Callousheart 9

651 Words
chapter 9 Four years na din, nakasurvived ang kanyang mommy sa tiyak na kamatayan. Naubos ang kanilang ibang lupa sa probinsya para ibenta upang maoperahan ang kanyang momy. Nagbago ang pakikitungo ng kanyang daddy, pinilit nitong tanggapin ang kanyang sitwasyon para sa ikatatahimik ng pamilya. Mas lalong naging maunawain at natutong edivert ni Threena ang stress sa biro upang maging ok ang kanilang pagsasama. Mahal na mahal nya ang kanyang mga magulang dahilan upang makatulong sa kanyang disisyon na hindi na iibig,mahuhulog at mag assume sa kahit sinong lalake. Natutunan na din nya na hindi kailangan ng ibang tao para maibsan ang nararamdaman bigat sa loob. Para ngang nagkakalyo na ang puso nya sa mga nangyare. Sa puntong iyon, kumatok ang kanyang mga magulang na sya namang pinagbuksan. "oh ma, dad?'' tanong ni Threena. "May ginagawa ka ba?" tanong ng kanyang mommy "wala naman po, bakit po?" sagot ni Threena "Anak, alam ko kung ano ang sinabi ng doktor sau." nakangiting sambit ng ama nito "Dad?" nag aalalang tanong ni Threena "kailangan putulin uli itong natitira kong binti." tugon ni daddy Fred "Dad?", saad ni Threena "ok lang anak, sabi mo nga. Paa lang ang nawala sakin. May kamay pa naman ako, pwede ko pang ikilos. may mata, bibig, pandinig." sagot ni daddy Fred "daddy", yumakap ng mahigpit si Threena sa daddy nya na humagulhol ng iyak. "May pinakita ka sa akin na video, yung tungkol sa lalaking inborn na walang binti at braso pero normal namang nabubuhay". dugtong ng ama. "Si Nick Vujicic dad", sagot ni Threena. " oo anak. wag ka mag alala. Hindi na mauulit ang dati",saad ng ama at lalong hinigpitan ang pagkakaakap sa anak at sumama na din sa pag akap ang ina. LINGGO, umatend ng pananambahan si Threena. Nagkasalubungan silang dalawa ni Dexter, nginitian nya ito ngunit hindi sya nito pinansin. "Problema nun?", usal nya sa sarili. ''Hi" bati nya sa bwat nakakasalubong kasama ng beso beso. Natapos ang gawain at nakasanayan na nila na tumambay sa canteen. Papasok na sya ng pinto ng marinig nya ang usapan ng mga kabataan at ng familiar na boses. "Alam nyo girls, bata pa kayo. Marami pa kayong makikilalang mga lalake kaya tigilan nyo yang pa crush crush nyo", ani ng familar na boses kay Threena. "Yun oh, nasermunan tuloy kayo ni kuya Dexter." kantyawan ng iba pang mga kabataan. "Kuya Dex si Ana, nakita ko yan. Umangkas sa motor nung lalake", sagot ng isang binata na nang aasar sa kaibigang babae. "Kuya, kaklase ko po yun!", pagtatanggol nito sa sarili. "Kahit na. Hindi dapat kayo umaangkas kung di nyo naman kamag anak aangkasan nyo.Kahit pa kaibigan o kaklase NAKAKABABA NG TINGIN YUN." saad ni Dexter. "Grabe ka naman kuya, mababa agad? di ba pweding nagtitipid lang sa pamasahe?" pagtatanggol ng isang dalagita. "Pangaral lang ang akin. At iwasan nyo ang pagsama sama sa kahit sinong lalake na kayo lang. Wag muna kayo mag boboyfriend, magtapos muna kayo ng pag aaral", payo nito sa mga kabataan. "Yes kuya, sagot ng mga kabataan na nagtatawanan. "Oh si ate Threena!", Pansin ng isang kabataan. "Hi ate ganda," bati ng isang kabataan. Pumasok na ng tuluyan si Threena at lumapit sa grupo ng mga kabataan. "Tama ang kuya Dexter nyo. Kayo girls, wag kayo sama ng sama kung kani kanino nakakababa ng tingin, nakakahiya lalo at hindi naman ninyo kamag anak. Ingatan nyo ang sarili nyo at isipan. Masyado pa kayong mga bata para isipin ang mga crush crush, mag enjoy muna kayo sa pag aaral, pakikipagkaibigan at paglilingkod." payo ni Threena. "YESSS ate Threena", sagot ng mga kabataan. Binaling ni Threena ang kanyang tingin kay Dexter na may halong paguusig na sya namang baba ng tingin ni Dexter. "Bye, uwi na ako, Ingat kayo sa pag uwi nyo mamaya. Uwi na ha, hindi yung kung saan saan pa pupunta", ani ni Threena sa mga kabataan at syay umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD