Callousheart 12

955 Words
chapter 12 Naging mahaba ang kwentuhan ata panalanginan sa pamilya Alonzo. Pero hindi nakaligtas sa paningin ng mga bisita ang pagbabago sa anyo ni Threena. "Anak Threena,kanina ko pa napansin medyo tumaba ka pero gumanda ka." usisa ni Ptra.Vevien Tumingin si Threena sa kanyang mga magulang at hindi na nag atubili na aminin na sya'y buntis. "Buntis po ako.16 weeks na po", sagot ni Threena. Lahat ng bisita ay nabigla sa sinabi ni Threena. Ngunit si Dexter ay nag isip kung sino ang ama ng bata, kung sino sa dalawang lalaking nakita nya sa inangkasan nito. At yung panahong magkasama sila ni Threena na wala itong pakialam tungkol sa fertility. "Ibig sabihin Threena nung hinimatay ka, yun na yun?" tanong ng isang nakatatandang babae. "opo", sagot ni Threena. "Nasaan ang ama?" tanong ni Ptra,Vevien "Ayoko po malaman ng tatay nya." sagot ni Threena. "Ok naman po ang tatay nito. Mabait naman po sya. Wala naman pong asawa. Sorry po kung nangyare ito, pero ginusto ko po ito.Wala po akong pinagsisihan". "Anak naiintindihan ka namin .wag kang mag alala hindi ka namin huhusgahan. kahit ano man, mahal ka pa din namin lagi mong tatandaan yan, dalaw ka sa bahay pag may panahon ka". "Salamat po sa inyo", sagot ni Threena at niyakap sya ng lahat maliban kay Dexter na nanatiling nakaupo. Nagkapaalamanan na ang lahat at umuwi na din. "Anak sino yung lalaking driver nila?" tanong ni daddy Fred. "Hindi po nila driver yun, nauutusan lang po. si Dexter." sagot ni Threena. "Tahimik lang sya anak," tanong ni mommy Eve. "Yes po ganun talaga sya". sagot ni Threena "Hindi ba nanligaw sayo yun doon?'' tanong ni daddy Fred. " Hindi dad, may girlfriend po yun sa Cebu, kapatid po ni Aiza",sagot ni Threena. "Sayang naman", panghihinayang ni daddy. "Dad walang St.Peter yun", sagot ni Threena habang tumatawa. Kilala ni mommy Eve at daddy Fred ang matalik na kaibigan ni Threena na si Aiza dahil madalas din itong mag overnight sa kanila noong nasa Maynila pa ito. NAGING matagumpay ang operasyon ni daddy Fred. Naging madalas na din ang pagdalaw ng mga kapatid at pamangkin ni Threena sa kanila. Isang parehong kaibigan ni Dexter at Threena ang nag imbita kay Threena sa isang kasalan. Mabait si Threena sa lahat,handa syang makinig sa mga problema ng mga ito kahit paulit ulit, kahit madrama.Alam nya kasi ang pakiramdam ng hindi pinakikinggan.Noong una tahimik lang sya na makikinig sa kahit sinong mag open up sa kanya pero nung lumaon ay matapos makinig ay umiiral ang kanyang humor. Handa syang makinig sa mga sentemyento ng mga kakilala pero si Threena natutunan ng sarilinin ang bawat pagsubok sa buhay. Ito ang katangiang gusto sa kanya ng lahat lalo na ng mga bagong ikakasal, kaya hindi sya maaaring mawala sa kasal ng mga ito. Hindi sana pupunta si Threena sa kasal sa kadahilanang malayo ito sa kanilang bahay pero sabi ng mga ito ay ipasusundo at ipapahatid sya. ''Hello Threena", bati ni Dexter kay Threena. Lalong gumanda si Threena kahit lumalaki ang tiyan nito." ang laki na ng tyan mo ah, ilang buwan na yan?", tanong ni Dexter kay Threena habang tumutuloy sya sa gate. "5 Months", tipid na sagot ni Threena. "Bakit ikaw ang inutusan nilang magsundo sakin? Wala na bang iba doon?kung alam ko lang na ikaw, sana tumanggi na ako pwede naman ako magcommute", inis na sambit ni Threena. "Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?" tanong ni Dexter kay Threena. "Hindi mo alam?" inis na sagot ni Threena. Sa loob ng bahay ay nakita na ni Dexter na kumaway ang daddy ni Threena sa kanya. "Hello po tito?" bati ni Dexter ng makalapit ito at nagmano. "Kaawaan ka ng Diyos iho", sagot naman ng ama ni Threena. "Kamusta po kayo tito?"tanong ni Dexter dahil napansin din nya ang bagong putol na binti nito. "Ayos naman anak, tanggap ko na.Ganun talaga.Ang mahalaga buhay. Salamat nalang talaga kami at andyan si Threena kahit maselan ang lagay nya din ay kinakaya nya para sa amin." napatingin sila pareho kay Threena na nagaayos na din sarili sa salamin." Anak, bago kayo umalis maaari ba akong maglambing sayo?" ani ni daddy Fred. "Ay sige po tito ano po yun?" sagot ni Dexter. "Maari mo ba akong ilipat sa wheelchair ko, wala pa kasi si Noli, inutusan ni Threena,"ani ni daddy Fred at sya namang nilipat ni Dexter sa wheelchair. Maya maya ay biglang pumasok ang isang binatilyong lalake. "Oh Noli ikaw ng bahala kay daddy at mommy. Nalinisan ko ang sugat ni daddy. Nakapagluto na din ako.Si mommy nagbayad lang ng bills, babalik na din sya maya maya lang." sambit ni Threena na napalingon din si Dexter. "Ok po ate Threena", sagot ng binatilyo. "Bye daddy", paalam ni Threena. "Alis na po kami tito",paalam ni Dexter kay daddy Fred. "Sige mag iingat kayo", sagot ng matanda. Sa loob ng sasakyan hindi mapigilang tanungin ni Dexter si Threena nang may pag aalala. "Saan nyo nakuha ung bata?" tanong ni Dexter. "Dito lang din sa lugar namin, tamabay kasi para naman may gawin sya. At hindi ko na kaya si daddy, hindi ko sya kayang buhatin gaya ng ginawa mo kanina.", sagot ni Threena na hawak ang bills ng kuryente, tubig at internet. "Mapagkakatiwalaan ba sya? Delikado na ngayon magtiwala". tanong ni Dexter. "Siguro naman, wala naman syang record sa baranggay at hindi naman dinkasi malaki ang budget ng batang yun", sagot ni Threena na tuloy pa din sa pagcompute sa celphone ng bayarin. "Ok lang naman maawa pero, gamitan dapat natin ng wisdom," ani ni Dexter. Natigilan si Threena ng pacompute at mataman na tumingin kay Dexter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD