Callousheart 10

878 Words
chapter 10 Martes ng hapon ng may kailanganing imeet up si Threena sa Novaliches, alanganin na ang kanyang oras at alam nyang matraffic sa lugar na dadaanan. Nagbook sya ng habal habal mula sa sss page. "Maam Threena po?" tanong ng isang habal habal driver. "Yes ako nga po, kayo po ba ang rider ko?" tanong ni Threena ng nakangiti. "Sa bayan Novaliches", saad ni Threena habang inaabot ang helmet na bigay ng rider.Isinuot nya ito at dahil sa nahihirapan syang ilock,tinulungan sya ng habal habal rider na may kagwapuhan din ang itsura. Pinatakbo na ng rider ang motor. Sa puntong iyon nakita ni Dexter ang nangyare. Nais sana nyang dalawin si Threena at humingi ng sorry sa kanyang mga nabanggit ngunit nabigla sya sa kanyang nakita. "Sino yung sinamahan ni Threena?" sambit nito sa sarili. Mapaklang ngiti na dinugtong" kakaiba ka din Threena. Nagkamali ako sayo ng akala". At tuluyan na syang umalis. Sumunod na mga araw, pauwi na si Threena galing sa isang meeting. Nais na nyang makauwi agad dahil gabing gabi na at hindi pa sya nakapagpaalam sa mga magulang. Nagbook uli sya ng habal habal mula sa sss page. "Maam ano pong landmark?, Tanong ng rider "Ahh may SOGO hotel akong nakikita dito, baka pwede dito nalang po ang pick up para mabilis nyo makita." sagot ni Threena. "Copy maam. Kita ko na po,'' tugon ng rider at maya maya lang ay nasa harapan na nya ito. Kung bakit ba naman dito dumaan si Dexter pauwi galing sa pinapasukang trabaho.Nakita nyang umangkas si Threena sa harap ng SOGO hotel. Hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman selos ba o galit sa imoral na ginagawa ni Threena. Dumaan ang ilang linggo. Natapos ang gawain. Nadatnan ni Dexter na may kachat si Threena na napapangiti pa ito. "Mukhang enjoy ka sa kausap mo ah, mas masarap ba yan sakin?" Tanong ni Dexter. "Ano?" Inis na tanong ni Threena "Para namang di ko alam", dugtong ni Dexter. "Di kita maintindihan?Ano bang sinasabi mo?" pagpipigil na sagot ni Threena. "Threena, ganyan ka na ba talaga kadisperada sa mga lalake? Alam ko kailangan mo ng pera para sa mga gamutan ng mga magulang mo pero irespeto mo naman ang sarili mo." sagot ni Dexter. "Ano?!" pag uusisa ni Threena "Threena, come on Threena, ako lang nakakaalam ng ibang side mo, ako lang nakakakilala ng ibang pagkatao mo. Kaya wag ka ng magkunwari. O baka may iba pa bukod sakin dito!" panghuhusga ni Threena. Nangilid ang luha ni Threena at wala na syang nasabi kundi ang ipakawala ang malakas na sampal kay Dexter. Sandali pa silang nagkatinginan habang tuloy tuloy ang luha na dumaloy sa mukha ni Threena at sya'y umalis. Hindi pa nakakalayo ay bigla na lamang syang nawalan ng malay. Nakita ito ng ilan at dagli syang binuhat at dinala sa office na kung saan may malapad na sala. "ANAK Threena, kamusta na pakiramdam mo?", boses ng kanyang Pastor. "Ano pong nagyare?" tanong ni Threena. "Anak, nawalan ka ng malay kanina", sagot ng asawa ng kanilang pastor. "Ganun po ba? ok na po ako. Baka pagod lang po ito." sagot ni Threena. "Anak wag mo ding pababayaan ang sarili mo, paano na ang mga magulang mo? Hinay hinay lang. At anak , andito lang kami kung may problema ka, hindi mo kailangang sarilinin ang problema. We're here to pray for you.Boses ng isang matanda na nag alala sa kanya. "Gusto mo ipahatid ka na namin kay Dexter sa bahay nyo?" tanong ni pastor kay Threena. "Pakitawag si Dexter, ihanda ang sasakyan at ihahatid nya si Threena." Dugtong ng kanilang pastor. "Ay hindi na po pastor, kailangan nyo din po yung sasakyan. Magtataxi na lamang po ako. Thank you po." sagot ni Threena. "Pakisabi , maghanap nalang sya ng taxi para maihatid na si Threena pauwi. Tinawag na si Threena dahil sa nakaabang na ang taxi sa labas. "Dexter pakialalayan si Threena pagsakay'', utos ng pastor. "Yes po". tugon ni Dexter. "Salamat po sa inyo",paalam ni Threena. "Mag pahinga ka anak pag uwi mo,''ani ng asawa ng kanilang pastor. Labag man sa loob ni Threena na si Dexter ang nautusang alalayan sya ay sumunod na lamang sya upang di mapansin ng ilan ang di pagkakaunawaan nilang dalawa. Hahawakan pa lamang sya upang alalayan ng tinabig nya ang kanyang braso. Ayaw nyang madikit ang balat nito sa lalake. "Huwag mo akong hawakan, kaya ko." tanggi nito sabay ismid. "Ok, sumusunod alang ako".sagot ni Dexter at isinara na ang pinto ng taxi ng makapasok si Threena. Kumaway si Threena sa mga taong nakatanaw sa kanya upang magpaalam. Hindi naman napansin ng mga ito ang nagyare sa kanila ni Dexter maliban sa taxi driver. Nahihilo pa din si Threena. Maya't maya ang pahid nya sa mga kusang bumabagsak na luha sa kanyang mga mata. Habang binabagtas ang highway patungo sa kanilang bahay. "Sino ka Dexter para husgahan ako?, ano ginawa ko sayo para laitin mo ako ng ganito. Alam mo lang ang ibang mukha ko pero hindi mo kilala ang buong pagkatao ko. Akala ko iba ka sa lahat ng lalaking nakilala ko. Mas malala ka pa pala!",nagwawala sa galit ang kanyang kalooban habang inaalala ang mga salitang binitawan ni Dexter bago sya mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD