Callousheart 13

995 Words
chapter 13 "Wisdom. Speaking of wisdom. Paano ko ito gagamitan ng wisdom?" paglalahad ni Threena ng mag bills. "Ano ba kasi yan?" tanong ni Dexter kay Threena. Hindi sumagot si Threena dahil hindi na nya ugali ang magsabi ng problema sa ibang tao kahit sa mga magulang nito para hindi na mag alala. Bukod sa pag aalaga at pag aasikaso ay problema padin nito ang araw araw na gastusin lalo na sa bills at maintenance ng mga magulang at inihahanda pa din nya ang kanyang panganganak. Napansin ni Dexter na hindi na sumagot si Threena at tinuloy ang pagcocompute nito. "Wala na kami ni Ivy, sinabi ba nya sayo?." saad ni Dexter "Wala. Pero nababasa ko mga post nya na parang heart broken sya",sagot ni Threena. "Ayoko na kasi syang umasa, wala na din akong nararamdaman sa kanya." dugtong ni Dexter. Galit ang mga matang tinuon ni Threena kay Dexter" alam mo Dexter ang sarap mong murahin, di lang talaga ako sanay" galit na sagot ni Threena. "Ihinto mo ang sasakyan!" ani ni Threena na nakasimangot. "Bakit bababa ka?" tanong ni Dexter "Hindi ako bababa at maglalakad tulad ng napapanood sa tv, pinahihinto ko dahil gusto kitang pagalitan! Ayoko ko mabunggo tayo habang sinisigawan kita tulad ng nangyayare sa palabas." galit na salita niThreena. Inihinto nga ni Dexter ang sasakyan. "Tang ina ka Dexter! pagmura ni Threena. "Wag mo naman akong murahin, nag uusap lang tayo." sagot ni Threena. "Pag bigyan mo na ako. nagyon lang dahil nakakagigil ka!", galit na tugon ni Threena at hinayaan na lamang ni Dexter ang gusto nito. "Ano ba kinagagalit mo?" tanong ni Dexter "Dexter, 11 years kang minahal ng kaibigan ko. 7 taon mo syang iniwan sa Cebu na walang malinaw na plano. Matagal ka na naming sinabihan na pakawalan mo nalang kung hindi ka sigurado!" umaagos ang mga luha sa mga mata ni Threena na naramdaman ni Dexter na seryoso ito."Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Nakita mo ako noon diba? Umasa ako noon sa mga lalaking minahal ko pero ang sakit nung bitawan ako.Ikaw. Pinaabot mo ng 11 years or to be exact 12 years. Sa tutuo lang tumawag sakin si Aiza, depress ang kapatid nya ngayon. at aaminin ko nagiguilty ako." humagulhol ng iyak si Threena. "Sorry", pag alo ni Dexter kay Threena. Ilang minuto na nasa ganung sitwasyon sila bago pinatakbo uli ang sasakyan. Wala silang imikan gang sa makarating sa distinasyon. NATAPOS ang kasalan at lahat ay masaya. Unti ng nagsi alisan ang mga bisita. "Ate Threena thank you a, pumunta ka. Hindi talaga pweding wala ka dito. Isa ka sa dahilan kung bakit natuloy kami sa simbahan ni Niel. Ikaw ang taga payo saming dalawa." sambit ni Ruby kay Threena. "Wala yun, masaya ako para sa inyong dalawa." sagot ni Threena. "Kuya Dexter salamat sinundo mo si Ate Threena." ani ni Niel "Wala yun, aalis na kami. Congratulations uli." Sagot ni Dexter. "OH sino pa pong sasabay jan, along the way lang po ah. Para di na kayo mamasahe." tawag ni Dexter sa mga kakilala at may 5 nakatatandang mga babae ang sumakay. Nakaupo si Threena sa tabi ni Dexter. Masayang nagkukwentuhan ang mga kababaihan habang paminsan minsan ay lumilingon si Threena para makipag kulitan din. "Alam mo Threena bagay kayo ni Dexter. Bakit hindi nalang naging kayo. Pwede pa naman diba? Wala namang tatay yan." sambit ng ni Ate connie. "May girlfriend sa Cebu si Dexter", sabat naman ni Marilyn. Nagkatinginan nalang sina Threena at Dexter. Alam ni Threena ang sitwasyon ni Dexter at ayaw din nitong sumagot kaya nag isip sya ng ibang pag uusapan. "Mga ate, may tanong ako sa inyong lahat?'' pagtatanong ni Threena "Ano yun?" sagot ng ilan "KAYA NYO BANG MATAPOS ANG ISANG LINGGO NG WALANG S?" tanong ni Threena na ikinatawa ng marami pero hindi ni Dexter. Masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya at nakakaramdam ng pagkailang sa napipintong topic na nilabas ni Threena. "Nakakaloka naman yang tanong mo na yan Threena". Natatawang saad ni Karen "Real talk lang naman po tayo dito, matured na po tayo. Ako ito, buntis naman na." nakakalokong sagot ni Threena. "Ano ba yang tanong mo Threena?", seryosong tanong na may halong pagsaway ni Dexter kay Threena. "Bakit? may mali ba sa tanong ko? O sino sasagot? ikaw ate Connie?" patuloy ni Threena," KAYA Mo BANG MATAPOS ANG ISANG LINGGO NG WALANG S? "Oo, nadidistino nga si kuya mo Raul ng 1 buwan sa malayo, kaya naman" seryosong sagot ni Connie "Ako, oo din nasa abroad asawa ko kaya naman pero may online kami 3-4X a week yun", sagot ni Marilyn sabay ng malalakas nilang tawanan." Syempre may pangangailangan ang asawa natin baka sa iba mag hanap, mahirap na. Kaya pag sinabi ng asawa ko na ipakita ko, hubad e di gagawin ko kesa iba ang magpakita.D ba?" di maawat na kwento ni Ate marilyn at halgapakan ng tawanan sa loob ng sasakyan maliban kay Dexter na naiilang. "Ito si nanay Cely, Ikaw nay. kaya bang matapos ang isang linggo nyo ng walang S?", tanong ni Threena sa pinaka may edad sa kanila. "Ay nako! Nung kabataan pa ng tatay tinong ninyo 3 rounds gabi gabi. kaya nga naging nwebe anak namin e. Pero ngayon hindi na. Mahina na si manong." palabang sagot ni nanay Cely sa tanong. "Iba pala si nanay at tatay tinong", sagot ni karen.. "Ako. kaya naman. Parang kaya naman kahit wala sa isang linggo. "Ako din, kaya.Sa atin kasing mga babae kaya naman e pero sa lalaki hindi ata?" sagot naman ni ate edna."Ikaw Dexter. Binata kasi to e. Pero Dexter ikaw kaya mo ba?" Dugtong na tanong ni Edna na lalong ikatawa ng lahat. "Ano ba yang pinag uusapan nyo po",naiilang na sagot ni Dexter. "Sagutin mo na anak," pilit na tanong ni nanay Cely kay Dexter. "Oo naman po kaya." napilitang sagot ni Dexter. At tuloy ang tawanan at paliwanagan ng mga nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD