DREVON May kung anong gumapang sa aking sistema nang marinig ko ang sinabi ni Teresa. Naabutan ko silang dalawa ni ate na nag-uusap at ako na pala ang pinag-uusapan ng dalawa. Tumayo agad si Teresa dahil sa gulat niya nang makita niya ko. Pero ako naman ay lihim na natatawa pero hindi ko na lang pinahalata kung ano ang nararamdaman kong tuwa ngayon. "Drevon," banggit niya sa pangalan ko. Halatang nanginig ang boses niya. Napakagat labi ako habang sinasalubong ang malamlam na ekspresyon ng kan'yang mukha. "Kanina ka pa ba dito?" "Nope, kararating ko lang. Bakit parang nakakita ka ng multo? Maupo ka muna," utos ko subalit nag-aalangan itong umupo sa tabi ko. Hinila ko na lang ito kaya siya napaupo sa kandungan ko. Bahagyang tatayo din sana siya ngunit mabilis kong hinawakan ang bewang niy

