Callousheart 14

837 Words
chapter 14 Sa loob ng sasakyan ay di magkamayaw ang mga tawanan nila sa kanya kanayang opinyon. "Ano ba yang mga nasa isip nyo ang dudumi.", sabat ni Threena."Ito po kasi ang tanong PWEDE NYO BANG MATAPOS ANG ISANG LINGGO NG WALANG "S"? "Oo nga yun ang sagot namin, si ate marilyn lang hindi kaya kasi kahit nasa abroad ang asawa dapat may vertual" sagot ni karen. "Sige tingnan natin ah", seryoso na ang mukha ni Threena at nasimulang kumanta ng isang linggong pag ibig. "LUNE nang tayo'y magkakilala" pasimula ni Threena na lalong nakapagpatawa sa lahat. Maging si Dexter na kanina pa pinigilan ang tawa sa mga sagot ng mga kananayan ay napatawa din ng malakas. MARTE nang tayo'y muling magkita MEYERKULE nagtapat ka ng iyong pag ibig HUWEBE ay inibig din kita. Hindi na naituloy na kantahin ni Threena ang mag sumunod na stanza dahil halos kapusin na sila ng hininga sa kakatawa. "Walang hiya kang bata ka Threena, akala namin kung anong S yan." sambit ni nanay Cely. Unti unti nang nagsibabaan nang mga sakay ni Dexter at naiwan na lamang silang dalawa sa loob. Si Dexter naman ay humuhuni sa tono ng isang linggong pag ibig. "Natawa ka noh? ang dumi din kasi ng isip mo e." ani ni Threena. "Sino ba namn kasing hindi mapapaisip sa S na yan"? natatawang sagot ni Dexter. Napansin ni Threena ang isang paresan sa gilid ng kalsada. Ihinto mo, kain tayo" sambit ni Threena. "Kakain? Hindi ka ba nabusog doon?" Pagtatakang tanong ni Dexter. "Nagugutom uli ako", sagot ni Threena "Puro ka kasi kalukuhan e", ani ni Dexter "Sige na", pagmamakaawa ni Threena "Sige na, ihihinto ko na". pagsunod ni Dexter. Umorder si Threena at parang excited na excited na maihain. "Wow.... sarap naman", sambit ni Threena "Parang gutom na gutom ka ah", puna ni Dexter "'Oh ang likot nya, hawakan mo Dexter", utos ni Threena kay Dexter habang inilapat nito ang malapad nyangkamay sa kamay ni tyan ni Threena at naramdaman nga nya ang paggalaw nito. "Likot nga nya gustong gusto nya siguro ang pares" sagot ni Dexter. Iginala pa nito ang palad sa ibang parte ng tyan ni Threena at napapatawa sya sa tuwang hatid ng paglikot ng baby sa tyan ni Threena na parang nakikipaglaro ito. Natigilan si Threena sa ginawa nya. Nabigla sya sa paghawak ni Dexter sa kanyang tyan. Kumabog ang kanyang puso kasabay ng tila pakikipaglaro sa likot ng kanyang baby sa sinapupunan. " Alam kaya ng anak ko na tatay nya ang humawak sa kanya?" tanong nito sa sarili. MATAGAL ang usad ng trapiko sa lugar ng Commonwealth. Nakatulog si Threena sa patingin tingin ng mga nakakasabayan na sasakyan. Hawak nito ang 5 na buwan na nyang tyan. Minamasdan masdan ni Dexter ang natutulog na si Threena. Gumanda talaga lalo si Threena sa kanyang pagbubuntis. Bumaba ang tingin nito Dexter sa malaking tiyan ni Threena. Malaki na nga ito. "Threena, gusto na sana kita e. Pero bakit kinailangan mo pa ng iba? Sana ako nalang. Sana ako nalang naging ama ng anak mo. Naiinis ako sayo dahil nagpakababa ka! Ngayon asan yung sira ulong lalake na yun? Pinabayaan ka lang! Pinabayaan lang kayo! Threena kung ako yun, Hindi ko gagawin sa inyong iwan kayo. Kaso ang tanga mo e. .. Ok yang kabaitan mo kaso wala kang wisdom! NANGINGILID ang luha ni Dexter habang minamasdan si Threena na nakatulog. Nanghihinayang sya at nagagalit sa nangyare kay Threena. Naalimpungatan si Threena at nasa gitna pa din sila ng traffic. "Hala ano ba yan andito pa din tayo?" napansin nyang nagpahid ng luha si Dexter. "Umiiyak ka?" usisa ni Threena "Masyado lang malakas ang ilaw sa labas. sakit sa mata", pagsisinungaling ni Dexter. Naglakas loob si Dexter tanungun si Threena tungkol sa nakabuntis dito. "Lumalaki na ang tyan mo, wala ba talagang planong panagutan kayo ng nakabuntis sayo?" seryosong tanung ni Dexter. "Kaya ko naman palakihin ang anak ko.", saad ni Threena. "Sino ba sa 2 lalake na nakita kong inangkasan mo ang tatay ng pinagbubuntis mo?" tanong ni Dexter "Ha?", medyo naiinis na tanong Threena ''Papunta ako sa inyo minsan at nakita kitang umangkas sa isang lalake.Doon sa lugar kung saan kita sinundo at binaba nung mag apartel tayo, nakita din kita sa munoz sa harap ng Sogo hotel na hinintuan ka ng nakamotor at sumakay ka. Hindi mo ko napansin na tumabi na ako sa inyo.Alam ko yun, pagkatapos ng nangyare sa atin meron pang mga sumunod na lalake kang sinamahan. Alam ko hindi ako magaling, bagito ako at ikaw malawak na ang karanasan, maliit lang yung akin na hindi ka naliligahan, mabilis ako labasan na nabibitin kita.", hindi napigilang sabihin ni Dexter ang dapat kanya lang para hindi na masaktan si Threena. Nangigilid ang luha ni Threena pero kalmado lamang nyang sinagot si Dexter,"Wala sa kanila". Tumingin si Dexter kay Threena kasabay ng pagbagsak ng luha,"Threena". Ramdam ni Threena ang pagtarak ng panghuhusga ni Dexter sa kanya. Kaya lalong bumuhos ang luha ng di umiimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD