MAY dalawang linggo na ako sa eskwelahan magtatapos na rin ang buwan ng Hunyo. Katatapos lang ng klase namin—maglalakad na naman ako pauwi. Kaya lang parang kakaiba ang pakiramdam ko. Kaninang umaga pa kasi ako nahihilo. Sa katunayan nanghihina ako at wala sa mood parang may masakit sa puson ko?
Habang naglalakad sa hallway napadaan ako sa C.R napapaihi tuloy ako. Pumasok ako sa loob para umihi mukhang wala nang tao? Ako na lang yata ang naiwan dito sa building. Pumasok ako sa loob ng cubicle saka itinaas ang palda ko. Hindi ko pa naibababa ang suot kong panty nang makarinig ako ng ingay.
"Ayoko na! Bakit ngayon pa!"
Tinig ng babaeng umiiyak? Ibinaba ko ang palda ko saka lumabas ng cubicle. Hindi ako takot sa multo—mas takot ako sa buhay na tao! Sabi ni Father Morales, hindi naman daw nakakatakot ang mga multo. Dahan-dahan akong lumapit sa katabing cubicle mukhang dito nanggagaling ang ingay.
"Excuse me? May tao ba sa loob?"
"T-tulong! Tulungan mo 'ko!"
Doon ako kinabahan, napalunok-laway ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle. Nagulat ako nang makita ko ang isang estudyanteng umiiyak habang nakaupo sa inodoro.
"A-Ashley?"
"I-ikaw?" Itinuro niya ako gamit ang hintuturo. "Umalis ka na, hindi ko kailangan ng tulong mo! Kung ikaw lang naman, 'wag na lang!"
"Ikaw na nga itong humihingi ng tulong, ikaw pa 'tong galit!"
"Sinabi ko nang hindi ko kailangan ng tulong mo! Umalis ka na!"
Ang sungit niya! hindi ko naman ginustong makita siya sa ganitong sitwasyon. Nakababa ang panty niya at nakahawak siya sa magkabilang tuhod. Nanginginig ang katawan niya at panay ang hikbi. Kinilabutan ako nang silipin ko ang tubig sa inodoro may napansin akong kulay pula?
"M-may sugat ka? Kulay dugo ang ihi mo?" Niyakap ko ang sarili ko parang pang-horror movies inaabangan ko kung may lalabas mula sa inodoro pero—wala! Ano'ng hiwaga ang bumabalot sa inodoro ng eskwelahan? Pagtataka ko habang nakatingin dito.
"Sira! Regla ang tawag d'yan! First time kong magkaroon!" galit niyang sigaw.
13 years old na silang kambal at ngayon pa lang dumating ang regla ni Ashley. Sabi ni Mrs. Drew nang pag-aralan namin ang tungkol sa pagdadalaga at pagbibinata minsan daw advance o late ang pagdating ng regla ng babae. Mas matanda ng limang buwan sina Ashley sa akin. March 14 ang birthday nila at August 14 naman ako natagpuan sa simbahan.
"Huwag mo nga akong titigan nang ganyan! Umalis ka na!"
"Teka, nakakaawa ka naman sandali lang babalik ako!"
Iniwan ko siya sandali, may napanuod kasi ako sa TV na patalastas. Hindi pa ako nagkakaregla pero, alam kong ang bagay na 'yon ang kailangan ngayon ni Ashley. Mayamaya bumalik ako sa loob ng C.R nakaupo pa rin siya sa inodoro. May kinuha ako sa bulsa saka iniabot sa kanya.
"Heto, kunin mo. Para makauwi ka na." Nakangiti kong iniabot sa kanya ang hawak ko. No choice na siya, kaya kinuha niya. Lumabas ako ng cubicle hinintay na lumabas si Ashely.
Pagkalabas niya…
"Hindi ako magpapasalamat sa ginawa mo! Hindi pa rin kita gusto! Bleh!"
Nagawa pa niyang mambelat kahit tinulungan ko na siya. Tinakbuhan pa ako at iniwan mag-isa rito sa loob ng C.R, hindi man lang magpasalamat kahit konti.
Naalala ko iihi nga pala ako bumalik ako sa loob ng cubicle para ituloy ang naudlot kong pag-ihi. Nang maupo ako sa inodoro bigla akong nakaramdam nang p*******t ng puson. May lumabas kasabay ng ihi ko kakaibang pakiramdam parang malapot na ewan?
Tiningnan ko ang tubig sa inodoro hala, may kulay pula? Teka, naalala ko sabi ni Miss Mercedes, hindi raw parepareho ang pagdating ng regla ng babae. Hala, sumbay pa kay Ashley ang regla ko! Teka, paano 'to? Isa lang 'yong binili kong napkin.
"Tulong! Saklolo!" sigaw ko.
Pakiramdam ko katapusan na ng buhay ko! Mauubusan na ako ng dugo sa katawan tapos… tapos, matatagpuan na lang nila ako rito sa loob ng banyo—duguan! Paalam, life! Paalam, world! Ganito pala ang pakiramdam ng first time.
"Ashley? Ashley?"
Bigla akong nakarinig ng ingay mula sa labas tinatawag ang pangalan ni Ashley, may tao pa pala sa building pagkakataon ko na para humingi ng tulong.
"Dito! Nandito ako sa loob ng C.R!" sigaw ko.
"Ashley, ikaw ba 'yan? Ba't ang tagal mo? Lumabas ka na diyan, ano'ng oras na hindi pa tayo nakakauwi!" Sa tono ng boses ng lalaking nagsalita, sigurado ako ang supladong si Theo 'yon. Sa dinami-rami ba naman ng tao bakit siya pa? Pero, no choice na ako ayokong mag-stay dito sa loob ng banyo.
"Theo, tulungan mo 'ko! Please pumasok ka rito sa loob!"
"Ano? Sira ka ba? Ayoko nga! Ano ba kasing ginagawa mo riyan? Nagbabawas?"
"Hoy! Hindi ako tumatae, noh! M-may dugo!"
"A-ano?"
Narinig ko ang pagkaripas niya nang takbo. Siguradong nag-alala siya nang marinig niya ang pagbanggit ko sa 'dugo'.
"Ayos ka lang ba? May sugat ka ba? Masama ba'ng pakiramdam mo? Ashley?"
Alalang-alala talaga siya sa kakambal niya naiinggit ako kay Ashley, may kapatid siyang nag-aalala sa kanya hindi ko siya dapat lokohin.
"H-hindi ako si Ashley, a-ako 'to si Mouse!"
"Ikaw?"
Narinig ko ang yabag ng paa ni Theo, aalis siya at iiwan ako? Teka, kailangan ko siyang pigilan hindi ako makakalis dito!
"Sandali! Nakita ko si Ashley kanina nandito rin siya sa loob ng C.R dumating ang unang regla niya kaya binilhan ko siya ng napkin kaso…" Tahimik ang paligid hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.
Hindi ko alam kung narinig niya ang mga sinabi ko o tuluyan na niya akong iniwan. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa inodoro bumaba ang palda ko, hindi ko napansin na namantsahan na pala ng dugo ang likod nito.
Isusulat ko ito sa 'Most Embarrassing Moment' ng buhay ko! Muli akong napaupo sa inodoro umiiyak, nanlulumo at awang-awa sa sarili. Nang bigla akong tamaan sa ulo ng isang bagay. Nalaglag ito sa sahig nang tingnan ko isang napkin? Aba! With wings pa!
"Pamalit 'yan do'n sa binigay mo kay Ashley!" Narinig ko ang tinig ni Theo. Kahit ganoon ang sinabi niya, magpapasalamat pa rin ako sa ginawa niya.
Kaagad kong inilagay sa panty ang napkin ibinaba ang suot kong palda. Wala na akong magagawa sa tagos nito lumabas ako ng C.R at nagpatuloy sa paglalakad pababa ng hagdan. Akala ko wala na si Theo, nasa ibaba pala siya ng hagdan nakasandal sa pader. Nang lapitan ko siya…
"Salamat, Theo! Paki sabi rin kay Ashley…salamat."
Hinubad niya ang suot na hoodie sweater, inihagis ito sa mukha ko nang tahimik. Tinalikuran niya ako saka tuluyuan nang umalis. Itinali ko ang dalawang mahabang manggas nito sa bewang ko. Kahit hindi niya sabihin iyon talaga ang gusto niyang gawin ko. Aba! May konsiderasyon din pala ang lalaking iyon!
Hindi na halata ang tagos ko sa palda natatakpan na ito ng jacket na pinahiram ni Theo. Napapaisip tuloy ako, siguro nga kahit gaano kasama ang ang isang tao sa paningin mo, makikita at makikita mo rin ang tinatago nitong kabutihan sa oras ng kagipitan.