chapter 15
8:15 na ng gabi walang imikan na naihatid ni Dexter si Threena sa kanilang bahay. Pagpasok ng gate ni Threena ay nasalubong nya si Noli na halatang nabigla.
"Oh Noli bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong ni Threena.
"Wala po, nagulat lang po ako sa inyo. Bigla po kasi kayong pumasok", saad ni Noli.
"Natural dito ako nakatira. Teka sandali ano yang hawak mo? Kwentas yan ni daddy a. Akin na yan". Nakipag agawan si Threena kay Noli dahilan upang tumilapon sya sa gate at nakatakbo si Noli.
Nakita ni Dexter ang nangyare dahil hindi pa ito nakakaalis.
"Threena! Hahabulin pa sana nya si Noli pero higit na kailangan sya ni Threena sa hawak na sa oras na iyon ang kanyang tiyan.
"Threena!", patawag ni Dexter.
Nawalan ng malay si Threena. Naglabasan ng bahay ang mga kapitbahay at ang mommy ni Threena.Pinakalma ito ng mga kapitbahay dahil alam nilang mahina ang puso nito.
Dinala ni Dexter sa pinapaka malapit na hospital si Threena.
"Threena, gumising ka'', na noo'y wala paring malay at may dugo ng gumagapang sa hita nito.
Dinala sya sa emergency room at doon nagkamalay si Threena.
"Dexter ang anak ko? Dexter." ani ni Threena
"Ok lang gagawin lahat ng doctor para sa baby mo.", pag aalo ni Dexter kay Threena.
"Doc ang anak ko.. Gawin nyo pong safe ang baby ko.. Ayoko po syang mawala.Doc parang awa nyo na", pagmamakaawa ni Threena sa doktor na hindi mapatid ang pag iyak nito.
"Mister. kami na pong bahala sa misis nyo", sa labas po muna kayo.
Lumabas si Dexter na nag aalala sa kalagayan ni Threena at para sa anak nito. Batid nito na mahal na mahal nya ang bata sa kanyang sinapupunan kaya kahit may responsibilidad ito sa magulang ay doble doble ang ingat nito para sa anak na hindi pa naisisilang.
"Dexter kamusta si Threena?", tanong ng nag aalalang mga magulang ni Threena.
"Nasa emegency room pa po pero nagkamalay na po sya". sagot ni Dexter.
"Asan na po yung magnanakaw?" tanong ni Dexter.
"Nahuli na. nakakulong na. Kaya pala kanina pa iba ang kinikilos ng batang yun. May hindi pala magandang gagawin", sagot ni daddy Fred.
"Sana ligtas si Threena at ang apo ko. Baka kung anong mangyare sa anak ko kung mawala ang baby nya", saad ni mommy Eve na maiyak iyak.
Lumapit si Dexter dito at minasahe ang likod upang mapanatag.
"Ang kuya Robert nya ang nag aasikaso para makasuhan ang magnanakaw na yun. Ilang araw palang sya sa bahay, inuunti unti na nya pala ang gamit namin.", ani ni daddy Fred kay Dexter.
"Saan nyo po ba nakuha ang lalaking yun?, tanong ni Dexter.
"Si Threena,naawa sa kanya.Nakita nya yan sa labas tinanong sya kung may bote daw ba na ibebenta. Tinanong ni Threena kung asan magulang nya, sabi ng bata nasa bahay, naggagamot daw may hika ang nanay. nanay lang daw kasama nila, iniwan na sila ng tatay.Kinuha na sya ni Threena para alagaan ako dahil hindi ako kayang alalayan ni Threena na." saad ni mommy Eve.
"Tinulungan na nga sya ni Threena, ninanakawan pa nya tayo at ito, muntik pang may masamang mangyare kay Threeena." tugon ni daddy Fred
"Kakaiba ka talaga Threena" bulong ni Dexter sa sarili nang mag ring ang phone nito.
"Hello Dexter, kamusta si Threena.", tawag mula ky Ptra.Vevien
"Pastor wala pa po kaming balita, pakisama po sa prayer na pareho silang ligtas ng baby nya" sagot ni Dexter.
"Yes, we were praying. Paki update ako sa mangyayare", saad sa kabilang linya.
"Yes po." sagot ni Dexter
Lumapit ang doctor na tumingin kay Threena.
"Mister", saad ng doktor na napatingin naman ang mga magulang ni Threena kay Dexter.
"Parents po ng pasyente.", pagpapakilala sa mga doctor ni Dexter.
"Hello mommy daddy, stable na po ang pasyente at ang baby. Ligtas na po sila pareho.", saad ng doctor sa mga magulang ni Threena.
Napapalakpak si mommy eve sa tuwa at napaakap kay Dexter.
"Salamat sa mister ng anak ko", panunukso ni mommy eve kay Dexter dahil gusto nila ito para sa anak nila.
"Po?'', namumulang tanong ni Dexter kay mommy Eve.
"Joke lang namn", bawi ni mommy eve.
"Doc pwede na po ba namin makita ang anak namin?", tanong ni daddy fred.
"Ay sige po. wag lang po muna kayong maingay para makapagpahinga po sya. ipapalipat ko na po sya sa bakanting kwarto",tugon ng doctor.
2:00 am,Ilang oras ding nakapagpahinga si Threena nang ito'y magising at maintindihan nya kung bakit nasa loob sya ng hospital. Una nyang hinawakan ang kanyang tyan sa pag aalalang nawala na ang kanyang baby.
"Wag kang mag alala, ligtas ang baby mo", tugon ni Dexter.
Bumuhos ang luha ni Threena na gaya ng pagluha nito noong unang makilala ito ni Dexter pitong taon na ang nagdaan. Pero Hindi luha ng kabiguan kundi luha ng pasasalamat na ligtas ang kanyang anak.
Lumapit si Dexter at niyakap ito ng mahigpit.
Naalala ni Threena ang hindi magandang sinabi sa kanya ni Dexter bago siya makipag buno sa magnanakaw at kumalas ito sa pag kakaakap.
"Bakit ka pa nandidito"? tanong ni Threena
"Pinauwi ko na ang mommy at daddy mo dahil hindi din pwede sa kanila ang mapagod. Bukas babalik sila. Ako na muna ang magbabantay sayo." tugon ni Dexter.
"Siguro naman bukas makakauwi na ako diba? Ok naman na kami ng anak ko. Pwede ka ng umuwi para makapagpahinga ka na din." utos ni Threena.
"Ok lang ako dito, nakatulog na ako". sagot ni Dexter
"Dexter, ganyan ka ba talaga? Sasabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin kahit nakakasakit ka na?" walang luha sa mga mata ni Threena na sinabi nya. "Si Ivy. 7,12 years Hindi mo masabi ang nararamdam mo na makakasakit sa kanya pero sa akin madali mo lang nasabi? Ganun mo lang ba maliitin ang kaya kong maramdaman.? Tingin mo ba bato ako, tingin mo ba makalyo na ang puso ko para hindi masaktan sa mga sinasabi mo?" tanong ni Threena.