DREVON HINDI na ako nakatiis na hindi puntahan si Teresa. Ganun din ang mga kapatid ko. Sinasabi ko na nga ba at pare-pareho kami ng nararamdaman eh. Inaalala din nila ang mga asawa nila. Papunta ako sa aking silid at ganoon din ang mga kapatid ko. Halos magkakatabi lang naman ang mga kuwarto namin at heto pa nga. Nagkatinginan muna kaming apat bago pa kami tumuloy sa loob ng aming mga silid ngunit nahinto na lang ako dahil palabas na din si Teresa. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko ang mamangha. Parang ayaw ko tuloy na palabasin siya rito at gusto ko na lang na ikulong si Teresa kasama ko. Sh*t! Hindi ko akalain na sa tatlong taon niyang umalis ay may pinagbago din sa kan'yang katawan. Lalo pa yata lumaki ang boobs niya at ang pakurba niyang katawan ay nakakadagdag sa kaseksihan

