Callousheart 11

869 Words
chapter 11 Ilang araw hindi naging maganda ang pakiramdam ni Threena ngunit hindi nya ito ipinapakita sa mga magulang upang hindi sila mag alala. May isang umaga, naramdaman na lamang nya na naduduwal sya. Inisip nya na baka sa kape dahil nararamdaman din nya ang pagka duwal kapag hindi nya kasundo ang brand ng isang kape kaya pinalitan nya ito. Naamoy nya ang ginigisa ng kanyang mommy na ayaw na ayaw nya ang amoy. Naninibago sya sa nagyayare sa kanya nang maalala nya na hindi pa sya dinadatnan. Nakalimutan na nya na gusto pala nyang mabuntis. Bigla syang kinabahan at para malaman kung tutuo ang kanyang kutob ay bumli sya ng 3 pregnancy test at holaa... parehong 2 guhit. Naghalo halo ang kanyang emosyon takot, kaba, at pagnanais na sana kasama nya ang ama ng nasa sinapupunan nya. si Dexter. Bigla syang nakaramdam ng galit sa lalake nang maalala nya kung paano sya nito husgahan. "Hindi. hindi mo malalaman na anak mo to,Dexter." sambit nya sa sarili. Nagpacheck up mag isa si Threena upang malaman ang kalagayan ng kanyang anak. "CONGRATULATIONS Ms. Alonzo you are 10 weeks pregnant, ito ang reseta na iinumin mo para lumaking healthy si baby sa tummy mo?", saad ng ob na tumingin sa kanya. "Thank you po doc", tugon ni Threena "Bawal ma stress ha, 1st baby mo yan", payo ni Dra.Cruz "Ok po doc, thank you" tugon ni Threena Masayang masaya si Threena sa balita sa kanya. Walang masidlan ang ligaya na ang ligayang nararamdaman ni Threena sa mga oras na yun. Walang takot o pangamba kundi pangarap at pag asa ang laman ng kanyang puso. Inalala nya ang kanyang panaginip nung kasama nya ang lalaking nagbigay sa kanya ng sumpling " Hindi ka na mag iisa, hindi ka na malulungkot, mamahalin kita habang buhay, anak alam ko ikaw yung nagsabi nun sa panaginip ko.Siguro lalake ka? I love you anak", saad nito sa sarili. Lumipas pa ang linggo saka pa lamang pinaalam ni Threena sa mga magulang ang pagbubuntis nya. "Ma, dad. May sasabihin po ako. Pero gusto ko po sabihin sa inyo na, gusto ko po talaga ito, Hindi po ako nagsisisi. Kahit itakwil nyo ako, gusto ko po ito," saad nya sa mga magulang. "Anong drama naman yan Threena, anong gusto mo, anong itatakwil? Bakit ka naman namin itatakwil?", naguguluhang tanong ng ama. "Ma,dad. Buntis po ako", pag amin ni Threena. "Ano? Sinong ama nyan. Kailangan panagutan ka nya!" sagot ng ama. "No dad. ayoko". sagot ni Threena "Anong pinagsasabi mo anak", tanong ni daddy Fred "Dad naalala nyo sabi ko dati gusto ko magkaanak lang, ayokong mag asawa? ito na po yun'',pagpapaliwanag ni Threena. "Ma", paghahanap ng tugon ni Threena sa kanyang mommy. "Alam ko na may nagbabago sayo kaya alam ko ng buntis ka. Hinihintay ko lang na magsabi ka", saad ng ina. "Ok lang sakin kung yan ang gusto mo", dugtong nito. "Thank you ma",sagot ni Threena. "dad?" tanong ni Threena sa daddy nya. Yakap lamang ang tinugon ng ama sa anak na si Threena. "I LOVE YOU MOM DAD, kailangan mabuhay pa po kayo ng matagal para masubaybayan nyo ang apo nyo." ani ni Threena. "Oo anak, sisikapin namn para sa apo namin", tugon ni mommy eve. NAGING maayos at masayahin si Threena sa kanyang pagbubuntis sa kanilang bahay bagamat nalalapit na ang schedule ng pagputol ng kanang binti ng kanyang ama. Sinikap nyang maging positibo upang hindi maapektuhan ang kanyang anak sa sinapupunan. Ilang linggo na din ang lumipas simula nung himatayin sya sa kanilang church na hindi nagpapakita. Ayaw nyang makita si Dexter kahit ang tawag at text nito ay hindi nya sinasagot . Isang tawag ang kanyang narinig sa kanyang pastora. "Hello anak kamusta ka na? matagal ka na namin hindi nakikita?" "ok namn po, nasa bahay lang.", sagot ni Threena. "Dadalawin sana namin kayo ni pastor para kamustahin", saad ni pastora. "Ok lang po, kailangan din po ni daddy ng encouragement dahil sa susunod na araw ay naka schedule pong putulin ang kanyang binti", sagotni Threena. "Ok anak, mamayang gabi. Pupunta kami", Sagot ni Ptra.Vevien Kinagabihan ay dumating na nga ang inaasahang mga bisita ang family ni pastor at dalawa pang nakatatanda sa simbahan ang sabaysabay na pumasok sa gate. Nakaupo na ang lahat sa sala upang magkamustahan ay biglang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan ang mag ina. "Si Dexter yun, sya pinagmaneho ni pastor, nagpark lang ng sasakyan di namin nasabi sa inyo", tugon ni Ptra. Vivien Lumakas ang kabog ni Threena pero kailangan nyang maging mahinahon. "Ah sige po, buksan ko muna. Nailock ko po kasi." sagot ni Threena at lumabas na nga para pagbuksan ng pinto si Dexter. "Hi, kamusta ka na Threena", bati ni Dexter nang pagbuksan sya ng gate ni Threena. Nakasimangot at walang imik si Threena ng batiin sya ni Dexter. Inaalala nya ang mga masasakit na salita na sinabi nito sa kanya upang manatili syang galit dito. "Galit ka pa din ba sakin? Sorry na hindi ko dapat sinabi yun", pagsosorry ni Dexter kay Threena. Nanatili pa ding walang imik si Threena. Habang naglalakad sa loob ay napansin ni Dexter ang pagbabago sa anyo ni Threena, gumanda ito lalo bagama't tumaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD