? M-Mouse?" Mabilis na kinapa ni Theo ang noo ko na siyang kinagulat ko. "Mabuti naman at hindi ka na mainit pinag-alala mo ako kagabi akala ko tuluyan ka nang magkakasakit." Natulala ako sa reaksiyon niya nanaginip lang ba ako? Sigurado ba akong si Theo ang nasa tabi ko at hindi anghel? Tapos, hindi niya napansin na…nakahawak siya sa dalawang kamay ko? "Uhm…okay na ako kaya pwede mo nang tanggalin ang kamay mo?" alanganin kong sabi sa kanya. "So-sorry!" Si Theo, biglang nauutal magsalita? Nang mapansin niya ang kamay niya bigla niya itong tinanggal sabay talikod. Napatalikod din ako sa awkward niyang reaksiyon. Ang weird ng nararamdaman ko ngayon, ewan ko ba kung dala ng lamig o sadyang kinakabahan lang ako sa sitawasyon namin ngayong ni Theo. "A-ayusin mo na ang sarili mo babalik na tayo. Siguradong nag-aalala na silang lahat sa atin. Buong gabi na tayong wala sa mansyon!" Nanginginig ang tinig niya habang nagsasalita. Hindi ko namalayang gumuhit sa labi ko ang kakaibang saya. Sinunod ko ang sinabi niya, kaagad akong tumayo. Ibabalik ko sana ang coat na ipinangkumot niya sa akin pero… "Itakip mo muna 'yan sa katawan mo," sabi niya. "Sa-salamat…" Habang naglalakad kami pabalik sa mansyon, ikinuwento niya ang nangyari kagabi. "H-hinanap kita kaagad nang mapansin kong wala ka sa paligid. Sinugod ko ang malakas na ulan, mabuti na lang at naisipan kong sumilip sa kubo at natagpuan nga kita," kuwento niya nang nakapamulsa. "Inaapoy ka ng lagnat kagabi, lamig na lamig ka kaya kinumutan kita," namumula pa niyang litanya. "B-binantayan kita pero, nakatulog din ako…" Napakamot siya sa batok at mukhang hiyang-hiya. Bigla akong natawa sa kakaiba niyang kilos. "Alam mo, mabuti na lang at malakas ang resestensya ko laban sa sakit!" Huminto ako saglit saka binigyan siya ng isang matamis na ngiti. "Maraming salamat nga pala sa tulong mo, Theo." Pagkasabi ko noon, bigla niya akong inisnab naglakad siya nang mabilis. Nagtataka akong sumunod sa kanya at nang maabutan ko siya…bigla naman siyang lumingon sa akin. "Mouse, sorry!" malakas niyang sabi. "Sorry sa ilang buwan na hindi kita pinansin, sorry sa mga nasabi ko sa 'yo noon. I'm sorry," mahinahon niyang paumanhin sa akin. Ang nakakatakot niyang awra'y biglang naglaho, ang malamig niyang tinig ngayon ay nag-uumapaw sa init. "Umuwi na tayo, Theo." Inilapat ko ang palad ko sa harap niya. Ngumiti lang ako at tumango. Hindi man ako sumagot sa paghingi niya ng sorry alam kong ramdam niya ang gusto kong ipahiwatig. Matagal nang wala sa akin ang mga sinabi niya noon. "M-Mouse..." Bigla niyang hinablot ang kamay ko at hinawakan niya ito nang mahigpit. "Theo, sandali!" Gumuhit sa palad ko ang mga daliri niya parang na-magnet sa pagkakasara ang mga kamay namin. Naglakad kaming magkahawak kamay, walang imik at parehong pinapakiramdaman ang isa't isa. "Simula ngayon, hindi ko na bibitiwan itong kamay mo, Mouse!" "A-ano'ng ibig mong sabihin?" "Wala…" Ang weird niya talaga. Tumakbo lang kami nang may ngiti sa mga labi. Ayos lang ang nangyari, naging daan naman ito upang magkaayos kami ni Theo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD