TERESA "Daddy, why are you so happy?" Tanong ni Tantan sa amin halos mapaawang ang aming ibabang labi. Tiningnan ako ni Drevon sabay kamot pa nito sa kan'yang ulo. Inuusisa ni Tantan ang kan'yang daddy dahil ngayon lang ata niya nakita niya na masaya ito. "Anak, anong ginagawa mo rito at bakit ka narito? Sabi ko, hintayin mo kami ni mommy sa sasakyan," mahinahong sabi ni Drevon kay Tantan. "Hinintay ko po kayo ng limang minuto dad pero natapos na po ang limang minuto. Wala pa din po kayo." "And then, sinundan mo na kami rito?" Tanong ni Drevon. "No dad... Ate Isabela ordered me to come here," sagot ni Tantan. "Isabela, ang anak ni Dalton," parang naiirita nitong sabi sabay hilamos ng kan'yang mukha. "Napakakulit talaga ng batang iyon." "Just like you dad," sagot naman ni Tantan. "

